
06/08/2025
❤️
Unang araw na ng mga klase ko bukas at gumawa ako ng mini-zine para sa unang set ng readings para sa mga klase ko! Likha ni Mervin Malonzo ang ginamit ko sa cover, na unang lumabas sa Visprint edition ng nobela kong Walong Diwata ng Pagkahulog! Nanggaling naman ang pamagat sa tulang “Ang Pangungulila’y Isang Gubat” ni Ruth Elynia S. Mabanglo na isa sa readings! Kung gusto ninyo ng PDF ng mini-zine na puwede ninyong i-print, i-share lang itong post publicly at mag-comment sa ibaba ng “Ang pangungulila’y isang ” o “Ang ay isang gubat” kasama ang inyong e-mail address!