God is the answer

God is the answer Sa anumang sitwasyon na iyong pinagdadaanan sa ngayon, lumapit sa Ðiyos.

( PAHAYAG 13 : 14 ) Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapa...
24/03/2026

( PAHAYAG 13 : 14 ) Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit nabuhay.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

1️⃣ Libu-libong taon nang ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Nakagawa na ito ng hindi-masabing dami ng kasamaan, nakapanlinlang na ng sunud-sunod na henerasyon, at nakagawa na ng mga karumal-dumal na krimen sa mundo. Naabuso na nito ang tao, nalinlang ang tao, naakit ang tao na salungatin ang Diyos, at nakagawa na ng masasamang pagkilos na nakalito at paulit-ulit na nagpahina sa plano ng pamamahala ng Diyos. Gayunman, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, ang lahat ng bagay at buhay na nilalang ay patuloy na sumusunod sa mga patakaran at batas na itinalaga ng Diyos. Kumpara sa awtoridad ng Diyos, ang masamang kalikasan at kayabangan ni Satanas ay napakapangit, sobrang nakakadiri at kasuklam-suklam, at napakaliit at napakahina. Kahit na naglalakad si Satanas sa gitna ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, hindi nito kayang gumawa ng katiting na pagbabago sa mga tao, bagay, at layon na iniutos ng Diyos.

2️⃣ Bagama’t ang sangkatauhan ay nagawa nang tiwali at nalinlang ni Satanas, hindi pa rin maaaring mawala sa tao ang tubig na ginawa ng Diyos, at ang hangin na ginawa ng Diyos, at ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos, at namumuhay pa rin at dumadami ang tao sa espasyong ito na ginawa ng Diyos. Ang likas na pag-uugali ng sangkatauhan ay hindi pa nagbabago. Nakadepende pa rin ang tao sa kanyang mga mata para makakita, sa kanyang mga tainga para makarinig, sa kanyang utak para makapag-isip, sa kanyang puso para makaunawa, sa kanyang mga binti at paa para maglakad, sa kanyang mga kamay para magtrabaho, at iba pa; ang mga kakayahan na ginagamit ng tao para makipagtulungan sa Diyos ay hindi nagbago, ang kakayahan ng sangkatauhan para gumanap ng tungkulin bilang isang nilikhang katauhan ay hindi nagbago, ang mga pangangailangang espirituwal ng sangkatauhan ay hindi nagbago, ang pagnanais ng tao para mahanap ang kanyang mga pinagmulan ay hindi nagbago, ang paghahangad ng sangkatauhan na mailigtas ng Lumikha ay hindi nagbago. Ganyan ang kasalukuyang mga kalagayan ng sangkatauhan, na namumuhay sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, at nakapagtiis na ng madugong pagkasira na ginawa ni Satanas.

3️⃣ Bagaman ang sangkatauhan ay napasailalim na sa pagpapahirap ni Satanas, at hindi na sina Adan at Eba mula sa simula ng paglikha, ngunit sa halip ay puno ng mga bagay-bagay na laban sa Diyos, tulad ng kaalaman, imahinasyon, kuru-kuro, at iba pa, at puno ng mga tiwali at malademonyong disposisyon, sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan ay ang parehong sangkatauhan pa rin na Kanyang nilikha. Ang sangkatauhan ay pinaghaharian at isinasaayos pa rin ng Diyos, at namumuhay pa rin sa loob ng landas na itinalaga ng Diyos, at kaya sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan, na ginawa nang tiwali ni Satanas, ay nababalot lamang ng dumi, may kumakalam na sikmura, may kaunting kabagalan ang reaksiyon, may memorya na hindi na kasing talas ng dati, at medyo may katandaan na—ngunit ang lahat ng paggana at likas na pag-uugali ng tao ay lubos na hindi nasira. Ito ang sangkatauhan na hinahangad ng Diyos na iligtas.

