I Love Iloilo

I Love Iloilo Share positivity! Share Love!

ANG BATANG LAGI KONG ISINASAKAY SA TRICYCLE, ISA NA PALANG KALULUWA?Ako si Nestor, 52 anyos, tricycle driver dito sa pro...
15/10/2025

ANG BATANG LAGI KONG ISINASAKAY SA TRICYCLE, ISA NA PALANG KALULUWA?

Ako si Nestor, 52 anyos, tricycle driver dito sa probinsya namin. Araw-araw akong pumapasada mula umaga hanggang gabi. Simple lang naman ang gusto ko, makauwi ng ligtas, may maiuwing ulam, at makapagpahinga.

Noong isang buwan, napansin kong may batang laging sumasakay sa tricycle ko tuwing alas-siete ng umaga. Naka-uniform siya, laging nakangiti, at mahilig makipagkwentuhan.

“Kuya Nestor, balang araw bibili ako ng tricycle para hindi ka na mahirapan,” sabi niya minsan, sabay abot ng limang piso.

“’Wag mo nang dagdagan, anak. Tabi-tabi lang naman tayo,” sagot ko, pero mapilit siya. “Hindi, kuya. Para sa ulam mo mamaya.”

Tuwing hapon, sinasabay ko siya pauwi. Minsan, inaabutan pa niya ako ng tinapay o juice. Ang bait na bata, hindi ko man lang alam pangalan niya. Kaya tinawag ko na lang siyang Bunso.

Minsan tinanong ko, “Bunso, nasan nanay mo? Lagi kang mag-isa ah.”
Sagot niya, “Nasa bahay lang po. Laging pagod. Pero sabi niya, proud siya sa’kin.”

Lumipas ang mga linggo. Sanay na akong kasama siya, parang anak ko na. Hanggang isang araw, Lunes ng umaga, hinihintay ko siya sa dating kanto. Pero hindi siya sumakay. Hanggang tanghali na, wala pa rin.
Kinabukasan, ganoon ulit. Naisipan kong dumaan sa bahay na madalas niyang sinasabi, ’yung kulay asul na may puno ng mangga sa harap.

Paglapit ko, may puting tolda. May mga kandila at litrato sa lamesa.
At doon ko siya nakita. Si Bunso, nakasuot ng puting damit habang nakahimlay.

Lumapit sa’kin ang babae, umiiyak.
“Kayo po ba si Mang Nestor? Lagi po kayong binabanggit ng anak ko. Gusto po niyang makita kayo bago siya tuluyang pumikit. Pero hindi na kinaya ng katawan niya. May leukemia po kasi siya.”

Nanlambot ako. Para akong sinampal ng hangin. Hindi ko alam kung iiyak ako o sisigaw.
Sabi ng nanay niya, “Madalas po siyang lumabas tuwing umaga. Sabi ko nga, saan ka na naman pupunta? Sabi niya, sasakay daw siya kay Kuya Nestor papuntang school. Pero ilang buwan na po siyang hindi nakakapasok.”

Nanginig kamay ko. Ibig sabihin, ilang linggo na, kaluluwa na lang pala ni Bunso ang sinasakay ko.

Simula noon, tuwing umaga, napapalingon pa rin ako sa salamin ng tricycle.
Minsan, parang nakikita ko pa rin siyang nakaupo sa likod, nakangiti, bitbit ang baon niyang tinapay.

Minsan, hindi natin alam kung sino ang mga taong dumadaan sa buhay natin, mga taong dumarating para ipaalala na may kabutihan pa rin sa mundo kahit sa gitna ng pagod at hirap.

Story by McCoy | Follow I Love Iloilo

13/10/2025

“IM BUSY PLAYING GAMES IN MY COMPUTER”
Hindi umabot si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa pagdinig ng House Committee on Ethics and Privileges sa mga kinahaharap niyang reklamo ngayong Lunes, Oct. 13. Ayon kay Barzaga, busy siya sa paglaro ng computer games kagabi. “My hearing was already over by the time I arrived," saad ni Barzaga. Nahaharap si Barzaga sa ethics complaint dahil sa umano'y pang-iinsulto sa Kamara at mga hindi kaaya-ayang social media posts.

12/10/2025

Two weeks matapos magpakita ang banyagang ito sa EDSA ay sunod sunod ang dumating na lindol sa bansa. Nagpapaalala na kaya ang Diyos sa mga Pilipino na sumasamba sa mga kurap at mamatay-tao na politiko?

10/10/2025

BREAKING NEWS: Isang malakas na lindol na magnitude 7.4 ang yumanig sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya nitong Biyernes ng umaga, October 10.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-9:43 ng umaga, na may epicenter na 62 kilometers sa timog-silangan ng bayan ng Manay, Davao Oriental, at may lalim na 10 kilometers.

Ayon pa sa ahensya, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Salamat Sen. Risa sa paglaban sa kurapsyon at mga sindikato sa Bayan!
04/10/2025

Salamat Sen. Risa sa paglaban sa kurapsyon at mga sindikato sa Bayan!

04/10/2025

DALI KAMU SA MABIRAY TA! Mark you calendar! Binirayan Festival 2025: San Jose de Buenavista, Antique | December 1-29.

LOOK: Several roads and establishments are seen damaged after a magnitude 6.9 earthquake struck Cebu province on Tuesday...
01/10/2025

LOOK: Several roads and establishments are seen damaged after a magnitude 6.9 earthquake struck Cebu province on Tuesday, September 30.

Photos from Cebu People's Action Center

30/09/2025

Gumuho ang bahagi ng Bantayan Church sa dahil sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa probinsya ngayong Lunes ng gabi, Setyembre 30, 2025.

30/09/2025

Kaya pala parang nag aabogado siya sa mga Discaya?
28/09/2025

Kaya pala parang nag aabogado siya sa mga Discaya?

26/09/2025

Naramdaman mo ba ang lindol?

Address

Tobias Fornier Street
San Jose De Buenavista
5700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I Love Iloilo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share