30/09/2024
Palakaibigan ako dati hanggang sa nagkaroon ako ng trust issue sa mga dating kaibigan ko at bilin na rin ng aking ina na mamili ng kakaibiganin. Yung mga itinuring kong tunay na kaibigan, binaliktad pa ako. Kaya naman sa mga natitira kong tunay, malayo man kayo at nasa ibang parte ng mundo o malapit lang sa akin, proud ako sa inyo. Marahil di na tayo ganun nakakapag-usap okay lang yan akumbahala sa inyo.Kaya nga follow niyo 'tong page ko at yung youtube channel ko para updated kayo sa mga kalohohan ko sa buhay HAHAHA (nakapag-promote pa nga) kaya kapag feeling mo wala kang makausap, nood ka lang ng videos ko kahit panget tapos comment ka rereplyan kita, kaibigan.
May mga kaibigan akong hindi ko na madalas makausap, Wala narin akong ideya sa pinagdadaanan nilang hirap.
Ganito pala kapag tumatanda na't namulat na sa reyalidad ng totoong buhay. May mga kanya-kanya ng hinaharap na laban. Ang dating masayang inuman at tambayan sa kanto unti-unting nababalot na nang katahimikan subalit hindi ako nakalimot, alam kong katulad ko, abala rin sila at nagsusumikap. Maraming nagbago masyado ng abala para sa'tin ang mundo, Sa mga panahong wala na tayong balita sa isa't isa, Tahimik kong pinapanalangin na sana ay nasa maayos kayong kalagayan , Kaibigan ko♡︎