4️⃣ Kailangan lamang marinig ng sangkatauhan ang tawag ng Lumikha, at marinig ang tinig ng Lumikha, at tatayo siya at magmamadaling hanapin ang pinagmumulan ng tinig na ito. Kailangan lamang makita ng sangkatauhan ang anyo ng Lumikha at siya’y mawawalan na ng pakialam sa lahat ng iba pa, at tatalikuran ang lahat, para ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, at ibubuwis pa nga ang kanyang buhay para sa Kanya. Kapag naintindihan ng puso ng sangkatauhan ang taos-pusong mga salita ng Lumikha, tatanggihan ng sangkatauhan si Satanas at lalapit sa tabi ng Lumikha; kapag lubos nang nahugasan ng sangkatauhan ang dumi mula sa kanyang katawan, at muling natanggap ang panustos at pagpapakain ng Lumikha, kung gayon ay mapanunumbalik ang alaala ng sangkatauhan, at sa pagkakataong ito ang sangkatauhan ay tunay nang magbabalik sa pamamahala ng Lumikha.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin





( PAHAYAG 13 : 9 ) “Ang lahat ng may pandinig ay makinig!Sabi Ng Makapangyarihang Diyos ,"Nang pumarito si Jesus sa mund...
21/03/2026

( PAHAYAG 13 : 9 ) “Ang lahat ng may pandinig ay makinig!

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

,"Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t pumarito si Jesus kasama ng tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang satanikong tiwaling disposisyon nito. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

mula sa Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos





( PAHAYAG 13 : 8 ) Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay n...
21/03/2026

( PAHAYAG 13 : 8 ) Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y pag-aari ng Korderong pinatay.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Napakahusay ng ginawa ng Diyos na pagpapahayag ng katotohanan at pagliligtas sa mga tao, at ibinuhos Niya ang lahat ng Kanyang puspusang pagsisikap dito. Labis na sineseryoso ng Diyos ang pinakamakatarungang layuning ito; ang lahat ng Kanyang puspusang pagsisikap ay iginugol para sa mga taong ito na nais Niyang iligtas, ang lahat ng Kanyang mga ekspektasyon ay itinuon din sa mga taong ito, at ang mga huling resulta at kaluwalhatiang nais Niyang makamit mula sa Kanyang 6,000-taong plano ng pamamahala ay maisasakatuparan lahat para sa mga taong ito. Kung may isang tao na nakikipagtunggali laban sa Diyos, kumokontra, gumugulo, o sumisira sa resulta ng layuning ito, patatawarin ba siya ng Diyos? (Hindi.) Sumasalungat ba ito sa disposisyon ng Diyos? Kung palagi mong sinasabing sumusunod ka sa Diyos, naghahangad ng kaligtasan, tumatanggap sa pagsisiyasat at patnubay ng Diyos, at tumatanggap at nagpapasakop sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, ngunit habang sinasabi mo ang mga salitang ito, ginagambala, ginugulo, at sinisira mo ang iba’t ibang gawain ng iglesia, at dahil sa iyong panggugulo, paggambala, at pagsira, dahil sa iyong kapabayaan o pagpapabaya sa tungkulin, o dahil sa iyong mga makasariling pagnanais at alang-alang sa paghahangad sa sarili mong mga interes, ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang mga interes ng iglesia, at ang marami pang ibang aspekto ay napinsala, hanggang sa puntong lubhang nagulo at nasira ang gawain ng sambahayan ng Diyos, paano, kung gayon, dapat timbangin ng Diyos ang iyong kalalabasan sa iyong aklat ng buhay? Paano ka dapat ilarawan? Sa totoo lang, dapat kang parusahan. Tinatawag itong pagtamo ng nararapat sa iyo. Ano ang nauunawaan ninyo ngayon? Ano ang mga interes ng mga tao? (Buktot ang mga ito.) Sa totoo lang, ang mga interes ng mga tao ay ang lahat ng kanilang maluluhong pagnanais. Sa tuwirang salita, ang lahat ng ito ay mga tukso, ang mga ito ay kasinungalingan lahat, at ang mga ito ay mga pain lahat na ginagamit ni Satanas para tuksuhin ang mga tao. Ang paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at paghahangad ng sariling mga interes—pakikipagtulungan ito kay Satanas sa paggawa ng kasamaan, at pagkontra ito sa Diyos. Para hadlangan ang gawain ng Diyos, naglalagay si Satanas ng iba’t ibang kapaligiran para tuksuhin, guluhin, at ilihis ang mga tao, at para pigilan ang mga tao na sumunod sa Diyos, at pigilan silang magpasakop sa Diyos. Sa halip, nakikipagtulungan sila kay Satanas at sinusunod ito, sadyang tumitindig para guluhin at sirain ang gawain ng Diyos. Gaano man magbahagi ang Diyos tungkol sa katotohanan, hindi pa rin sila natatauhan. Gaano man sila pungusan ng sambahayan ng Diyos, hindi pa rin nila tinatanggap ang katotohanan. Hindi talaga sila nagpapasakop sa Diyos, sa halip ay iginigiit nilang masunod ang kagustuhan nila at gawin ang mga bagay ayon sa nais nila. Bilang resulta, ginugulo at sinisira nila ang gawain ng iglesia, lubha silang nakakaapekto sa pag-usad ng iba’t ibang gawain ng iglesia, at nagdudulot ng napakalaking pinsala sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Napakalaki ng kasalanang ito, at tiyak na parurusahan ng Diyos ang mga gayong tao”

( Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem ( Unang Bahagi ).

mula sa Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo ( Volume VII )





🥺ISA KA RIN BA SA NAGHIHINTAY NG PAGKAWASAK DAHIL SA PAGKAPIT SA LUMA ⁉️📕📕Sabi ng MAKAPANGYARIHANG Diyos, Ang Cristo ng ...
18/03/2026

🥺ISA KA RIN BA SA NAGHIHINTAY NG PAGKAWASAK DAHIL SA PAGKAPIT SA LUMA ⁉️

📕📕Sabi ng MAKAPANGYARIHANG Diyos, Ang Cristo ng mga huling Araw,

“Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga salita, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno ang mga hindi natustusan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung nagsisikap ka lamang na panghawakan ang nakaraan, nagsisikap lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano ang mga ito sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka maaakay ng mga ito para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka madadala ng mga ito paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga salitang magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Ang mga salita ng mga kasulatang binabasa mo ay pinagyayaman lamang ang dila mo at hindi mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagiging perpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo na magmuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwagang napapaloob dito? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung wala ang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Iminumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).





( PAHAYAG 13 : 3 ) Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang...
17/03/2026

( PAHAYAG 13 : 3 ) Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

Nasabi Ko na : “Sa mga huling araw, lalabas ang halimaw para usigin ang Aking bayan at yaong mga takot mamatay ay mamarkahan ng tatak para tangayin ng halimaw. Yaong mga nakakita na sa Akin ay papatayin ng halimaw.” Walang dudang ang “halimaw” sa mga salitang ito ay tumutukoy kay Satanas, ang tagapagligaw ng sangkatauhan. Ibig sabihin niyan, pagbalik Ko sa Sion, aatras ang isang malaking grupo ng mga tagapagsilbi; ibig sabihin, tatangayin sila ng halimaw. Mapupunta ang lahat ng nilalang na ito sa walang-hanggang kalaliman para tanggapin ang Aking walang-hanggang pagkastigo. “Yaong mga nakakita na sa Akin” ay tumutukoy sa matatapat na tagapagsilbi na nalupig Ko na. Ang “nakakita na sa Akin” ay tumutukoy sa pagkalupig Ko sa kanila. Ang “papatayin ng halimaw” ay tumutukoy kay Satanas, na Aking nalupig na, na hindi nangangahas na tumindig para labanan Ako. Sa ibang salita, hindi mangangahas si Satanas na magsagawa ng anumang gawain sa mga tagapagsilbing ito, kaya’t naligtas na ang mga kaluluwa ng mga taong ito; sinasabi ito dahil sa kanilang kakayahang maging matapat sa Akin, at nangangahulugan ito na matatanggap ng matatapat na tagapagsilbing iyon ang Aking biyaya at Aking pagpapala. Kaya’t sinasabi Ko na ang kanilang mga kaluluwa ay naligtas na. ( Hindi ito tumutukoy sa pag-akyat sa ikatlong langit, na kuru-kuro lamang ng tao. ) Ngunit yaong masasamang alipin ay muling igagapos ni Satanas at pagkatapos ay itatapon sa walang-hanggang kalaliman. Ito ang Aking parusa sa kanila; ito ang ganti sa kanila, at ito ang sukli sa kanilang mga kasalanan.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I





( PAHAYAG 13 : 1 ) Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May...
17/03/2026

( PAHAYAG 13 : 1 ) Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalapastangan sa Diyos.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

