29/04/2025
What if hindi ako nag abroad? What if hindi ako huminto sa pag aaral? Ano na kaya ang pinag dadaanan ko kung hindi ako huminto o nag abroad? Sobrang daming kong “what if” hindi man natupad ang pangarap kong makapag tapos sana yung mga kapatid ko nalang ang makapag tapos. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon namin na hindi kaya ni mama at papa yung gusto kong kurso pero hindi ko naman sila masisi kung bakit hindi nila kaya, kaya ako na mismo ang huminto kahit gusto kong makapag tapos. Pero siguro kaya nangyari sakin to dahil may maganda plano ang nasa itaas!☝🏻 Kaya nag papasalamat parin ako sa magulang ko kahit na andine na ako sa ibang bansa e nagagawa parin akong Suportahan sa lahat ng binabalak ko kahit na minsan hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko, lagi nilang tinatanong kung kamusta ba ako? Laging sagot “okay lang” kahit hindi naman talaga. hindi ko sa kanila masabi na ma,pa hindi ko na kaya kasi isa lang sasabihin nila sakin na umuwi nalang ako kung hindi ko na kaya sasabihin lang nila na hindi nila ako pinilit, pero ang daming nangangarap mag ibang bansa para kumita hindi lahat pinalad na makaalis sa pinas kaya sobrang thankful parin ako at nakarating ako dito kahit malungkot, mahirap, at malayo sa pamilya miss na miss ko na kayo!🥺