12/03/2026
CNHS Kampeon sa Project UMAGA
Itinanghal na kampeon ang Callang National High School sa 2026 Search for the Best School Implementer ng Project UMAGA Mega Category sa ginanap na Division Awarding ng Department of Education โ Schools Division Office Isabela.
Bukod sa pagiging kampeon, nakatanggap din ang paaralan ng Outstanding Overall Implementation Award at Excellence in Flag Ceremony Organization Award bilang pagkilala sa mahusay at organisadong pagpapatupad ng mga programa ng paaralan.
Ang mga parangal na ito ay patunay ng dedikasyon at sama-samang pagsisikap ng mga g**o, mag-aaral, at pamunuan ng paaralan sa pagpapatupad ng mga makabuluhang programa na nagtataguyod ng disiplina, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan. Ang tagumpay na ito ay nagsisilbing inspirasyon sa buong komunidad ng paaralan upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.