09/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐?
Nagpahayag ng suporta si Navotas Representative Toby Tiangco sa naging posisyon ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales kaugnay sa hindi pagkansela ng passport ni Zaldy Co.
Si Co ay dawit sa maanomalyang flood control projects na nagdulot ng matinding katiwalian sa pera ng taumbayan.
Naging tanong naman ng dating Ombudsman, bakit hindi pinakansela ng nooโy House Speaker Martin Romualdez ang passport ni Co.
โHe seems to be covering for himโ
-Former Ombudsman Conchita Carpio-Morales
At para kay Tiangco na nagbunyag ng umano'y P13.8B insertions sa 2025 budget ni Co, makatwiran ang cancellation ng passport ng dating kongresista dahil na rin sa bigat ng alegasyon sa kanya.
Kaya muling ipinanawagan ni Tiangco sa DFA na i-compel na pauwiin si Co sa Pilipinas.
Una nang napaulat na nasa Amerika si Co for medical treatment.
โTime is of the essence. He must be compelled to come home at the soonest possible time and not given any more time to be able to secure another passport or citizenship in another country,โ
โIf the DFA continues to dilly-dally and he is able to secure a passport in a country with which we have no extradition treaty, who will be accountable for this?โ
-Representative Toby Tiangco
Pinahaharap si Co sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastracture sa October 14.
Si Co ay naging Chairman ng House Committee on Appropriations noong 19th Congress at nag-resign noong September sa gitna ng imbestigasyon ng Senado at Kamara kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects at ng kanyang mga kumpanya.
Video Courtesy: Du30 Legacy