Central Luzon Express Agenda

Central Luzon Express Agenda Timely Agenda, Delivered Express.

06/10/2026

SAKRIPISYO NG MGA G**O

Kinilala ni Pampanga Governor Lilia Pineda ang sakripisyo at dedikasyon ng mga g**o sa kanilang araw-araw na pagtuturo sa mga mag-aaral.

Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day nitong Lunes, Oktubre 5, tinawag ni Pineda na mga bayani ang mga g**o dahil sa kanilang mahalagang ambag sa paghubog ng kabataan at sa pag-unlad ng bansa.

Sinabi rin ng gobernadora na patuloy niyang susuportahan ang mga programa at hakbang na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga g**o at pag-unlad ng sektor ng edukasyon.

TULONG SA MGA ANGELEÑOMahigit P800,000 ang kabuuang tulong pinansyal at pang-edukasyon na ipinamahagi ng lokal na pamaha...
06/10/2026

TULONG SA MGA ANGELEÑO

Mahigit P800,000 ang kabuuang tulong pinansyal at pang-edukasyon na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Angeles City sa mga residenteng nangangailangan sa ilalim ng mga programa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Pinangunahan ni Mayor Carmelo ‘Jon’ Lazatin II ang pamamahagi ng tulong ma nagmula umano sa pondo ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga tumanggap ng ayuda ang 505 solo parents na tumanggap ng tig-₱1,000.

Naglaan din umano ang lungsod ng ₱33,000 para sa 11 college students na anak ng solo parents, at ₱75,000 para sa 25 kabataang benepisyaryo ng Educational Assistance for Youth.

Samantala, ₱180,000 naman umano ang ipinamahagi sa 18 pamilyang naapektuhan ng kalamidad, na tumanggap ng tig-₱10,000 bilang tulong sa kanilang agarang pangangailangan at pagbangon.

May apat pang benepisyaryo na nakatanggap ng Financial Assistance for Children in Need of Special Protection (CNSP) at Women in Especially Difficult Circumstances (WEDC), na tumanggap ng ₱3,000 hanggang ₱5,000 bawat isa depende sa kanilang sitwasyon.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang mga programa ng patuloy na paghahatid ng social welfare assistance sa mga Angeleño, partikular sa mga pamilyang nangangailangan ng dagdag na suporta.

Patuloy ding tinutukoy ng CSWDO ang pangangailangan ng iba’t ibang sektor upang maiugnay sila sa mga programang maaaring makatulong sa kanilang kalagayan, kabilang ang educational assistance para sa mga kabataang nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

FOOD PACKS FOR MABALAQUEÑOS Umabot sa 1,572 food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang i...
06/10/2026

FOOD PACKS FOR MABALAQUEÑOS

Umabot sa 1,572 food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ipinamahagi sa iba’t ibang sektor at komunidad sa Mabalacat City nitong Lunes, Oktubre 5.

Pinangunahan nina Mayor Atty. Geld Aquino, Vice Mayor Jun Castro at mga konsehal ang pamamahagi ng mga food pack sa mga benepisyaryo.

Kabilang dito ang 500 para sa mga residente ng Barangay Dapdap at 500 naman para sa mga residente ng Biglang Sibol sa Barangay Dau.

Kabilang din sa mga benepisyaryo ang 327 jeepney drivers ng PISTONRAMA, 125 mula sa MMMC at 120 mula sa PPC.

Ayon kay Aquino, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Mabalacat City government sa DSWD at iba pang ahensya ng national government upang matiyak na nakararating sa mga residente ang mga tulong at programang nakalaan para sa kanila.

Nagpasalamat din ang alkalde sa DSWD sa patuloy na pakikipagtulungan nito sa lungsod para sa kapakanan ng mga Mabalqueño.

AKSYON NG MUNISIPYO Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Candaba ang mga isinagawa nitong hakbang matapos gumuho ang bahagi...
06/10/2026

AKSYON NG MUNISIPYO

Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Candaba ang mga isinagawa nitong hakbang matapos gumuho ang bahagi ng pampang ng Pampanga River sa Barangay Mandasig.

Ayon kay Acting Municipal Administrator Michael Sagum, agad na nagtungo sa lugar ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) noong Sabado, Oktubre 3, upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng nakatira malapit sa gumuhong bahagi.

“Sabado pa lang pinuntahan na ‘yung site. Nag-cordon na ang MDRRMO doon at sinabihan na ang mga residente na i-vacate muna ang mga bahay for their safety,” ani Sagum.

