03/07/2026
Ang inyong Inhinyerong Trader ay maituturing pa lamang na nasa Year 1 sa journey patungo sa pagiging Consistently Profitable Trader.
Na-expose na tayo sa cryptocurrency noong 2021, kung saan sinimulan nating aralin ang fundamentals ng market. Ngunit dahil sa trabaho at personal na buhay, pansamantala muna nating isinantabi ang trading.
Ngayong taon, buo na ang loob nating magpatuloy. Ayaw nating masayang ang kaalaman, oras, at effort na inilaan natin sa pag-aaral ng trading.
Hindi madali ang daan natin kung saan ibabalance natin ang pagiging Inhinyero sa umaga at Trader sa gabi, pero sabay-sabay tayong matuto, mag-improve, at magdisiplina hanggang maabot natin ang goal na maging Consistently Profitable Trader.