Markado Mindoro

Markado Mindoro "Sandigan ng Mamamayan, Tinig ng Katotohanan!"

22/08/2025

π—˜π—‘π—šπ—œπ—‘π—˜ π—–π—”π——π—˜π—§ π—‘π—š 𝗠/𝗩 π—’π—–π—˜π—”π—‘ π—π—˜π—§ 5, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘π—š 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—”π—§ 𝗦𝗔 π—–π—”π—Ÿπ—”π—£π—”π—‘ 𝗣𝗒π—₯𝗧

| Natagpuang wala nang buhay ang isang 25-anyos na engine cadset ng passenger fast craft M/V Ocean Jet 5, matapos mahulog sa dagat sa Port of Calapan Ferry Berth noong Huwebes, Agosto 21, 2025.

Kinilala ang biktima na si Cyril Quingco, residente ng Buluangan, Valderrama, Antique.

Batay sa imbestigasyon, huling namataan ang biktima bandang ala-una ng madaling araw habang nasa video call sa pier area, samantalang pumasok na sa barko ang kanyang mga kasamahan upang magpahinga. Kinabukasan, bandang alas-8:40 ng umaga, isang kapwa tripulante na kinilalang si Jay Lord Achas ang nakakita ng anino ng tao sa ilalim ng barko, na kalaunan ay nakumpirmang bangkay ng biktima.

Agad rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) Calapan kasama ang Special Operations Group (SOG), PNP Maritime Group 4B, at Calapan City Police Station. Sa isinagawang retrieval operations, matagumpay na naiahon ang katawan ng biktima bandang alas-9:10 ng umaga.

Kaagad ding nakipag-ugnayan ang PCG sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa ambulansya. Ang labi ay itinurn-over sa Funeraria Naujan sa tulong ng PCG at CDRRMO personnel.

Samantala, nakikipagtulungan na ang PCG at PNP Maritime sa mas malalim na imbestigasyon upang alamin ang sanhi ng insidente. Inatasan din ang kapitan ng barko na magsumite ng marine protest at opisyal na incident report.

Tiniyak ng PCG na ginagawa ang lahat ng kinakailangang hakbang upang malinawan ang pangyayari at mabigyan ng kaukulang tulong ang pamilya ng nasawi.

πŸ“Ή Video credit: PEMS Willer Arellano, PNP-Regional Maritime Group-4B, Calapan Maritime Monitoring Team

TINGNAN | π—‘π—•π—œ π— π—’π—•π—œπ—Ÿπ—˜ π—–π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—”π—‘π—–π—˜ 𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—¦π—¦π—œπ—‘π—š, π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—œπ—¦π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π—π—’π—¦π—˜ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—”π—¨π—šπ—¨π—¦π—§ 19-21Muling magkakaroon ng NBI Cl...
13/08/2025

TINGNAN | π—‘π—•π—œ π— π—’π—•π—œπ—Ÿπ—˜ π—–π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—”π—‘π—–π—˜ 𝗣π—₯π—’π—–π—˜π—¦π—¦π—œπ—‘π—š, π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—œπ—¦π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π—π—’π—¦π—˜ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—”π—¨π—šπ—¨π—¦π—§ 19-21

Muling magkakaroon ng NBI Clearance Processing sa bayan ng San Jose sa pamamagitan ng inisyatibo ni Konsehal Jimmy Holgado.

Gaganapin ito sa darating na Agosto 19, 20 at 21, 2025, ganap na alas-8:00 ng umaga, sa NBI Office na matatagpuan sa bagong gusali ng Sangguniang Bayan Building, Municipal Compound.

Paalala sa mga kukuha ng clearance: magdala ng isang valid ID para sa verification purposes.

Layunin ng naturang programa na maghatid ng mas mabilis at accessible na serbisyo sa mga mamamayan, nang hindi na kailangan pang bumiyahe sa malalayong lugar para magproseso ng kanilang NBI clearance.

SOURCE | Konsehal Jimmy S. Holgado

TINGNAN | 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘ π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗔𝗧 π—¦π—ž π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘π—¦, 𝗔𝗣π—₯𝗨𝗕𝗔𝗗𝗒 𝗑𝗔 π—‘π—œ 𝗣𝗕𝗕𝗠Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand β€œBongbo...
13/08/2025

TINGNAN | 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘ π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗔𝗧 π—¦π—ž π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘π—¦, 𝗔𝗣π—₯𝗨𝗕𝗔𝗗𝗒 𝗑𝗔 π—‘π—œ 𝗣𝗕𝗕𝗠

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sana sa ika-1 ng Desyembre ngayong taon.

Sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 na idaraos ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nakasaad din sa batas na magiging apat na taon na ang isang termino ng mga opisyal ng barangay at miyembro ng SK.

12/08/2025

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘ | DEPARTMENT OF ENERGY, SINURI ANG NAPABALITANG NAG-AAPOY NA LUPA MULA SA RIZAL, OCCIDENTAL MINDORO | via Rey Anthony Opiaza

Para sa buong episode ng programang 𝗠𝗔π—₯π—žπ—”π——π—’ kasama si Mark Christofferson Delos Reyes ngayong Martes, August 12, 2025, i-click ang https://www.facebook.com/share/v/15tZTBxHMR/
na mula sa Care FM Network.

12/08/2025

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘ | FLOOD CONTROL PROJECTS SA PROBINSYA, HINDI DUMAAN SA PROVINCIAL GOVERNMENT, BINALEWALA ANG GOBERNADOR, AYON KAY GOV. GADIANO | via Karlo Magno Caracas

Para sa buong episode ng programang 𝗠𝗔π—₯π—žπ—”π——π—’ kasama si Mark Christofferson Delos Reyes ngayong Martes, August 12, 2025, i-click ang https://www.facebook.com/share/v/15tZTBxHMR/
na mula sa Care FM Network.

12/08/2025

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘ | MAAYOS NA PAMAMAHALA SA BASURA AT DRAINAGE, SOLUSYON KONTRA BAHA, AYON SA ILANG RESIDENTE NG SAN JOSE | via Wendilyn Aguimbag

Para sa buong episode ng programang 𝗠𝗔π—₯π—žπ—”π——π—’ kasama si Mark Christofferson Delos Reyes ngayong Martes, August 12, 2025, i-click ang https://www.facebook.com/share/v/15tZTBxHMR/
na mula sa Care FM Network.

11/08/2025

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘ | LALAKING SINAKYAN ANG PAWIKAN NA NAPADPAD SA DALAMPASIGAN NG MAMBURAO, POSIBLENG MAKULONG O PAGMULTAHIN | via Karlo Magno Caracas

Para sa buong episode ng programang 𝗠𝗔π—₯π—žπ—”π——π—’ kasama si Mark Christofferson Delos Reyes ngayong Lunes, August 11, 2025, i-click ang https://www.facebook.com/share/v/1ZJ6midTn2/
na mula sa Care FM Network.

11/08/2025

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘ | CONG. ODIE TARRIELA, IPINANUKALANG GAWING INTERNATIONAL PORT ANG ABRA DE ILOG PORT | via Lance Alcober

Para sa buong episode ng programang 𝗠𝗔π—₯π—žπ—”π——π—’ kasama si Mark Christofferson Delos Reyes ngayong Lunes, August 11, 2025, i-click ang https://www.facebook.com/share/v/1ZJ6midTn2/
na mula sa Care FM Network.

Address

San Jose

Telephone

+639919402147

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Markado Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share