05/03/2026
Ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala- ito ay desisyon ng iyong puso araw-araw.💚
At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”
Josue 24:15
This verse is actually a final call for the Israelites to their commitment of whom to serve. Sino nga ba ang paglilingkuran nila..? Ang totoong Diyos na buhay o ang mga diyos ng kanilang mga ninuno.
Bilang kanilang pinuno, si Joshua ay nanindigan na siya at kanyang sambahayan ay pinipili ang paglilingkod sa tunay na Diyos bilang huwaran ng mga Israelita.
It's now or never, mamili kayo ngayon ng pagsisilbihan ninyo. Tulad na lamang sa buhay ng isang mananampalataya.. Hindi mo maaring sabihing lumalakad ako sa kalooban ng aking Diyos while we are still living and holding on to our wordly and fleshly desires. We should be firm and we have to decide to whom really are we serving. We have to make a choice!
Hindi maaring hati ang puso. Ayaw ng Diyos ng maligamgam. It's either mainit ka o malamig ka or else God will spit you out of His mouth. At ayaw nating mangyari yun tama? Kaya sa buhay natin wag tayong paladesisyon, pag lumakad ka sa kanya, lumakad tayo ng diretso patungo sa kalooban Niya. Hindi tayo perpekto, subalit tayo ay binigyan Niya ng kalayaan mamili, kung sino ba talaga ang ating susundin? Ang makamundong gawain na naglalayo sa atin sa Kanya o ang Diyos na patuloy na gumagawa sa ating buhay ng magagandang bagay?
Hindi masamang magtrabaho, mag ambisyon , magkapera at yumaman, at ienjoy ang lahat ng bagay sa mundo, sa katunayan isa yan sa mga pangako ng ating Diyos na tayo ay managana, ngunit huwag na huwag mong hahayaang maagaw ka at puso mo ng mga ito at magigising ka isang araw ito na pala ang nagpapaikot sa ating mundo at tunay ng pinaglilingkuran mo.
Piliin ang Diyos hindi lamang sa nguso kungdi sa PUSO🫰🫶❣️