
14/03/2025
Naniniwala ka bang ang mga sakuna ay dumarating sa pinaka-hindi natin inaasahang pagkakataon?
Nakatatakot kung iisipin ang posibilidad ng pagtama ng mga kalamidad at sakuna sa ating bansa. Nakatatakot isipin kung ilang buhay ang maaaring mawala, kung ilang ari-arian ang masisira at kung gaano kalaki ang maiiwan nitong pinsala.
Kaya bilang paghahanda sa mga posibilidad na ito ngayong ika-13 ng Marso araw ng Huwebes taong kasalukuyan ay nakiisa ang Central National High School kasama ang lahat ng mga institusyon at paaralan sa bansa sa isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa unang kuwarter ng taong 2025 ayon yan sa Office of Civil Defense (OCD).Pinangunahan ito ng mga School Heads, Head teachers,kaguruan, kawani at mga mag-aaral na taos-pusong nakilahok sa nasabing aktibidad.Sa dulo ng aktibidad ay nagbigay naman ng kaunting paala-ala si Ma'am Star L. Cabayao Assistant Principal 2 sa mga kaguruan ukol sa mga nararapat na hakbang at aksiyon kung sakaling mahaharap tayo sa ganitong mga sitwasyon.
Ang isinagawang Earthquake Drill ay bilang preparasyon at paghahanda sa banta ng "The big one" o ang potensyal na 7.2 magnitude na lindol na maaring mangyari sa hinaharap ayon sa (OCD).
Mahalaga ang bawat buhay, bawat oras, minuto at at bawat segundo , bawat kilos ay may kaakibat na resulta.Hindi natin nalalaman ang maaring mangyari sa hinaharap kaya't nararapat lamang paghandaan ito.Hindi natin hawak ang ating mga buhay at hindi natin ito pagmamay-ari kaya't nararapat lamang na ingatan natin ito. Sa bawat sakuna, kalamidad at problemang ating kahaharapin ay palagi nating pakatatandaan na ilagay ang Diyos sa sentro ng ating Buhay sapagkat Siya at Siya lamang ang may kakayahang pangalagaan tayo nang higit pa sa ating inaasahan at kailangan.
✍️/📷 CHRISTINE JOY PLACIDO