Kinabukasan, Oktubre 4, nagsagawa naman umano ng technical inspection ang Municipal Engineering Office (MEO) upang malaman ang lawak ng pinsala at posibleng sanhi ng pagguho.

Nakipag-ugnayan din umano ang MEO sa contractor ng nasirang proyekto, na nangakong aayusin ang nasirang bahagi nang walang gastos sa pamahalaan.

“Agad nag-inspect ang Municipal Engineering Office at nag-coordinate sa contractor. Inassure naman nila tayo na aayusin nila ‘yung nasira,” ani Sagum.

Noong Lunes, Oktubre 6, nagsagawa rin ng coordination meeting ang LGU kasama ang mga apektadong residente upang pag-usapan ang posibleng tulong para sa mga pamilya.

Sinabi ni Sagum na bagama’t nakatira ang mga pamilya sa easement ng ilog at hindi sa sarili nilang lupa, nangako umano ang contractor ng tulong para maipaayos ang kanilang mga bahay.

“Recognized naman nila na ‘yung pinagtayuan nila ng bahay ay hindi nila property dahil easement ‘yun ng ilog. Despite that, tutulong ‘yung contractor sa repair ng mga bahay, at siyempre ‘yung munisipyo mag-eextend din ng tulong sa mga constituents,” ani Sagum.

Tiniyak din ni Sagum na imo-monitor ng LGU ang pagkukumpuni upang matiyak na maayos itong maisasagawa at makumpleto.

PAMANA SA KUSINABumida ang mayamang culinary heritage ng Kapampangan sa ginanap na Pamangan Fiestang Kapampangan sa Kusi...
03/10/2026

PAMANA SA KUSINA

Bumida ang mayamang culinary heritage ng Kapampangan sa ginanap na Pamangan Fiestang Kapampangan sa Kusina Kuliat Culinarium sa Museo Ning Angeles bilang bahagi ng Fiestang Kuliat 2026.

Pinangunahan ni Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II ang ribbon-cutting ceremony kasama ang mga organizer, chef, culinary partners at iba pang stakeholders.

Sa suporta ng Angeles City Tourism Office, mahigit 60 food establishments ang nakibahagi sa aktibidad na nagtipon sa mga chef, food entrepreneurs, cultural advocates, Angeleños, Kapampangans at mga bisita.

Kabilang sa mga lumahok ang BhaR’z Kitchen, Tollhouse, Fortune Tea House, Diosdado by Chef Howard D. Dizon, Tito Boy Eatery, Edna’s Cakeland Pampanga, Cely’s Carinderia, 25 Seeds, Nathaniel’s, Bahn Mi Vietnamese Eatery, IkBest Lechon, Angelina Bakery at iba pa.

Layunin umano ng Kusina Kuliat Culinarium na mapanatili at mapaunlad ang Kapampangan culinary heritage sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga tradisyonal na putahe, lokal na sangkap, recipe, pamamaraan at kuwentong bahagi ng kultura ng mga Kapampangan.

Pinangunahan ng Kuliat Foundation, Inc. at Museo Ning Angeles ang programa, na naglalayong gawing mas accessible sa mga Angeleño at turista ang kultura at kasaysayan ng Kapampangan cuisine.

Bahagi rin ng programa ang pagpapakita ng mga bagong interpretasyon sa tradisyonal na pagkain upang maitaguyod ang patuloy na pag-unlad ng lokal na culinary scene nang hindi nawawala ang ugnayan nito sa pinagmulan.

SUPORTA SA MGA ESTUDYANTEUmabot sa 5,220 Kapampangang estudyante ang tumanggap ng educational financial assistance mula ...
03/10/2026

SUPORTA SA MGA ESTUDYANTE

Umabot sa 5,220 Kapampangang estudyante ang tumanggap ng educational financial assistance mula sa Kapitolyo ng Pampanga sa ilalim ng Educational Financial Assistance Program (EFAP).

Pinangunahan ni Governor Lilia Pineda at Vice Governor Dennis Pineda ang pamamahagi nitong Biyernes, Oktubre 2 sa Bren Z. Guiao Convention Center.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 4,997 student scholars, na tumanggap ng tig-₱4,000, at 223 board examination passers mula sa iba’t ibang larangan na nakatanggap ng hanggang ₱15,000 bawat isa.

Ang estudyante ay mga anak ng Nanay Community Workers (NCWs) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, gayundin ang mga mula sa solo-parent families, persons with disabilities (PWDs), coastal communities at day care workers.

