17/07/2025
Yung 9.00 php sa baba yung naging interest ng savings ko sa bangko last month.
Yung 1.80 php naman yung kinaltas na 20% tax.
Ibig sabihin kumita pa rin yung savings ko ng 7.20 php sa bangko sa loob ng isang buwan. Wala ako ginawa, dineposit ko lang.
Matagal na ang batas na yan, di na bago. Dinagdagan lang ngayon, dahil isasama nang kukuhanan ng 20% tax ang interest sa time deposit.
Apektado ba ako? Hindi masyadow dahil di naman ako mayaman. Maliit na halaga ang 2 pesos na ikinakaltas sa akin. At take note, sa interest lang kinakaltas hindi sa mismong savings ko.
Mas apektado pa nga ako sa 12% VAT nung pinang grocery ko sa supermarket na worth 1000php. Nasa 120 pesos din ang VAT dun noh. Mas masakit sa bulsa. Tapos di mo man lang alam at ramdam kung saan napupunta.
Mas masakit din yung 18-20 pesos na charge ng bangko kapag nagwithdraw/check bal. ka sa ibang ATM. Kaloka!
Pero pabor ba ako sa bagong batas na ito? Siyempre hindi, sino ba naman gusto makaltasan di ba? Kahit maliit na halaga lang yan.
Ang akin lang eh andaming kumakalat na misleading content sa socmed ngayon.
Kung saan eh nagkakaroon ng stigma yung mga tao na mag-save ng pera sa bangko.
Ang masaklap, kung sino pa yung walang malaking savings tulad ko (kasama ako dito ha), kami pa yung ngawa ng ngawa🤣🤭✌️.
Bakit kung hayaan na lang natin yung mga mayayaman at may mga milyones sa bangko mamroblema sa batas na yan?.. Periodttt.
Anyway, for awareness lang po ito ha, kasi yung iba (hindi lahat), ang nasa isip eh 20% ng ipon mo mismo yung kakaltasan which is very impossible na mangyari (base sa mga nabasa ko sa comsec😭)
Kaya andami tuloy natakot mag open ng account sa bangko.