DZXL News

DZXL News DZXL 558 kHz is the flagship Manila AM radio station of RMN Networks, Inc. This is the official and only FB page of RMN DZXL 558 Manila.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang malawakang reporma na nakatuon sa buong automation, transpa...
03/08/2025

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang malawakang reporma na nakatuon sa buong automation, transparency, at accountability ay layong ayusin ang sistema at mawala ang pagkakataong magkaroon ng pang-aabuso. | via Jairus Peñaflorida, RMN Manila



03/08/2025

| AUGUST 3, 2025


Nagsagawa ng Special Program Convergence Budgeting Steering Committee meeting ang Department of Budget and Management ka...
03/08/2025

Nagsagawa ng Special Program Convergence Budgeting Steering Committee meeting ang Department of Budget and Management katuwang ang Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) at iba pang ahensiya ng pamahalaan para talakayin ang pagbuo ng masterplan sa pagtugon sa problema sa baha sa Metro Manila. | via Jairus Peñaflorida, RMN Manila



Panalangin ng Pasasalamat at Pahinga
03/08/2025

Panalangin ng Pasasalamat at Pahinga

Posibleng buksan ulit ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpaparehistro ng mga botante sa darating na Oktubre.Ito...
03/08/2025

Posibleng buksan ulit ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpaparehistro ng mga botante sa darating na Oktubre.

Ito ay sakaling matapos na ang sampung araw na voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na iiral hanggang ika-10 ng Agosto. | via Jairus Peñaflorida, RMN Manila



Posibleng ang isang compressor ng hindi pa tukoy na appliance ang dahilan ng pagsabog sa Tayuman, Manila.Sa naturang pag...
03/08/2025

Posibleng ang isang compressor ng hindi pa tukoy na appliance ang dahilan ng pagsabog sa Tayuman, Manila.

Sa naturang pagsabog, hindi bababa sa apat ang sugatan. | via Jerald Ulep, RMN Manila

📸: Manila DRRM Office



Nagpahayag ng pagtutol ang mga residente ng Greenhills East Village sa planong pagtatayo ng isang high-rise condominium ...
03/08/2025

Nagpahayag ng pagtutol ang mga residente ng Greenhills East Village sa planong pagtatayo ng isang high-rise condominium project sa Mandaluyong City.

Ayon sa mga residente, posible umanong banta ito sa kapayapaan, kaligtasan, at kalidad ng pamumuhay sa kanilang komunidad at labag din umano sa umiiral na zoning law at mismong mga patakaran ng Local Government Unit (LGU). | via Jairus Peñflorida, RMN Manila



Ayon kay Marikina Mayor Maan Teodoro, sa kasalukuyan ay inaalis na ang mga naipong burak, basura, at iba pang sagabal sa...
03/08/2025

Ayon kay Marikina Mayor Maan Teodoro, sa kasalukuyan ay inaalis na ang mga naipong burak, basura, at iba pang sagabal sa ilog upang mapanatili ang maayos na agos ng tubig maiwasan ang pagbaha, mapalalim at mapalapad ang ilog upang tumaas ang carrying capacity nito. | via Jerald Ulep, RMN Manila



BASAHIN: Magpapatupad ang Marikina LGU ng curfew sa mga menor de edad.Magsisimula ang curfew dakong alas-10:00 ng gabi h...
03/08/2025

BASAHIN: Magpapatupad ang Marikina LGU ng curfew sa mga menor de edad.

Magsisimula ang curfew dakong alas-10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw. | via Jerald Ulep, RMN Manila



03/08/2025

PANOORIN: Nakisaya sa Mega Birthday Bash party ni Eldar the Wizard ang mga cast ng 'Ghosting', kasama ang special guest na P-pop boygroup 1621, kahapon, August 2 sa Enchanted Kingdom.

Naghandog sila ng performances para sa kanilang fans kabilang na ang solo acts nina Zach at Gello at ang kilig duet ng Loveteam na JMFyang. | via Pamella Barrun & Melva Espin, RMN Manila







BASAHIN: Tumama ang 7.0 magnitude na lindol sa Kuril Islands, isang volcanic archipelago na bahagi ng Sakhalin Oblast sa...
03/08/2025

BASAHIN: Tumama ang 7.0 magnitude na lindol sa Kuril Islands, isang volcanic archipelago na bahagi ng Sakhalin Oblast sa Russia.

Ayon sa Phivolcs, wala naman itong banta ng tsunami sa Pilipinas. | via Jerald Ulep, RMN Manila



03/08/2025

PANOORIN: Sa epektibong pagpapatupad ng 3 minute response time ng Quezon City Police District, matagumpay na nahuli ang isang senior citizen na nagwala.

Kinilala ang suspek na si alyas Ely, 60-anyos na residente ng Barangay Commonwealth Quezon City at naaresto sa Omega Street, IBP Road, Brgy. Commonwealth, Quezon City. | via Jerald Ulep, RMN Manila

🎥: PNP



Address

San Juan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZXL News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DZXL News:

Share

Category