07/06/2026
"Bakit ako?"
"Bakit ako ang minahal mo?"
"Pangit ako!"
"Mataba ako!"
"Flat ako!"
"Pandak ako!"
"Maitim ako!"
"Maging ang kilos ko ay kakaiba!"
"Kaya, bakit? Dahil hindi ko maintindihan!"
Mahabang litanya ko sa aking nobyo pagkatapos kong makita ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga tao.
"I don't even have the looks you can be proud of..." mahinang dagdag ko pa dahil sa dismaya.
Maging ang mga luha sa aking mga mata ay unti-unting dumadaloy na.
Ang sakit lang isipin na hanggang ngayon, mas pinipili pa rin ng marami na husgahan ako base lamang sa nakikita ng kanilang mga mata.
Para sa kanila, parang isang kasalanan na maging iba, na maging simple, na maging isang tulad ko. Paulit-ulit nilang hinuhusgahan ang pagkatao ko na parang wala akong karapatang mabuhay sa mundong ito.
Nanatili siyang tahimik. Walang ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. Dahil doon, dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan na lamang ang mga luha na malayang dumaloy sa aking mga pisngi.
Siguro nga tama ako.
Baka sa oras ding ito ay napagtanto na rin niya na maling piliin ang isang tulad ko. Kaya wala siyang masabi, dahil alam niyang totoo ang lahat ng winika ko.
Handa na akong talikuran siya nang maramdaman ko ang mabilis ngunit mahigpit na paghawak niya sa aking mga kamay.
Bago pa ako makagalaw, marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Bigla niya akong hinalikan sa mga labi, na ikinabigla ko.
"Ang halik na ito ay upang pigilan ka sa pagsasalita ng masama tungkol sa sarili mo," mahina ngunit mariin niyang wika.
Muli niya akong hinalikan, ngunit sa ibabaw na ng aking mga mata.
"Ang halik na ito ay upang burahin ang lahat ng nakikita at paniniwala mo na mayroon kang mga kakulangan. Dahil para sa akin, wala kang kahit isang kapintasan."
Hinalikan niya ako sa noo.
"Ang halik na ito ay upang pigilan ang iyong isipan sa pag-iisip ng kahit ano pa na makakasakit sa iyo."
S