11/06/2025
HEALTHY TIPS❤️
🤗Mga Pagkain o Inumin na Madalas Nagdudulot ng Bato sa Kidney natin
Nabasa ko lang sa health tips at share ko Lang din para maging aware sa atin,Ang posibleng dahilan ng pagkakaroon natin ng bato sa kidney,
1. Instant coffee at powdered iced tea
– Mataas sa oxalate at sugar, na nagpapadali sa pagbuo ng bato.
– Masama kung kulang sa tubig ang iniinom.
2. Softdrinks at energy drinks
– Mataas sa phosphoric acid at fructose — nagpapabigat sa trabaho ng kidneys.
3. Tuyo, daing, bagoong at alamang
– Mataas sa salt (sodium), nagpapataas ng calcium sa ihi na pwedeng maging bato.
4. Chips, processed meats, instant noodles
– Mataas sa asin at preservatives — nagpapalala ng kidney stress.
5. Tsokolate, nuts (lalo na peanuts at cashew)
– Mataas sa oxalates, na bumubuo ng calcium oxalate stones.
6. Spinach at beets
– Healthy ito pero sobrang taas din sa oxalates — bawasan kung prone ka sa kidney stones.
7. Excessive Vitamin C supplements
– Napupunta ito sa oxalate kapag sobra-sobra, kaya iwas sa high doses (over 500 mg daily kung wala namang need).
Pero syempre pwede din namang kainin ang mga Yan kung Wala ka namang bato sa kidney at para naman maiwasan ang pagkakaroon nito ay maging Marunong lang din maging disiplinado sa mga kinakain at wag lang Sosobra ☺️