10/05/2025
GANTI NG PINAGTAKSILAN NA ASAWA
Written by: VIC ENCISO
Exclusively written for: LAGIM DIARIES
----------
Hindi ko akalaing darating ako sa ganitong sitwasyon. Nakahandusay ako sa malamig na sahig, balot ng dugo, at pinamumugaran ng mga insektong gumagapang sa aking balat. Hindi ako makakilos, hindi makasigaw. Ang sakit ay unti-unting lumalamon sa aking katawan.
pero bago ang lahat ng ito, ako si Daniel. Isang lalaking may pamilya, na isang mapagmahal na asawa at isang anak na dapat ay magiging kinabukasan ko. pero sa kabila ng lahat ng iyon, pinili kong magtaksil.
Hindi ko alam… hindi ko inakala… na ang babaeng pinagtaksilan ko ay hindi isang ordinaryong tao.
Mula pa noong una, may kakaibang misteryo kay Lara. Tahimik siya, hindi palakibo, pero may lalim sa kanyang mga mata, parang may itinatagong lihim. Hindi ko iyon pinansin. Ang alam ko lang, mahal ko siya. Pinakasalan ko siya dahil naniwala akong kami ay para sa isa’t isa.
Lumipas ang mga taon at nagkaroon kami ng anak. Akala ko, sapat na iyon upang manatili akong tapat. pero dumating si Angela, isang kasamahan ko sa trabaho. Siya ang tukso na hindi ko nagawang labanan.
Nagsimula sa simpleng pag-uusap, palihim na sulyapan, hanggang sa isang gabi na nagbago ng lahat. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. At mula noon, itinago ko ang lihim namin kay Lara. Akala ko'y hindi niya malalaman. Sinigurado kong maingat ako.
pero nagk**ali ako.
Isang gabi, habang nakahiga si Angela sa tabi ko sa isang motel, may naramdaman akong malamig na hangin sa loob ng kwarto. Kumurap kurap ang ilaw, at sa isang iglap, may aninong dumaan sa gilid ng k**a. Napabalikwas ako.
Nag salita si angela sa mahinang boses sabi nito na parang may ibang tao, halata mo sa boses nito na natatakot sya
sagot ko naman na wala yun at imposibleng magkaroon ng ibang tao doon dahil naka lock ang pinto ng kwaro, sinabi ko lang yun para makalmahin sya kahit alam ko sa sarili na may nakita talaga ko.
pero nang magawi ang mata ko sa salamin, may nakita akong dalawang pulang matang nakatitig sa akin. Napalunok ako. Mabilis akong tumayo upang tingnan kung totoo yon, pero nawala iyon na parang bula.
Kinabukasan, pag-uwi ko, hindi ako kinausap ni Lara. Hindi siya nagtanong kung saan ako galing. Tahimik lang siya. Pero nang tumingin siya sa akin, ramdam kong alam niya ang ginawa ko.
Tinawag ako nito at sa mahinang boses nagtanong sya sakin kung mahal ko paba sya.
Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
“Siyempre naman,” sagot ko, dito at pilit na ngumiti.
Ngumiti rin siya, pero malamig. Sinabihan pa ako nito na siguraduhin kolang, at siguraduhin ko na hindi ko sya ipag papalit dahil may mga bagay umano na hindi ko pa nalalaman patungkol sa kanya.
Kinilabutan ako. Parang may banta sa kanyang tinig. Pero hindi ko iyon pinansin.
Patuloy ang pagtataksil ko. Paulit-ulit. Hanggang isang gabi, habang natutulog ako sa tabi ni Angela, may matinding sakit akong naramdaman sa aking katawan. Para akong sinusunog mula sa loob.
Nagising ako at nakita ang libu-libong insekto, mga langgam, ipis, uod. bumabalot sa aking balat. Sumisiksik sa loob ng aking bibig, butas ng ilong, at tainga. Sinubukan kong tanggalin sila, pero mas lalo silang dumami.
Sumisigaw si Angela sa tabi ko, at nagsusuka ng mga uod. Ang mukha niya ay unti-unting pinutakte ng mga langgam na kinakain siya ng buhay.
At doon, sa sulok ng silid, nakita ko si Lara. Nakangiti. Hindi na siya ang babaeng pinakasalan ko, purong itim ang kanyang mga mata, at kulay abo ang kanyang balat.
“Sinabi ko na sayo, Daniel, Huwag mo akong ipagpapalit.!”
Doon ko napagtanto ang katotohanan. Ang babaeng pinakasalan ko ay hindi isang ordinaryong tao. Siya ay isang mambabarang. At ngayon, ako ang kanyang biktima.
Sa huling sandali ng aking buhay, ramdam ko ang dahan-dahang pagkawala ng aking hininga habang kinakain ako ng libu-libong insekto. Sa tabi ko, si Angela ay wala nang buhay, patuloy na lumalabas ang mga uod sa kanyang bibig.
Ito ang aking naging kapalaran. Ang parusa ng isang taksil.
At bago tuluyang dumilim ang lahat, narinig ko ang bulong ni Lara.
“Paalam, mahal. Magsama kayo sa impyerno!.”
pero hindi doon natapos ang aking paghihirap.
Nakakulong ako sa kadiliman. Ramdam ko pa rin ang sakit, ang paggapang ng mga insekto sa aking laman kahit wala na akong katawan. Isa na akong ligaw na kaluluwa.
Sa bawat gabi, nakikita ko si Lara, masaya, malaya, walang pagsisisi. Nakikita ko rin ang aming anak, lumalaki nang hindi alam ang nangyari sa kanyang ama. Hindi ko siya malapitan. Isa akong anino sa mundong hindi na kong pwede pang Manahan kailanman.
Si Angela… siya rin. Nakatayo sa dilim, umiiyak, patuloy na dinudura ang mga uod mula sa kanyang bibig. Hindi siya makawala. Pareho kaming nakakulong sa sumpang walang katapusan.
Ito ang aming naging kapalaran. Ang parusa ng isang taksil ay walang hangganan.
Lumipas ang maraming taon, pero hindi ako nakalaya. Sa bawat sulok ng dilim, naririnig ko ang sigaw ng mga nilalang na tulad ko, mga kaluluwang itinakwil dahil sa kanilang kasalanan.
At si Lara… siya ay patuloy na nabubuhay.
Isang gabi, nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng k**a ng isang bagong lalaki. Nakangiti ito, tulad ng pagngiti niya sa akin noon.
Doon ko napagtanto, hindi ako ang una. At hindi rin ako ang huli.
Si Lara… siya ang tunay na sumpa.
WAKAS
-----------
NOTE: kung balak mong nakawin itong kwento, at I upload sa youtube o sa page mo wag mo nang balakin, kasi naka upload na to sa youtube, ma co-copy right kalang, boy…
Kung meron kayong creepy experience ay maari nyong ipadala sa akin, pwede nyo akong I message dito sa page or sa atin email
[email protected]
Please support our youtube channel
LAGIM DIARIES: https://www.youtube.com/
VIC ENCISO STORIES: https://www.youtube.com/
THANK YOU SO MUCH