20/08/2026
๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ถ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐ท๐ป๐จ ๐๐ ๐ฏ๐ท๐ป๐จ ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐
Isinagawa ngayong ika-19 ng Agosto 2026 ang Induction and Oathtaking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng School Parent-Teacher Association (SPTA) at Homeroom Parent-Teacher Association (HPTA) ng Culaylay Elementary School.
Layunin ng seremonya na pormal na maitalaga sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong halal na opisyal na magsisilbing katuwang ng paaralan sa pagpapatupad ng iba't ibang programa, proyekto, at mga gawaing nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng bawat mag-aaral.
Nagsimula ang programa sa panalangin, pag-awit ng Pambansang Awit, at Pambungad na Pananalita ni Robie-Ann S. Castillo, TIC/OIC-School Principal. Sinundan ito ng pagpapakilala sa mga opisyal at mensahe mula sa mga kinatawan ng SPTA.
Isa sa mga tampok ng programa ang pormal na Induction of Officers na pinangunahan ni Barangay Kagawad Alberto Dacumos, isang opisyal ng Barangay Culaylay. Sa kanyang pangunguna, taimtim na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng SPTA at HPTA bilang tanda ng kanilang pagtanggap sa responsibilidad at pangakong gagampanan nang tapat ang kanilang mga tungkulin bilang mga lider at katuwang ng paaralan.
Samantala, pinangunahan naman ni Yolanda S. Tucay, Faculty President, ang oathtaking ng mga bagong halal na opisyal. Sa pamamagitan ng seremonyang ito, pormal na pinagtibay ang kanilang panunungkulan at responsibilidad sa paglilingkod sa samahan at sa buong komunidad ng paaralan.
Naging bahagi rin ng programa ang presentation of officers, isang intermission number, at dance presentation ng Kindergarten parents na nilahukan ng mga magulang mula Kindergarten hanggang Grade 6. Nagbigay rin ng mensahe si Marcelina Regala, SPTA President, bago ang closing remarks ni Yolanda S. Tucay.
Ang matagumpay na Induction and Oathtaking Ceremony ay nagsisilbing mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng ugnayan ng paaralan, tahanan, at komunidad. Inaasahang ang mga bagong halal na opisyal ng SPTA at HPTA ay magiging aktibong katuwang ng Culaylay Elementary School sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong magbibigay ng positibong epekto sa pagkatuto at kabuuang kapakanan ng bawat batang Culaylayan.
Sa pagkakaisa at pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at komunidad, patuloy na maisusulong ang isang MATATAG, ligtas, at dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral ng Culaylay Elementary School.