Pasada Express Balita

Pasada Express Balita "Sandigan ng Mamamayan, Tinig ng Katotohanan!"

12/03/2025

𝐁𝐈𝐎𝐒𝐄𝐂𝐔𝐑𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐄𝐀𝐒𝐔𝐑𝐄𝐒 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀 𝐀𝐅𝐑𝐈𝐂𝐀𝐍 𝐒𝐖𝐈𝐍𝐄 𝐅𝐄𝐕𝐄𝐑, 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐓𝐔𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐋𝐎𝐎𝐂 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐈𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐈𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐅-𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍

Patuloy na ipinatutupad sa bayan ng Looc ang mga biosecurity measures kontra African Swine Fever, bagamat idineklara nang malaya sa ASF ang lalawigan noong nakaraang taon.

Nitong Lunes, pinaalalahanan ng LGU Looc ang mga mamamayan nito na maging alerto at mahigpit sa transportasyon ng baboy at mga produktong naglalaman ng karne ng baboy. Kaugnay rito, mahigpit na ipinagbabawal ng LGU Looc ang pagpapakain ng tira-tirang pagkain sa mga baboy at ang pagpasok ng pork products nang walang kaukulang sertipikasyon.

Kinakailangan ding makiisa ang mga hog raisers sa regular inspection sa mga palengke, slaughterhouse, at entry points. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpapasok ng frozen, processed, at fresh pork products mula sa mga lugar na may ASF outbreak.

Kasabay nito, ipinanawagan ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga mamamayan upang mapanatiling ligtas sa ASF ang mga alagang baboy at maprotektahan ang kabuhayan at industriya ng agrikultura sa bayan at lalawigan.

SOURCE | LGU Looc Arangkada - Occidental Mindoro

𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗝𝗢𝗕 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗘𝗘 𝗡𝗚 (𝗠/𝗩) 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦-𝗔𝗦𝗜𝗔 20, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗Pinaigting ng Philip...
09/03/2025

𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗝𝗢𝗕 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗘𝗘 𝗡𝗚 (𝗠/𝗩) 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦-𝗔𝗦𝗜𝗔 20, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗

Pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search and rescue operations para kay Aivan R. Montalan, 20 taong gulang, isang On-the-Job Trainee (OJT) mula sa Motor Vessel (M/V) Trans-Asia 20, na naitalang nawawala mula noong Marso 3, 2025.

Si Montalan, isang Tourism student sa St. Mark Arts and Training Institute Inc., ay huling namataan sa Calapan Port, Barangay San Antonio, Calapan City. Ayon sa kanyang mga kasamahang OJT, nakita pa siya bandang 8:00PM noong Marso 3 habang nagpapahinga sa kanyang k**a matapos umalis ang barko mula Batangas Port. Huli siyang namataan bandang 10:00PM habang nagmamaniobra ang barko sa Calapan Port.

Ayon kay Shipboard Training Officer (STO) ng M/V Trans-Asia 20, hindi na sumipot si Montalan sa kanilang roll call bandang 6:00AM noong Marso 4, dahilan upang agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad. Sa pagtugon ng PCG, nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang Coast Guard Station (CGS) Oriental Mindoro sa barko, kinapanayam ang mga crew at kapwa OJT upang matukoy ang mga posibleng pangyayari bago siya mawala.

Samantala, ang kapatid ng nawawalang trainee ay nakipag-ugnayan sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Calapan matapos mabigong makontak si Montalan mula 9:00PM noong Marso 3. Dahil sa halos 24 oras na pagkawala ng komunikasyon, opisyal nang idineklarang nawawala si Montalan at iniulat ang insidente sa Calapan City Municipal Police Station (MPS) para sa pagsasampa ng blotter report.

Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng PCG upang matagpuan si Montalan, kasabay ng mahigpit na koordinasyon sa iba pang ahensya upang matukoy ang kanyang kinaroroonan. Hinihikayat naman ang sinumang may impormasyon tungkol sa kanyang pagkawala na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad.

Courtesy: CGS Oriental Mindoro

𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗡𝗔 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗜𝗕 𝗡𝗔 𝗜𝗡...
06/03/2025

𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗡𝗔 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗜𝗕 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Naglabas ng kautusan si Mayor Rey Ladaga ng San Jose, Occidental Mindoro, upang suspindehin ang mga face-to-face na klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong Biyernes, Marso 7, 2025, dahil sa inaasahang heat index na 42-43 degrees Celsius, na itinuturing na nasa antas ng 'danger.' Ang mataas na temperatura ay magpapatuloy sa loob ng tatlong araw.

𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗙𝗔 𝗢𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗣𝗘𝗥𝗖𝗘𝗡𝗧𝗔...
06/03/2025

𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗙𝗔 𝗢𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗣𝗘𝗥𝗖𝗘𝗡𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗙𝗙𝗘𝗥 𝗦𝗧𝗢𝗖𝗞

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan upang hilingin sa National Food Authority (NFA) Occidental Mindoro na bawasan ang recovery percentage para sa mga millers ng kanilang buffer stock para sa mga taong 2022 at 2023.

Ipinasa ang nabanggit na resolusyon sa huling sesyon nitong Martes, sa pangunguna ni Vice Governor Diana Apigo-Tayag. Ang buffer stock ay tumutukoy sa mga stock ng bigas na nakaimbak bilang paghahanda sa mga darating na kalamidad o sakuna.

Matatandaang nagdeklara ng food security emergency ang Department of Agriculture (DA) sa bisa ng Department Circular No. 03, na nilagdaan ni DA Secretary Francisco Laurel Jr. sa ilalim ng Republic Act No. 12078. Ayon sa naturang deklarasyon, pinapayagan ang NFA na mag-release ng buffer stock upang gawing abot-kaya ang presyo ng bigas, na pangunahing pagkain ng mga mamamayan.

Kaugnay nito, may mga buffer stock pang nakaimbak ang NFA sa kanilang mga bodega mula pa noong 2022 at 2023, na dapat nang gilingin. Hiniling ng mga local millers na bawasan ang recovery percentage sa buffer stocks sa 56% hanggang 57%.

Alinsunod sa layunin ng Sanggunian na isulong ang kapakanan ng mga mamamayan at matiyak ang suporta sa deklarasyon ng pamahalaan kaugnay sa food emergency, ipinasa ang naturang resolusyon.

Magbibigay naman ng kopya ng resolusyon sa Branch Manager ng NFA Occidental Mindoro, kay Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr., at sa Tanggapan ng Pangulo. Umaasa naman ang Sanggunian na magkakaroon ng positibong tugon mula sa ahensiya upang matugunan ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura sa lalawigan.

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚-𝗢𝗝𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗠/𝗩 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀-𝗔𝘀𝗶𝗮 20 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗣𝗔𝗡Nawawala ang ...
06/03/2025

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚-𝗢𝗝𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗠/𝗩 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀-𝗔𝘀𝗶𝗮 20 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗣𝗔𝗡

Nawawala ang isang tourism student na si Aivan Montalan mula sa St. Mark sa Calapan City, at tatlong araw nang pinaghahanap.
Ayon sa mga ulat, nag-o-ojt si Aivan sa Motor Vessel (M/V) Trans-Asia 20 na naglalakbay mula Batangas patungong Calapan.

Dumating ang barko sa Calapan City noong March 3, 2025, bandang alas-9 ng gabi, ngunit hindi na nakita si Montalan mula noon. Hindi rin umano makontak ang cellphone ng estudyante. Siya ay mula sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Nanawagan ang pamilya ni Aivan sa publiko na kung sino man ang may impormasyon o nakakakita sa kanya, ay maaaring makipag-ugnayan sa kanila. Narito ang mga contact numbers:
• 09124936196
• 09953483255
• 09270377423

Patuloy ang mga paghahanap at umaasa ang pamilya na makakahanap ng leads upang maibalik si Aivan nang buo at ligtas.

SOURCE | Aethel Mutya

05/03/2025

| SAN JOSE, POSIBLENG UMABOT SA 42°C ANG HEAT INDEX NGAYONG ARAW

JUST IN | Lumapag na ang Cebu Pacific MNL-SJI Flight SRQ6031 RP-C7286 ngayong hapon sa San Jose Airport.
13/02/2025

JUST IN | 𝗩𝗜𝗩𝗘𝗡𝗖𝗜𝗢 𝗗𝗜𝗭𝗢𝗡 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗧𝗿Pormal nang hinirang si Vivencio “Vince” Bringas Dizon bilang...
13/02/2025

JUST IN | 𝗩𝗜𝗩𝗘𝗡𝗖𝗜𝗢 𝗗𝗜𝗭𝗢𝗡 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗧𝗿
Pormal nang hinirang si Vivencio “Vince” Bringas Dizon bilang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr), epektibo ngayong Pebrero 21.
Kinumpirma ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang mensahe sa mga mamamahayag nitong Huwebes. Ayon kay Bersamin, pinahintulutan na si Dizon ng Office of the President na simulan ang transition process sa DOTr, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa team ni Secretary Jaime Bautista, na nagbitiw sa pwesto dahil sa kadahilanang pangkalusugan.
Si Dizon ay isang ekonomista at consultant na dati nang nagsilbi bilang pangulo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Inaasahang tututukan ng bagong kalihim ang mga kasalukuyang proyekto at programa ng ahensya upang mapabuti ang sistema ng transportasyon sa bansa. | Care FM News

