09/10/2025
Hindi porke hindi na ako miyembro ng ICI ay tatahimik na lang ako at mag bibingibingihan,
Ito ang nangyayari ngaun pakinggan nyo:
Bago buuin ni pres. Marcos ang ICI wala pang kongkreto na mga taong makapag tuturo kay Romualdez at Zaldy Co, kung meron man ay Discaya lang. By that time ang sabi ng pangulo OPEN HEARING for TRANSPARENCY, ito ung mga araw na tanging contractor, DE engineers, maliliit na congressman, at ilang senador palamang ang ginigisa, ngunit noong last hearing sa senado bigla may isang sumabog na hindi nila ineexpect, isang matapang na marine ang lakas loob na nagsalita at direktang itinuro si Co at Romualdez, Dyan na nag simula bumaliktad ang lahat, matatandaan inalis ako at sinabihang may conflict of interest, tapos naglabas ang ICI na BIGLA CLOSED HEARING NA, dahil dawit na SI CO AT ROMUALDEZ EH, may testigo na sa kanila na sila ang utak, tapos bigla ung blue ribbon chair nag labas naman ng statement na halos lahat daw ng senador ay involved. So inuumpisahan na guluhin ang mata ng mga tao, itinutuon sa iba para maalis kila Zaldy Co at Martin Romualdez.
Pero hindi umubra dahil alam na ng taong bayan kung sino talaga ang utak, so hindi na nila alam ang gagawin nila ngaun para hindi sila mag mukhang pinoprotektahan si romualdez, lalong nagagalit ang taong bayan sa ginagawa nila kaya ito ngaun ang naisip nilang paraan, NAGLABAS ANG ICI ng statement na ipatatawag na din si Romualdez, naglabas na din ng statement si Lacson na ipapatawag na din si Romualdez sabay sabay bigla ganyan ang desisyon nila na parang may script eh pati DOJ sasampahan daw si Romualdez ng kaso sa OMBUDSMAN tapos si Remulla mismo ang nalalapit ng maging OMBUDSMAN. IPATATAWAG na sila para hindi isipin ng taong bayan na protector sila PERO CLOSED HEARING, CLOSED HEARING CLOSED HEARING,
para hindi malaman ng taong bayan kung anu ang ginagawa nila sa hearing kung nag kukunwari kunwari lang sila na kunyari iniimbistigahan si Romualdez pero sa totoo baka sa loob ng hearing pinag tatawanan lang nila ang taong bayan, napaka simpling tactics, OPEN HEARING nung hindi pa damay si romualdez, nung nadamay na CLOSED HEARING NA.
DAPAT, ngaung araw may hearing nanaman ang ICI alam ba ng mga tao ang totoong nangyayari sa loob?
Malalaman na lang sa spokesperson ng ICI ang naging resulta, sila sila nalang ang nakaka alaman. Ang tanong TOTOO BA ang pinag sasasabi ng spokesperson ng ICI?
Panu natin malalaman kung totoo eh sila sila lang ang nasa loob, sguro iba ang kwento kung ako ang nasa loob ICI na yan, after hearing kahit closed hearing yan isasambulat ko yan sa sambayanang pilipino, pero ang masakit ngaun hindi ko din alam ang nangyayari sa loob
Ang pangulo natin walang isang salita, sya mismo nag sabi open to public dapat, tapos ngaun sasabihin nya wala sya kapangyarihan para diktahan ang gusto ng ICI na closed hearing, pwede ba un? Ikaw ang head of the state at ikaw mismo ang bumuo at PUMILI ng mga yan papaanung wala kang kapangyarihan?
- MAYOR MAGALONG