30/03/2020
kahit hindi ko man maamin ang tunay nitong❤️ nararamdaman,
alam kong alam mo na ikaw parin ang mahal,
mga matang walang humpay kaluluha,
sa mga awiting nagpapaalala sa nakaraan nating wala na.
Ikaw,tayo ay mapait nang pakinggan
dahil sa kahapong sabay nating tinapos ng walang paalam,
higaan,kumot,unan ang siyang saksi sa larong ating pinagsaluhan.
Alam kong ayaw ko na
ngunit ba't sa tuwing nakikita kita bawat hampas nito❤️ ay ang sunod sunod na kaba,
Totoo nga bang wala na? O pinipilit ko lang ipagtabuyan ang aking sarili?
Sa kabilang dako masasabi kong Oo maaari nga,
maaaring pinipilit ko lang ipikit ang aking mata ,
sa pagbabaka sakaling pagdilat ko ay limot ko na ang lahat,
ngunit nagkamali ako
'Di ko maintindihan ang aking mararamdaman kapag nakikita kitang napapasaya ng taong mahal mo,
Dahan dahan nitong dinudurog ang aking buong pagkatao,
na tila wala nang bukas sa pagkakapino,
Hudyat upang tigilan na kita,
dahil kasabay ng pagkadurog nito❤️ay ang sampal ng katotohanang wala na ngang pag asa.
Nakakabaliw lang isiping kahit alam kong wala na talaga,ay nandito parin ako naghihintay na sa bawat pagsikat ng araw ay kasabay nito ang maliwanagan ako sa katotohanang may iba kana,
at kahit kailan ay hinding hindi kana babalik.
Ganito ba talaga ang tunay na depinisyon nang Pag ibig?
na kailangan hindi lamang saya't kilig?
kagaya nga pala ng asukal na sa sobrang tamis
ay nilalamat din upang masira ang tunay nitong hugis,
Sa Relasyon ay hindi maaalis ang pait,
lalo na't kung ang isa sainyo ay may nakilalang mas higit,
sa kaya mong ibigay na saya kaya ikaw ay maaaring ipagpalit.
Inaamin kong Tanga na nga talaga ako pagdating sa pag ibig,
2 taon na ang nakalipas ngunit wala paring pinagbago ang aking hikbi
sa bawat gabing makulimlim ay bigla na lamang bubuhos ang aking mga luha,
na parang mas malakas pa sa ulan kung ito'y magbabagsakan,
Kaliwa't kanang luha ay naghahabulan,
na sinasambit ang katagang 'di ko pa talaga kayang mamaalam.
Mahal pa kita! kahit sobrang sakit na,
Mahal pa kita! kahit tuluyang bumitaw kana
Mahal pa kita! kahit nakikita kitang masaya na sa kaniya
Mahal pa kita! at hinding hindi yun magbabago,
Dahil alam kong ang tunay na basehan ng pagmamahal ay yung hindi kukupas kahit na paulit ulit na sakit at pait lamang ang dala.
Maghihintay parin ako
kahit sa huli alam kong ako'y mabibigo,
Panghahawakan ko parin ang mga pangako mo,
kahit tiyak kong ang mga ito'y isang bangungot lang para saiyo.
Bangungot na kailanman ay nanaisin kong hindi na magising,
kung yan lang ang tanging paraan para ika'y makapiling.
Hanggang dito na lang ba talaga tayo?
kung hahayaan mong ibalik ko ang ating nakaraan
Papayagan mo ba ako?
Magsimula tayo sa pinakaunang pahina ng ating kuwento,
dahil alam kong hindi pa yun sapat para ipampubliko.
Balikan natin ang unang laro,
larong kombinasyon ng saya't mapanglaw na may pagkalito,
Habul-habulan na kung saan ako ang taya't hinahabol kita,
umaasang mabibigyan ako ng pagkakataong mahuli ka't ikaw naman ang taya,
Nang sa ganun ay maramdaman ko din ang aking halaga para lamang habulin.
Ngunit isa nga lang pala itong laro,
walang totoo dahil kapag sineryoso tiyak ay talo.
Mabuti pang magpatangay na lamang sa hangin,
hayaang dalhin sa ibabaw ng kalangitan
at doon sabayan ang pagkutitap ng mga bituin,
Simbolo upang maging kuntento sa kung sino lang ang nandiyan,
at hayaan na lamang bumitaw ang ayaw saatin,
Dahil sa huli kung pilit nating ipagsisiksikan ang ating mga sarili,
mas lalo lamang nating sinsasaktan ang ating puso't buong pagkatao.
Siguro nga kailangan ko na ding bumitaw,
sa matagal ng lubid na kupas at unti unti ng lumalaho,
dahil lahat ng bagay ay may hangganan,
maging siya't ang pangako niyang lumisan.
Anim lamang ang letra ng kaniyang pangalan,
ngunit bakit dulot nito'y higit sa anim na taong karimlan?
Pasensiya,tao lamang akong marunong makuntento sa isa,
na kahit ngayon ay may iba kana ikaw parin ang hinihintay ng puso kong nagdurusa,
Pasensiya na ngunit isa lang ang masasabi ko, ikaw lang hanggang sa huli at kailan man ay hindi ka mapapalitan.