21/10/2025
After 3 days of not going to school plus the suspensions, finally. Nakapasok na ulit ang Ciapot today. Narealize ko na grabe ang ROI namin sa annual flu vaxx niya. 2000 for the vax and 500 for the consultation fee of her pedia. 1 beses sa isang taon na gastos lang. Pero grabe. Last last week, puro naguubuhan mga classmates ni Cia, tho may mask naman pero the following week ang daming mga hindi nagsipasok kasi may flu. Yung iba naospital pa.
Si Cia nagkaubo, nilagnat at sipon. Pero alam niyo, 1 day lang siya nilagnat. Yung sipon, 2 days lang ang tinagal. Yung ubo umabot ng 5 days, but on the 3rd day we went to the clinic agad. Binigyan lang siya ng meds for allergy at pang-ubo. After almost 2 days, nawala na din agad. And that's when the pedia told me that the flu vaccine really helped a lot in times like this. Kaya moms, please. Paglaanan natin ng budget ang mga ganitong vaccine. Puno ang mga ER ng mga bata, wag natin dagdagan pa.