09/05/2025
๐ฅ TAO PO: Isang Paglalakbay ng Pagmamalasakit at Pag-asa ๐๏ธ๐
Sa bawat pintong kinatok, sa bawat kamay na aking kinamayan, at sa bawat kwentong aking pinakinggan, isa lang ang naging layunin ko - ang maglingkod nang tapat at may tunay na malasakit sa mamamayan ng San Mateo.
Buong puso kong iniaalay ang video na ito bilang buod ng ating mga pinagdaanan. Mula kanto hanggang kabundukan, dala namin ang platapormang tumutugon sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, imprastruktura, at pangangalaga sa kalikasan. At ang pinakamagandang tanawin sa bawat lugar? Ang ngiti ng pag-asa sa mga mukha ng ating mga kababayan โ lalo na ang kabataan.
Hindi magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang ating mga volunteers na araw-araw na naglakad, nakinig, at nagpakita ng malasakit. Kayo ang puso ng kampanyang ito.
Ito ay panawagan, panawagan para sa isang mas makatao, mas progresibo, at mas makabuluhang San Mateo.
Tuloy ang laban. Ipanalo natin ang Serbisyong Tapat. Para sa bayan. Para sa tao. Para sa kinabukasan.