19/03/2020
Hindi na to pera, hindi na to trabaho, buhay na to eh. Pag nawala ka, kawawa pamilya mo, hindi mo na maiisip ang pera,"
Pag nagka corona virus ka,
Maoospital ka, ikaw mag isa at walang pwede dumalaw sayo kahit silip lang dahil iisipin agad nila mahahawahan sila..
malulungkot ka don lalo kang manghihina sa sobrang lungkot, mag iisip ka ng mag iisip gagaling ka pa ba makaka uwi ka pa ba hindi mo ba nahawahan yung mga mahal mo sa buhay..
pag di mo kinaya mamamatay ka, mamatay ka mag isa hindi mo man lang makikita mga pamilya mo kahit nanghihina kana kahit sa huling sandali hanggang sa e cremate ka nila hindi ka makikita ng pamilya mo susunugin ka nila agad wala ng lamay lamay diretso cremate dahil ayaw na nilang makahawa ka pa kahit na wala kanang buhay..
Napakalungkot neto, haharapin mo yung corona virus mag isa hanggang bawian ka ng buhay..
Kaya mag isip isip tayo, mag ingat tayo, sumunod sa gobyerno, sa sinasabi ng mga nakaka taas, di na mahalaga yung kita natin sa trabaho o negosyo unahin natin ang kalusugan natin at ng ating pamilya.. Kung wala naman importanteng gagawin sa labas huwag na muna makisalamuha sa maraming tao at iwasan muna ang mga bisita hindi natin alam kung saan sila galing at sino sa kanila ang merong virus.. magpakalakas tayo kung ayaw natin mamatay mag isa at sunugin pagkatapos. 😞
At pinaka mahalaga ay mag dasal ng mag dasal huwag tayong tumigil sa pagtawag sa kanya siguradong ililigtas nya tayo at matatapos din ang lahat ng ito. 🙏🏻💪🏻
KAYA WAG NA MATIGAS ANG ULO WAG NA PASAWAY👊
Hindi ito biro.. Magtulungan po tayo, mahalaga ang buhay ng bawat isa..
-huwag nating iasa lahat sa Gobyerno, magsimula ka sa sarili mo, sa mga nakaka aangat tulungan mo rin ang kapwa mong mahihirap. Laban po natin itong lahat . Pagpalain tayo ng poong maykapal..
In Jesus name , malalagpasan din natin ito