31/07/2025
Throwback sa unang Zoom call ko bilang VA—grabe, ibang level ng kaba ‘yun!
Cellphone lang gamit ko nun, earphones pa na may sira yung mic, tapos ang hina pa ng internet namin, wala pa akong lightning eme.
Habang nag-iintroduce si client, ako tahimik lang sa gedli, kasi baka mag-choppy ako. Kinakabahan ako buong call, pero tinuloy ko pa rin kahit ang sagot ko lang sa interview ay puro “yes” or “no” o kaya "okay" literal, girl! Haha!
Wala pa akong masyadong alam sa freelancing nun. Di ko rin alam kung okay lang ba yung English ko kasi english carabao talaga. Pero sa totoo lang, kahit ganun ako ka-simple sumagot, natanggap pa rin ako. At doon ko na-feel na minsan, hindi skills agad ang tinitingnan — kundi yung willingness mong matuto. Napakabuti talaga ni Lord. 🙏
Hindi madali magsimula. Sobrang daming doubts, especially kung self-taught ka at wala kang support system. Pero ang natutunan ko: kapag nilabanan mo ang kaba at kinapalan mo lang mukha mo kahit konti, makakarating ka rin sa goal mo. Progress lang, kahit dahan-dahan.
Ngayon, iniisip ko kung sumuko ako nun… baka hindi ko maranasan ‘tong freedom na meron ako ngayon. Hindi man perfect, pero at least may choice na ako kung saan at paano ako magtatrabaho.
Kaya kung nagdadalawang-isip ka pa, try mo lang. Kahit cellphone lang muna, kahit simpleng salita lang, okay lang ‘yan. Magsimula ka lang. Darating din ang confidence, at darating din yung “break” mo. 💻✨