Sulat-Ligaw

Sulat-Ligaw “Tahanan ng ligaw na guniguni, mga salitang humahabi ng damdamin at diwa. Dito, bawat sulat ay paglalakbay—isang pagtula, isang pagsalaysay, isang paglalaya.”

15/09/2025

13/09/2025

" PAGBITAW"

Sa simula’y tila musika ang ating usapan,
Mahahabang linya, puno ng kasayahan.
Ngunit sa likod ng bawat salita mong bitin,
Ramdam kong puso mo’y may ibang hiling.

Habang ako’y sabik sa bawat sagot mo,
Ikaw nama’y tila laging malayo.
Matagal ang paghihintay, malamig ang tugon,
Sa isip ko’y tanong: may iba na bang naron?

Pinilit kong unawain, baka abala ka lang,
Ngunit ramdam ng damdamin ang hindi maipaliwanag.
Ang atensyon mo’y dahan-dahang nawala,
Habang ako nama’y lalong napapaasa.

Kaya’t nagpasya akong tapusin ang koneksyon,
Bago pa tuluyang malunod sa ilusyon.
Ang pag-unfriend ay tila isang sugat,
Ngunit sugat na maghihilom at magpapaangat.

Hindi ko nais na ika’y kalimutan,
Ngunit kailangan kong sarili’y ingatan.
Ang puso’y marupok, madaling mahulog,
Kaya’t kinailangang tuldukan ang pag-ikot.

Ngayon, ako’y huminga nang magaan,
Nawala ang bigat ng pagdududa’t tanong na walang kasagutan.
Pagbitaw ko’y hindi pagkatalo,
Kundi lakas na matutong magmahal sa sarili bago sa iba.

Sa katahimikan, natagpuan ko ang kapayapaan,
Sa pagkawala mo, natutunan kong ako’y may sapat na kasayahan.
Hindi lahat ng damdamin kailangang ipilit,
Dahil ang tunay na pag-ibig, kusa at tapat na dumarating.

30/08/2025
"HUWAD NA SISTEMA"Sa ngalan ng batas, hustisya’y sinambit,Ngunit sa maralita, piring ay baliktad ang gamit;Sa silid ng m...
21/08/2025

"HUWAD NA SISTEMA"

Sa ngalan ng batas, hustisya’y sinambit,
Ngunit sa maralita, piring ay baliktad ang gamit;
Sa silid ng mayaman, tinig ay pinapaboran,
Sa dukha’y tanikala, sa yaman ay kalayaan.

Huwad ang sistema, tabing ay makintab,
Ngunit sa ilalim nito’y panlilinlang ang gabay;
Ang pangako ng ginhawa, sa masa’y hinahain,
Ngunit gutom at dusa ang tunay na kapalit.

Bawat papel na nilagdaan, lihim ay kasabwat,
Mga pangakong maganda’y abo kapag tinupad;
Sa mga lansangan, sigaw ng bayan ang sagot,
“Hindi na sapat, tama na ang panloloko!”

Kung tunay na katarungan ang ating hangarin,
Dapat buwagin ang huwad na sistema’t alipin;
Itayo ang lipunang patas at totoo,
Kung saan ang hustisya’y sa lahat ay pantay ito.

Address

P-4 Doña Maxima
San Luis
8511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sulat-Ligaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share