25/05/2026
Ang masipag na magsasaka ay sagana sa pagkain
📖 Mga Kawikaan 28:19 MBB
“Sagana sa pagkain ang magsasakang masipag, ngunit naghihirap ang taong tamad.”
Ang kasipagan ay may magandang bunga, habang ang katamaran naman ay nagdudulot ng kakulangan at paghihirap. Ang magsasakang masipag ay may sapat na pagkain dahil nagsisikap siyang magtanim at magtrabaho para sa kinabukasan. Ang tagumpay ay hindi basta dumarating kundi pinaghihirapan at pinagtitiyagaan. Samantala, ang taong tamad ay madalas mawalan ng oportunidad dahil kulang siya sa sipag at disiplina. Sa tunay na buhay, makikita na mas umaangat at mas nagiging maayos ang buhay ng taong responsable at masikap sa kanyang gawain.
Tanging sa Diyos ang lahat ng kapurihan 👆