23/09/2024
Bagong mga ambulansya, para sa mabilis na tugon sa inyong pangangailangan! ๐๐จ
Matapos ang aking pag-inquire sa PCSO sa kanilang 2025 budget hearing sa Kongreso ay sumulat tayo sa PCSO upang ipaalam na ang mga bayan sa Distrito Dos ay matagal nang hindi nabibigyan ng pansin. Kaya naman sumulat si PCSO Chair Felix Reyes at sinabing limang LGUs ang mabibigyan ng ambulansya. Sisikapin ko lalong pag-igihan ang aking tungkuling maghatid ng serbisyo sa lahat ng bayan ng ating Distrito upang mas marami pa tayong maitulong sa ating mga kababayan.
Dahil sa ating inisyatiba, natanggap natin ang limang (5) bagong ambulance units, tig-isa para sa mga bayan ng Aguilar, Basista, Binmaley, Bugallon, at Mangatarem sa Distrito Dos, mula sa PCSO Medical Transport Vehicle Donation Program. ๐
Mas mabilis na emergency response at serbisyong medikal ang hatid ng mga bagong sasakyang ito, na siguradong makakatulong sa pagliligtas ng buhay at pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababayan. ๐
Ang kalusugan at kaligtasan ninyo ay laging una sa ating agendaโpara sa ligtas at masayang komunidad! ๐