Ang Sinag

Ang Sinag Ang Sinag is the official publication of Tandoc National High School.

13/06/2025
07/06/2025

What hafen, Vella? Why are you crying again? Dahil ba malapit na ang pasukan pero wala ka pang napipiling paaralan?

Yun oh! Enroll na sa TANDOC NATIONAL HIGH SCHOOL!

Bakit sa Tandoc NHS? Simple lang.

Una, dekalidad ang mga g**o at programa—tutok sa husay, talento, at tagumpay mo.

Ikalawa, sigurado ang suporta at seguridad. Nandiyan ang SSLG na parang Ate’t Kuya mo, at ang Guidance Office na gagabay mula enrolment hanggang graduation.

Ikatlo, mga estudyanteng handang tumulong at inspirasyon—dahil marami na ring nagtapos dito na may karangalan!

At marami pang iba: orgs, sports, at ang ANG SINAG, ang pahayagang nagbibigay liwanag sa mga isyung dapat pag-usapan.

Ngayon alam mo na. ENROLL NA! At alam mo ha!

🖋️Chrisdel
🎥Joyce
🎭 Shafer|ChrisJohn|Kervy|Kent|Chrisdel
🎬 Nique| Cois

06/06/2025
09/02/2025

Created with the Heyzine flipbook maker

☀️Ito ang Sinag Woah Oah Oah~~~Sentro ng Kuwento ng Bayan~~~Siyento Artikulo ang Laban ! Kilalanin ang mga bagong patnug...
11/10/2024

☀️

Ito ang Sinag Woah Oah Oah~~~
Sentro ng Kuwento ng Bayan~~~
Siyento Artikulo ang Laban !

Kilalanin ang mga bagong patnugutan ng ANG SINAG! Sila ang mga mapanuring mata at may malikhaing kamay, handang maghatid ng makabuluhang kuwento't balita.

Sulat, sipag, at sigla iyan ang dala! Mula papel hanggang pahina, ang kanilang tinta’y may diwang malaya. 💙💛

📸 Chris John Jaquias & Vernish Sy
✒️Kieth Aquino & Avril Nicdao
💻Danica Sarmiento



‘Lakas sa Gatas’ -Shiela Marie Primicias        Nakiisa ang mga mag-aaral at g**o ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Ta...
09/08/2024

‘Lakas sa Gatas’ -Shiela Marie Primicias

Nakiisa ang mga mag-aaral at g**o ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Tandoc sa Proyektong BBM-IG (Bawat Bata Malakas sa Inuming Gatas) na ginanap sa quadrangle ng paaralan ngayong ika-9 ng Agosto.

Sinimulan ang programa sa pagkanta ng BBM-IG Jingle, panonood ng SAGIP Advocacy Video, pagpapahayag ng mga mensahe ukol sa kahalagahan ng pag-inom ng gatas na pinangunahan ng punong-g**o na si Gng. Julia Tagulao. Dagdag pa rito ay isinagawa rin ang sabayang pagsayaw at pag-inom ng gatas ng mga estudyante.

“Ayon sa datos mula sa Baseline Nutritional Status Report sa taong 2023-2024, isa sa sampung mag-aaral natin ay underweight kaya naman inihahandog namin ang Project BBM-IG” ani ni Dr. Primicias.

Dagdag pa niya na ang Project BBM-IG ay may lakas sa gatas kaya hindi lamang proyekto kundi isang pangarap na ating sama-samang isinasakatuparan.

Ang programa ay isang paalala na tutukan ang kalusugan ng mga kabataan at tumulong mapanatili ang kanilang lakas dahil sila rin ay magiging mga propesyonal sa hinaharap na tutulong magpaunlad sa ating lipunan.

✍️Khysha
📸Vernish & Aldred
💻Danica

'Kahit ang mga estudyante ay may karapatang bumoto...' -COMELEC        Sinimulan na ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) ang...
08/08/2024

'Kahit ang mga estudyante ay may karapatang bumoto...' -COMELEC

Sinimulan na ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) ang pagsasagawa ng mobile na pagrerehistro ng mga estudyante at isa sa mga paaralang kanilang napuntahan ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Tandoc noong ika-8 ng Agosto 2024.

Ani ng isang opisyal sa COMELEC na si Renante Emboido, ang mga estudyanteng maglalabinwalong taong gulang bago
mag ika-12 ng Mayo, 2025 ay maaari nang bumoto. Bukod pa rito, kinakailangan din na magdala ng kanilang School ID o sertipiko ng pagkapanganak upang makabahagi sa pagrerehistro.

"Kahit mga estudyante ay may karapatang bumoto kung kaya't malaki yung maitutulong nito, kasi hindi na nila kailangan pumunta sa office at makipagsiksikan kaya pinupuntahan natin yung sa school. Kaya tayo lumalapit kasi para mabilis na matapos at yung mga ginagamit sa office dadalhin na rin sa school para pagkatapos nun ibang school naman ang next" dagdag pa niya.

Ang pakikiisa ng PMPT sa Mobile Registration ng COMELEC ay naglalayong buksan ang pinto para sa mga estudyante upang makaboto at pumili ng kanilang ninanais na pinuno upang mabigyan ang Pilipinas ng magandang pagbabago.

✍️ Shafer
📷 Aldred & Bernadette

WIKANG FILIPINO, WIKA NG KALAYAANNgayong Agosto, maligaya nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika 2024 sa temang “Filipino, ...
01/08/2024

WIKANG FILIPINO, WIKA NG KALAYAAN

Ngayong Agosto, maligaya nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika 2024 sa temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya.” Aming inaanyayahan ang mga mag-aaral na makiisa, tangkilikin, at palakasin ang kamalayan sa Wikang Filipino.

Ang ating wika ay isang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan, bukod pa rito ay ito rin ang dahilan ng ating pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ating mahalin ang sarili nating wika, sa ganito ay matutupad natin ang hindi paglimot ng ating kinagisnan at pagpapayabong ng ating kultura.

Sama-sama nating igunita ang wikang simbolo ng ating kalayaan ngayong Buwan ng Wika 2024!

✍️ Khysha

Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Sinag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Opening Hours
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share