," Makalipas ang ilang libong taon ng katiwalian, ang tao ay manhid at mapurol ang isip; siya ay naging masamang demonyong sumasalungat sa Diyos, hanggang naitala na sa mga aklat ng kasaysayan ang paghihimagsik ng tao tungo sa Diyos, at kahit ang tao mismo ay hindi kayang magbigay ng buong ulat ng kanyang ugaling mapaghimagsik—sapagkat ang tao ay nagawang tiwali na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas, na anupa’t hindi niya nalalaman kung saan tutungo. Kahit sa ngayon, ipinagkakanulo pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagkakanulo ang tao sa Kanya, at kapag hindi nakikita ng tao ang Diyos, Siya ay ipinagkakanulo pa rin ng tao. Mayroon pa ngang iba na, bagaman nasasaksihan na ang mga sumpa ng Diyos at p**t ng Diyos, ipinagkakanulo pa rin Siya. Kung kaya’t sinasabi Kong ang katwiran ng tao ay nawalan na ng orihinal nitong gamit, at na ang konsensiya ng tao, gayundin, ay nawalan ng orihinal nitong gamit. Ang taong nasisilayan Ko ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man niya subukang magmukhang kahabag-habag sa mga mata Ko, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagka’t ang tao ay walang pagkaarok sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng katotohanan at di-katotohanan. Masyadong namanhid ang katwiran ng tao, ngunit patuloy siyang naghahangad na magkamit ng mga pagpapala; masyadong walang-dangal ang kanyang pagkatao ngunit naghahangad pa rin siyang taglayin ang kataas-taasang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katwiran? Papaano siya mauupo sa isang trono sa gayong pagkatao? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong hamak! Para sa inyong nagnanais magkamit ng mga pagpapala, ipinapayo Kong humanap muna kayo ng salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na larawan—taglay mo ba ang mga kinakailangan upang maging hari? Taglay mo ba ang mukha ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala pa rin kahit katiting na pagbabago sa iyong disposisyon at hindi mo pa naisagawa ang alinman sa katotohanan, ngunit hinahangad mo pa rin ang isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo ang iyong sarili! Ang tao, na isinilang sa gayong napakaruming lupain, ay labis nang nahawaan ng lipunan, nakondisyon na siya ng mga etikang piyudal, at natanggap niya ang edukasyon ng “mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.” Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, mababang-uring pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, lubos na walang halagang pag-iral, at mga mababang-uring kaugalian at pang-araw-araw na buhay—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang pinipinsala at inaatake ang kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumalayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong nagiging laban sa Kanya. Lalong nagiging mas walang awa ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang magkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang magkukusang magpasakop sa Diyos, at lalong walang ni isang taong magkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, hinahangad ng tao ang kasiyahan hangga’t gusto niya sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at walang pakundangang ginagawang tiwali ang kanyang laman sa putikan. Marinig man nila ang katotohanan, walang pagnanais ang mga nananahan sa kadiliman na isagawa ito, at ayaw nilang maghanap kahit na nakikita nilang nagpakita na ang Diyos. Paanong magkakaroon ng kahit kaunting tsansa sa kaligtasan ang isang tiwaling sangkatauhang tulad nito? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang bulok na sangkatauhang tulad nito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos





( PAHAYAG 12 : 9 ) Itinapon ang napakalaking dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya...
14/03/2026

( PAHAYAG 12 : 9 ) Itinapon ang napakalaking dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

,"Ang mga pagpapamalas ng malaking pulang dragon ay paglaban sa Akin, kawalan ng pagkaunawa at pagkaintindi sa mga kahulugan ng Aking mga salita, madalas na pang-uusig sa Akin, at paghahangad na gumamit ng mga pakana para gambalain ang Aking pamamahala. Si Satanas ay ipinamamalas sa mga sumusunod : pakikipagtunggali sa Akin para sa kapangyarihan, pagnanais na angkinin ang Aking hinirang na mga tao, at paglalabas ng mga negatibong salita para iligaw ang Aking mga tao. Ang mga sumusunod ay ang mga pagpapamalas ng mga diyablo ( ang mga hindi tumatanggap sa Aking pangalan at hindi naniniwala, ay diyablong lahat ) : pag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, pagpapasasa sa masasamang pagnanasa, pamumuhay sa ilalim ng pagkagapos kay Satanas, ang ilan ay lumalaban sa Akin at ang ilan ay sumusuporta sa Akin ( ngunit hindi pinapatunayan na sila ay Aking mga minamahal na anak ). Ang mga pagpapamalas ng arkanghel ay ang sumusunod: pagsasalita nang walang-galang, pagiging di-makadiyos, malimit na paggaya ng Aking tono para turuan ang mga tao, pagtutuon lamang sa panlabas na paggaya sa Akin, pagkain ng Aking kinakain at paggamit ng Aking ginagamit; sa madaling salita, pagnanais na makapantay Ko, pagiging ambisyoso ngunit wala ng Aking kakayahan at hindi nagtataglay ng Aking buhay, at pagiging isang patapon. Si Satanas, ang mga diyablo, at ang arkanghel ay tipikal na paglalarawang lahat ng malaking pulang dragon, kaya ang mga hindi Ko paunang itinalaga at hinirang ay mga anak lahat ng malaking pulang dragon: Ito ay lubusang ganito! Ang mga ito ay mga kaaway Kong lahat. ( Gayunpaman, ang mga panggugulo ni Satanas ay hindi kasama. Kung ang iyong kalikasan ay ang Aking kakayahan, walang sinumang makapagbabago nito. Dahil ngayon ay namumuhay ka pa rin sa laman, paminsan-minsan ay mapapaharap ka sa mga panunukso ni Satanas—ito ay di-maiiwasan—ngunit dapat kang mag-ingat palagi .) Samakatuwid, tatalikuran Ko ang lahat ng anak ng malaking pulang dragon sa labas ng Aking mga panganay na anak. Ang kanilang kalikasan ay hindi kailanman magbabago—ito ang kakayahan ni Satanas. Ang mga diyablo ang kanilang ipinamamalas, at ang arkanghel ang kanilang isinasabuhay. Ito ay lubusang totoo. Ang malaking pulang dragon na Aking binabanggit ay hindi isang malaking pulang dragon; bagkus ito ay ang masasamang espiritu na lumalaban sa Akin, kung saan ang “malaking pulang dragon” ay isang kasing-kahulugang salita. Kaya lahat ng espiritu bukod sa Banal na Espiritu ay masasamang espiritu, at masasabi ring supling ng malaking pulang dragon. Dapat itong maging napakalinaw sa lahat.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 96