Dalawang beses kada taon o bawat semestre ipinagkakaloob ang educational assistance sa mga kwalipikadong estudyante upang makatulong sa kanilang gastusin sa pag-aaral.

Ayon kay Pineda, patuloy silang naghahanap ng paraan upang makapaglaan ng karagdagang pondo para mapalawak pa ang educational assistance para sa mga iskolar.

NASIRA KAHIT WALANG ULAN?Gumuho ang bahagi ng dalawang flood control structure sa Barangay San Mateo at Barangay Lacquio...
03/10/2026

NASIRA KAHIT WALANG ULAN?

Gumuho ang bahagi ng dalawang flood control structure sa Barangay San Mateo at Barangay Lacquios sa bayan ng Arayat nitong Biyernes, Oktubre 2.

Sa ulat ng lokal na pamahalaan, tinatayang 50 metro ng San Mateo Flood Control System na nagkakahalaga ng P291 milyon ang gumuho, habang nasira rin ang bahagi ng flood control system sa Barangay Lacquios.

Pareho umanong tumagilid ang mga sheet pile ng dalawang istruktura matapos bumigay ang lupa sa ilalim nito.

Samantala, naiulat naman na umano ni Arayat Mayor Jeffrey Luriz ang pinsala kay Department of Public Works Secretary Vince Dizon, na nagpadala naman ng mga government engineer upang magsagawa ng assessment sa mga nasirang istruktura.

PAMBATO NG PILIPINASIsang beauty queen at negosyante mula Pampanga ang kakatawan sa Pilipinas sa 49th Mrs. Universe inte...
03/10/2026

PAMBATO NG PILIPINAS

Isang beauty queen at negosyante mula Pampanga ang kakatawan sa Pilipinas sa 49th Mrs. Universe international competition na gaganapin sa Oktubre 18 hanggang 24 sa Colombo, Sri Lanka.

Si Mrs. Universe Philippines 2026 Fatima Figueroa Alvarez ay tubong Sto. Tomas, Pampanga, at may karanasan sa larangan ng travel and tourism, healthcare, technology at business services.

Kabilang sa kanyang mga adbokasiya ang women empowerment, turismo, humanitarian service at community development.

Sa Mrs. Universe Philippines 2026, nakamit ni Alvarez ang Popularity o People’s Choice Award, Best in Talent at Best in National Costume.

Pinangunahan din niya kamakailan ang “Mrs. Universe PH 2026: Kalinga sa Kabalen,” isang relief initiative para sa mga Kapampangang naapektuhan ng pagbaha.

“Every life I touch, I choose purpose and compassion,” pahayag ni Alvarez.

TRABAHO ANG HANAP?Fantasy mo bang maging OFW? O trabaho sa Pilipinas pa rin ang hanap? Parehong oportunidad ang maaaring...
02/10/2026

TRABAHO ANG HANAP?

Fantasy mo bang maging OFW? O trabaho sa Pilipinas pa rin ang hanap? Parehong oportunidad ang maaaring abangan sa “Tara Trabaho, G?” Mega Job Fair sa Pampanga ngayong Oktubre.

Isasagawa ang job fair sa Oktubre 8, 2026, mula 9:00 AM hanggang 3:00 PM sa Bren Z. Guiao Convention Center, City of San Fernando, Pampanga.

Magbubukas dito ang iba’t ibang local at overseas job opportunities mula sa mga participating employers para sa mga Kapampangan at iba pang jobseekers.

Layunin umano nito na mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga jobseeker, kabilang ang mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Maaaring mag-pre-register ang mga interesadong aplikante online bago dumalo sa job fair:

🔗 Pre-registration: https://tinyurl.com/taratrabahoG2026

BAHA SA SAN FERNANDONakaranas ng pagbaha ang ilang pangunahing kalsada sa City of San Fernando, Pampanga matapos ang mal...
01/10/2026

BAHA SA SAN FERNANDO

Nakaranas ng pagbaha ang ilang pangunahing kalsada sa City of San Fernando, Pampanga matapos ang malakas na buhos ng ulan nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 1.

Ayon sa City Public Order and Safety Coordinating Office (CPOSCO), hindi muna madaanan ng mga light vehicle ang Lazatin Junction bandang 10:41 p.m. dahil sa tubig na umabot hanggang binti.

Naiulat din ang water buildup sa bahagi ng St. Jude Intersection sa MacArthur Highway at sa Dolores Intersection.

Nagpaalala ang CPOSCO ng dobleng pag-iingat sa mga motorista upang maiwasan ang aberya at aksidente.

Address

San Fernando
2020

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Central Luzon Express Agenda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share