09/07/2026
๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐: ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Nagtipon ang mga mahuhusay na mag-aaral mula sa ibaโt ibang antas matapos opisyal na isagawa ang isang awdisyon para sa mga bagong manunulat at mamamahayag sa radyo at telebisyon na siyang bubuo ng Pampahayagang Patnugutan ng Saint Williamโs School of San Marcelino, Inc. kahapon, Hulyo 8, 2026. Ang nasabing aktibidad ay naglalayong matuklasan at mahasa ang mga bagong talento na nagnanais maging boses at kamay ng katotohanan sa loob ng paaralan.
Sa bawat sulok ng silid kung saan ginanap ang screening, masasalamin ang determinasyon at talento ng mga mag-aaral. Sa kategorya ng pagsulat, ipinamalas ng mga studyante ang kanilang talas ng isip at lalim ng pananaw sa pagbuo ng mga artikulo sa balita, editoryal, lathalain, at isport. Samantala, gilas at kumpiyansa naman ng boses ang ipinarinig ng mga nagnanais pumasok sa larangan ng broadcasting dahil isang patunay na ang susunod na henerasyon ng mga mamamahayag ng paaralan ay may sapat na galing upang mag-ulat nang may paninindigan.
Pinangunahan ng mga gurong tagapayo sa pamamahayag ang masusing pagkilatis sa kakayahan ng bawat mag-aaral. Bagamaโt naging mahigpit ang proseso ng pagpili, layunin nito na matiyak na ang bawat mapapasama sa opisyal na listahan ay handang sumabak sa mga mas malalaking hamon, tulad ng mga darating na schools press conferences at kompetisyon.
Ang matagumpay na awdisyon na ito ay hindi lamang isang simpleng pagpili ng mga bagong miyembro, kundi isang panimula ng isang makabuluhang paglalakbay upang hubugin ang kanilang kakayahan, itaguyod ang malayang pamamahayag ng mga kaganapan at mga gawain sa paaralan sa buong isang panuruang taon.
_______________________________________
Salita ni Rean Andrei Arquero
Layout ni Zaida Sivan Adona