26/01/2025
Maagang Pagpaparehistro, Sinimulan na sa SN3ES
Isinagawa noong January 25, 2025 ang maagang pagpaparehistro para sa mga nais mag-aaral sa Sto. Niño 3rd Elementary School (SN3ES). Layunin ng programa na maihanda ang paaralan para sa darating na taong panuruan 2025-2026.
Ang mga magulang ay maagang nagtungo sa paaralan upang irehistro ang kanilang mga anak sa Kindergarten at iba pang grade level. Ang proseso ng pagpaparehistro ay naging mabilis at maayos sa tulong ng mga g**o at kawani ng paaralan.
Magpapatuloy ang maagang pagpaparehistro hanggang Pebrero 15, 2025. Ang mga interesadong magparehistro ay maaaring pumunta sa tanggapan ng paaralan mula Lunes hanggang Biyernes.
Isinulat ni: Chelzy P. Engaran