14/02/2026
Mas pinadali ang serbisyo dahil sa PhilHealth Express! Mas mapapalapit na sa mga residente ng San Jose Del Monte (SJDM) ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan ng PhilHealth.
Sa pamamagitan ng PhilHealth Express, hindi na kailangang bumiyahe nang malayo para sa mga importanteng transaksyon. Mas mabilis, mas accessible, at mas abot-kamay ang serbisyo para sa ating mga kababayan.
Narito ang ilan sa mga serbisyong maaaring ma-avail:
• Membership Registration - Pagpaparehistro ng bagong miyembro
• Benefit Inquiry Assistance - Pagtatanong tungkol sa benepisyo, claims, at coverage
• Issuance of PhilHealth ID/PVC ID - Pagproseso at pag-print ng PhilHealth ID (kung available sa branch)
Isang hakbang ito tungo sa mas maayos at mas pinalawak na health service para sa lahat.