mula sa Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian





( PAHAYAG 12 : 7 - 8 ) Pagkaraan nito'y nagkaroon ng digmaan sa langit. Si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipagla...
14/03/2026

( PAHAYAG 12 : 7 - 8 ) Pagkaraan nito'y nagkaroon ng digmaan sa langit. Si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon at sa mga kampon nito. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at hindi na sila pinayagang manatili sa langit.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

,“Sa maraming lugar, ipinropesiya na ng Diyos na magkakamit Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay sa lupain ng Sinim. Dahil sa Silangan ng mundo makakamit ang mga mananagumpay, kaya walang duda na sa lupain ng Sinim tatapak ang Diyos sa Kanyang ikalawang pagkakatawang-tao, sa mismong lugar kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon. Doon, kakamtin ng Diyos ang mga inapo ng malaking pulang dragon upang ito ay lubusang matalo at mapahiya. Gigisingin ng Diyos ang mga taong ito, na labis na pinabibigatan ng pagdurusa, upang gisingin sila hanggang sila’y maging lubos na gising, at upang palakarin silang palabas ng hamog at tanggihan ang malaking pulang dragon. Gigising sila mula sa kanilang panaginip, makikilala ang diwa ng malaking pulang dragon, magagawang ibigay ang kanilang buong puso sa Diyos, aahon mula sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman, tumayo sa Silangan ng mundo, at maging patunay ng tagumpay ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang makakamit ng Diyos ang kaluwalhatian”

( Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 6 ).

mula sa Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo ( Volume I )





( PAHAYAG 12 : 6 ) Ang babae naman ay tumakas papunta sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang...
13/03/2026

( PAHAYAG 12 : 6 ) Ang babae naman ay tumakas papunta sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng isang libo, dalawandaan at animnapung (1,260) araw.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

," Ang sangkatauhan ng hinaharap ay magiging mga inapo pa rin nina Adan at Eba, ngunit sila ay hindi mamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Sa halip, sila ay magiging ang mga taong iniligtas at ginawang dalisay. Ito ay magiging isang sangkatauhan na hinatulan at kinastigo na, at isa na banal. Ang mga taong ito ay hindi magiging katulad ng orihinal na lahi ng tao. Halos maaaring sabihin na magiging ganap na iba ang kanilang uri mula kina Adan at Eba sa simula.

