16/10/2025
๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐๐! ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐ผ๐๐?!
Nakita niyo ba ang post ko tungkol sa Multi-Purpose Building sa Sapang Palay National High School?
Alam niyo bang nagkakahalaga ito ng P97 milyon?
Kamakailan, may isang netizen ang nakapansin na pinalitan ng DPWH ang lumang tarpaulin ng proyektoโat ngayon, may bagong completion date na nakalagay.
Makikita mo talaga โ gumagalaw ang mga opisyal kapag nagsisimula nang magsalita ang mamamayan.
Naitatama ang mali kapag nagkakaisa ang taumbayan.
๐๐๐ง๐ค ๐๐๐ฉ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐ค๐ฃ๐:
Kung sa mga opisyal na rekord ng DPWH ay 100% completed na ang proyektong ito, bakit may bagong tarpuline at bagong completion date pa?
Kapag idineklarang 100% completed ang proyekto, maaari nang singilin ng kontraktor ang kabuuang halaga nito.
Ngayon, paano babaligtarin ng DPWH at ng proponent ang mga datos na opisyal nang naitala sa mga ahensiya ng pamahalaan?
Ito ay lantaran at malinaw na panlilinlang sa mamamayan!
Paano kung hindi ito napansin ng netizen?
Paano kung walang nagtanong at walang nagsalita?
Ngayon, simpleng pagpapalit lang ng tarpuline ang ginawa nila โ ngunit ano kaya ang kasunod?
Ano ang totoong plano sa proyektong ito?
๐ผ๐ฃ๐ ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ:
Bago muling simulan o galawin ang proyektong ito, ipakita muna sa publiko ang mga lumang rekord at dokumento ng proyekto.
Ipakita sa taong-bayan kung ano ang itsura ng isang P97M na multi-purpose hall โ at linawin kung ito ba ay nabayaran na.
๐๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ก๐ช๐ฃ๐๐จ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ ๐
๐ค๐จ๐ ๐๐๐ก ๐๐ค๐ฃ๐ฉ๐:
Sa mga konsehal, lalo na sa Committee Chairman on Public Works and Infrastructure, at sa ating Vice Mayor,
Ito po ang aming hiling: Ipakita ninyo ang tunay na transparency sa proyektong ito.
Gamitin ninyo ang inyong kapangyarihan bilang konseho upang magpatawag ng Legislative Inquiry.
Imbitahan ang DPWH at ang City Engineering Office upang maipaliwanag nila sa publiko ang tunay na kalagayan ng proyektong ito.
Bagamaโt ito ay National Project, may karapatan at mandato ang lokal na pamahalaan na siyasatin ang mga ganitong proyekto.
Kung may mga iregularidad o hindi malinaw na implementasyon, may kapangyarihan ang Sangguniang Panglungsod na hilingin sa DPWH na pansamantalang ihinto ang implementasyon nito.
๐๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ ๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ฟ๐๐ฅ๐๐:
Bilang recipient agency, may karapatan kayong magtanong at maningil ng paliwanag mula sa DPWH.
Hindi dapat manahimik kung may nakikitang kakaiba o iregular sa mga proyekto sa loob ng inyong nasasakupan.
Huwag tayong magbulag-bulagan sa mga nangyayari sa ating lungsod.
Tungkulin ng bawat halal na opisyal na magsilbing check and balance, hindi tagapagtanggol ng iilang interes.
Sa pamamagitan ng legislative inquiry, maipapaliwanag ninyo sa taong-bayan ang buong katotohanan.
At tandaan ninyo โ ang kapangyarihang hawak ninyo ay galing sa mamamayan, hindi sa iisang tao lamang.
๐ Source: DPWH Website
๐ธ Source of Photo: Concerned Netizen