10/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Bakit hindi ako gumagamit ng floral foam? 🤔 Ganito kasi yun…
Oo, maganda siya para sa fresh flowers kasi kaya niyang sumipsip ng tubig at sobrang dali ilagay ang stems. Pero ang hindi alam ng karamihan, may hidden risk ito. Gawa siya sa urea-formaldehyde na, kapag nadurog o hinihiwa, naglalabas ng pino at harmful dust. Yung alikabok na ‘yon pwedeng makairita sa balat, mata, at lalo na sa paghinga. At mas delikado pa, classified siya as possible carcinogen — ibig sabihin, may long-term health risk kung palagi kang exposed. Kaya para sa akin, hindi na worth it gamitin lalo na kung satin flowers o fuzzy wire flowers lang naman ang gagawin. 🙅♀️
Mas pinili ko na ang styrofoam. Mas safe gamitin kasi wala siyang ganitong health issue, mas matibay, at mas budget-friendly pa. Downside lang, hindi siya puwede sa fresh flowers dahil hindi siya sumisipsip ng tubig. Pero kung satin or fuzzywire flowers lang naman, okay na ang styro. 🌸
Kung ikukumpara:
✨ Floral Foam → maganda para sa fresh flowers, pero may serious health at environmental concerns. At kung gagamitin pa rin, dapat magsuot ng mask at gloves para iwas sa harmful dust.
✨ Styrofoam → mas safe at practical para sa fuzzy wire flowers, kahit may environmental issue rin, at least wala siyang direct risk sa health.
Kaya mga mii, kung hindi fresh ang bouquet, mas wise choice talaga ang styro. 🌷
👉 Tandaan: Craft smart, craft safe, always 💖