Arabic Language and Islamic Values Education

Arabic Language and Islamic Values Education Arabic Language and Islamic Values Education ALIVE is one of the program to help the young MUSLIMS to learn their own Religion.

07/07/2025
Last Day of Training Distribution of Certificates
04/07/2025

Last Day of Training
Distribution of Certificates

04/07/2025

SAMANTALAHIN ANG WALONG ( 8 ) ARAW NG PAG-AAYUNO SA BUWAN NA ITO!!!

ISANG TAON NA KASALANAN AY MAPAPATAWAD SA PAG-FASTING SA ARAW NG ASHOORAH (July 05, 2025)

Sinabi ng Mahal na Propeta ﷺ:

“...At ang pag-aayuno sa araw ng Ashoorah ay Umaasa ako na mapatawad ang isang taon na kasalanan na nagawa bago pa ang taong ito."
Iniulat ni Imam Muslim 1162

PAALAALA:

♦️ Sikapin mag-ayuno dahil napakalaki ang gantimpala at hindi natin alam na baka ito na ang Huling Ashoora natin!!!

♦️ Ang Fasting (pag-ayuno) sa araw ng Ashoora (July 05) lamang ay ipinahintulot at walang pagbabawal hinggil dito,

Ngunit mas mainam ay isali narin ang araw ng Biyernes (July 04) alinsunod sa paghahangad ng Mahal na Propeta na pag-ayunuhan ito.

♦️ Ang pagpaparami ng ayuno sa buwan ng Muharram ay isang mainam na Sunnah ng Mahal na Propeta.

Sinabi ng Mahal ng Propeta ﷺ:
"Ang pinaka mainam na pag-aayuno pagkatapos ng obligadong pag-aayuno ay sa buwan ng Allah na tinatawag na Muharram."
Inulat ni Imam Muslim

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

-حديث: "فضل الصيام بعد الفريضة شهر الله الذي تسمونه المحرم" أخرجَه مسلمٌ في صحيحه.
-حديث: "....وَصِيَامُ يَوْمِ عَاشُورَاءَ أَحْتَسِبُ عَلَى اللَّهِ أَنْ يُكَفِّرَ السَّنَةَ الَّتِي قَبْلَهُ " رواه مسلم 1162.

✍🏼 Zulameen Sarento Puti حفظه الله







*****

ایّام البیض

AYYAMUL BIYD | MGA PUTING ARAW

AsSalamu 'Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuhu.

Sa MARTES hanggang HUWEBES ay tatapat ang Ayyāmul Biyd (Mga Puting Araw) para sa buwan ng :

✅ JULY 08, 2025 :
13th ng Muharram 1446 (MARTES)

✅ JULY 09, 2025 :
14th ng Muharram 1446 (MIYERKULES)

✅ JULY 10, 2025 :
15th ng Muharram 1446 (HUWEBES)

Sunnah ang pag-aayuno sa tatlong araw na ito at para ka na ding nag-ayuno ng isang buong taon. Paalalahan po natin ang iba. 🍽

Sinabi ng Sugo ni Allah ﷺ:
"Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan ay katumbas ng pag-aayuno ng buong taon."
(Sahih Bukhari at Muslim)

Ayon kay Abi Hurayrah رضي الله عنه sabi niya: "Pinayuhan ako ng aking matalik na kaibigan (ang Propeta Muhammad ﷺ) ng tatlong bagay hinding-hindi ko iniwan hanggang sa ako’y mamatay: ‫❝‬Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, at pagsasalāh ng salātud duhā (pagkatapos ng pagsikat ng araw ng ilang minuto at magtatapos ito bago mag Adhān ng Dhuhr), at magSalāh ng Witr bago matulog.‫❞‬
Al-Bukhāri at Muslim.

Sinabi ng Sugoﷺ ng Allāh:

“Tunay na mayroong pintuan sa Jannah (Paraiso) na tinatawag na Ar-Rayyân (الرَّيَّانُ), na papasok dito ang mga nagsisipag-ayuno sa Araw ng Paghuhukom, na wala ng iba pang papasok dito liban sa kanila, at sasabihin sa kanila, "Saan na ang mga nagsisipag-ayuno? At sila ay magsisipagtayo, at walang iba na papasok dito liban sa kanila, at kapag sila'y nakapasok na dito kaagad itong isasara, at wala ng makakapasok pa doon ni isa man.”

Sahīh Al-Bukhāri, Sahīh Muslim.

Mainam po na imbitahan at mapaalalahanan ang mga kapatid nating Muslim, kapamilya, kamag-anak, at kaibigan tungkol sa mga araw ng pag-aayuno dahil ang pag-aanyaya sa iba tungo sa pagsasagawa ng kabutihan ay pagkakamit ng kaparehong gantimpala na katulad ng nagsagawa nito.








*****

R4A CALABARZON LANGUAGE ENHANCEMENT &PEDAGOGY (LEAP) TRAINING FOR NEWLY HIRED ASATIDZJULY 1-4,2025
04/07/2025

R4A CALABARZON LANGUAGE ENHANCEMENT &PEDAGOGY (LEAP) TRAINING FOR NEWLY HIRED ASATIDZ
JULY 1-4,2025

02/07/2025

Address

21 Molave Street
San Jose
1860

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639219989640

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arabic Language and Islamic Values Education posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Arabic Language and Islamic Values Education:

Share