JUST IN | Matapos na makarating sa San Jose at ilang minuto bago ito lumapag sa airport, naireport na mayroong Instrumen...
13/02/2025

JUST IN | Matapos na makarating sa San Jose at ilang minuto bago ito lumapag sa airport, naireport na mayroong Instrument Malfunction ang Cebu Pacific SRQ6031 kaya napagdesisyunan nitong bumalik sa Manila. | Care FM News
SOURCE | CAAP San Jose Airport

𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗠𝗔𝗠𝗕𝗨𝗥𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗘𝗖𝗜𝗡𝗖𝗧 𝗡𝗨𝗠𝗕𝗘𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗟𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟱MAMBURAO, OCCIDENTAL MI...
13/02/2025

𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗠𝗔𝗠𝗕𝗨𝗥𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗘𝗖𝗜𝗡𝗖𝗧 𝗡𝗨𝗠𝗕𝗘𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗟𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟱

MAMBURAO, OCCIDENTAL MINDORO – Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) Mamburao nitong Martes ang computerized voters list, na naglalaman ng mga pangalan ng rehistradong botante at ang precinct number kung saan sila boboto sa darating na halalan.

Ayon sa COMELEC, umabot sa 31,011 ang kabuuang bilang ng rehistradong botante mula sa 15 barangay ng Mamburao. Samantala, 200 voting precincts ang itatalaga sa mga pangunahing paaralan sa bawat barangay upang pagdausan ng botohan.

Barangay na May Pinak**araming Botante
📌 Barangay Payompon – 7,030 botante | 44 presinto
📌 Barangay Tayamaan – 6,002 botante | 35 presinto
📌 Barangay Balansay – 4,697 botante | 29 presinto
Iba Pang Barangay at Kanilang Bilang ng Botante
📍 Barangay Tangkalan – 2,045 botante | 13 presinto
📍 Barangay Talabaan – 1,876 botante | 13 presinto
📍 Barangay Fatima – 1,496 botante | 11 presinto
📍 Barangay San Luis – 1,333 botante | 8 presinto
Bilang ng Botante sa mga Barangay Poblacion
🏠 Barangay 7 – 1,610 botante | 11 presinto
🏠 Barangay 2 – 1,458 botante | 10 presinto
🏠 Barangay 8 – 936 botante | 5 presinto
🏠 Barangay 4 – 702 botante | 6 presinto
🏠 Barangay 6 – 550 botante | 5 presinto
🏠 Barangay 5 – 526 botante | 4 presinto
🏠 Barangay 1 – 391 botante | 4 presinto
🏠 Barangay 3 – 341 botante | 2 presinto

Umaasa ang COMELEC na maisakatuparan ang isang maayos, patas, at matagumpay na halalan hindi lamang sa Mamburao kundi sa buong lalawigan at bansa sa darating na Mayo 2025.

𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗥𝗜𝗔𝗟𝗦, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘SAN JOSE, OCCIDENTAL MINDORO — ...
11/02/2025

𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗥𝗜𝗔𝗟𝗦, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘

SAN JOSE, OCCIDENTAL MINDORO — Sinimulan ngayong araw ng Commission on Elections (COMELEC) San Jose ang Operation Baklas, isang hakbangin upang alisin at tanggalin ang mga ilegal na election materials sa bayan ng San Jose.

Ang operasyon ay isinagawa kasabay ng pagsisimula ng opisyal na campaign period para sa mga kandidato sa pambansang posisyon. Pinangunahan ito ng COMELEC San Jose Task Force, na may layuning matiyak ang pagsunod sa mga patakaran sa tamang pangangampanya.

Ayon sa COMELEC, kabilang sa mga inalis na materyales ay ang mga campaign posters at tarpaulin na lumabag sa itinakdang sukat, inilagay sa hindi awtorisadong lugar, at hindi alinsunod sa itinakdang regulasyon ng ahensya.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng COMELEC ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang patas at maayos na eleksyon.

Samantala, magpapatuloy ang Operation Baklas sa mga susunod na araw upang masigurong walang mga campaign materials na lalabag sa batas, kasabay ng patuloy na monitoring ng COMELEC at mga kinauukulang ahensya.

SOURCE | Comelec San Jose, Occidental Mindoro

Address

San Jose

Telephone

+639919402147

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasada Express Balita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share