Napili ang mga taong ito mula sa lahat ng mga ginawang tiwali ni Satanas, sila sa huli ang mananatiling matatag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; sila ang huling natitirang pangkat ng mga tao sa gitna ng tiwaling sangkatauhan. Tanging ang mga taong ito ang magagawang makapasok sa huling pahinga kasama ng Diyos. Ang mga nagagawang tumayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ang siyang makakapasok sa pangwakas na pahinga sa tabi ng Diyos. Sa gayon, lahat ng mga pumapasok sa kapahingahan ay makatatakas mula sa impluwensiya ni Satanas at nakuha na sila ng Diyos pagkatapos sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito, na sa wakas ay natamo na ng Diyos, ay papasok sa huling pahinga.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin





( PAHAYAG 12 : 5 ) Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ...
12/03/2026

( PAHAYAG 12 : 5 ) Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

,"Parurusahan Ko ang masama at gagantimpalaan ang mabuti, at ipatutupad Ko ang Aking katuwiran, at isasagawa Ko ang Aking paghatol. Gagamitin Ko ang Aking mga salita para isakatuparan ang lahat, na ipinaparanas sa lahat ng tao at lahat ng bagay ang Aking kamay na kumakastigo, at ipapakita Ko sa lahat ng tao ang Aking buong kaluwalhatian, ang Aking buong karunungan, at ang Aking buong kasaganaan. Walang taong mangangahas na tumindig para humatol, sapagkat sa Akin, lahat ng bagay ay isinasakatuparan; at dito, hayaang makita ng lahat ng tao ang Aking buong dangal, at matikman ang Aking buong tagumpay, sapagkat sa Akin lahat ng bagay ay namamalas. Mula rito, maaaring makita ang Aking dakilang kapangyarihan at Aking awtoridad. Walang mangangahas na magkasala sa Akin, at walang mangangahas na hadlangan Ako. Lahat ay nahahayag sa Akin. Sino ang mangangahas na magtago ng anuman? Tiyak na hindi Ko pakikitaan ng awa ang taong iyon! Kailangang tumanggap ng Aking matinding parusa ang mga walang hiyang iyon, at kailangang mawala sa Aking paningin ang hamak na mga taong iyon. Pamumunuan Ko sila gamit ang tungkod na bakal at gagamitin Ko ang Aking awtoridad para hatulan sila, na wala ni katiting na awa at hindi man lamang isinasaalang-alang ang kanilang damdamin, sapagkat Ako Mismo ang Diyos na walang mga damdamin ng laman at maringal at walang maaaring magkasala sa Akin. Dapat itong maunawaan at makita ng lahat, kung hindi ay pababagsakin at lilipulin Ko sila “nang walang dahilan o katwiran,” sapagkat pababagsakin ng Aking tungkod ang lahat ng nagkakasala sa Akin. Wala Akong pakialam kung alam man nila ang Aking mga atas administratibo; wala iyang halaga sa Akin, dahil hindi tinatanggap ng Aking persona ang pagkakasala ng sinuman. Ito ang dahilan kaya sinasabi na Ako ay isang leon; pinababagsak Ko ang sinumang Aking hipuin. Kaya nga sinasabi na kalapastanganan na ngayong sabihin na Ako ang Diyos na may habag at kagandahang-loob. Sa diwa, hindi Ako isang cordero, kundi isang leon. Walang nangangahas na magkasala sa Akin; sinumang magkasala sa Akin, parurusahan Ko ng kamatayan, agad-agad at nang walang awa!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 120

mula sa Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos





12/03/2026

Sa nangyayari sa mundo ngayon mga kapatid baka may time ka na pong mag join sa online na pagtitipon para alamin ang kalooban ng Diyos 🥰
A. Oo, meron
B. Wala

( PAHAYAG 12 : 4 ) Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa ...
11/03/2026

( PAHAYAG 12 : 4 ) Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo ang dragon sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

‘Sa Aking plano, palagiang nakasunod si Satanas sa bawat hakbang at, bilang mapaghahambingan ng Aking karunungan, ay laging sinusubukang makahanap ng mga paraan upang gambalain ang Aking orihinal na plano. Subalit maaari ba Akong sumuko sa mapanlinlang na mga pakana nito? Lahat ng nasa langit at nasa lupa ay naglilingkod sa Akin; maaari pa bang maiba ang mapanlinlang na mga pakana ni Satanas? Dito mismo nagsasalikop ang Aking karunungan; ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang prinsipyo ng pagpapatakbo para sa Aking buong plano ng pamamahala. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mapanlinlang na mga pakana ni Satanas, kundi patuloy Kong ginagawa ang gawaing kailangan Kong gawin. Sa sansinukob at sa lahat ng bagay, napili Ko na ang mga gawa ni Satanas bilang Aking paghahambingan. Hindi ba ito pagpapakita ng Aking karunungan? Hindi ba ito mismo ang kamangha-mangha tungkol sa Aking gawain?’

( Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 8 ).

mula sa Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo ( Volume II )





Address

San Manuel
2438

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when God is the answer posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share