12/06/2026
๐ต๐ญ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ต๐ญ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan na may temang โKalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.โ, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng San Miguel sa pamumuno ni Mayor Antonio T. Teves, sa pamamagitan ng MHRMO sa pangunguna ni Bb. Rhea Imelda Morales, ang โHuling Parangal sa Watawat ng Pilipinas: Flag Retirement Ceremonyโ nitong Hunyo 11, 2026, sa LGU Grounds, San Miguel, Catanduanes.
โAlinsunod sa Republic Act No. 8491 (Flag and Heraldic Code of the Philippines), ang mga luma, kupas, at gulanit na watawat ay hindi dapat basta itinatapon. Sa halip, ito ay marangal at solemning sinusunog upang mapanatili ang paggalang sa pambansang sagisag ng ating kalayaan.
โโจ ๐ด๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
โข โPagkakaisa ng Komunidad: Dinaluhan ang seremonya ng mga kawani ng LGU, Sangguniang Bayan Members, mga Heads of Offices, akademya, at mga unipormadong ahensya tulad ng PNP, BFP, Philippine Army, kasama ang BSP at GSP.
โข โMakabuluhang Mensahe: Nagbigay ng paalala si Vice Mayor Noel S. Morales ukol sa sakripisyo at pagkakaisa na sinasagisag ng watawat. Ipinaliwanag naman ni Mr. Edgar Soriao ang kahalagahan ng seremonya, habang binigkas ng isang batang scout ang tulang โAng Aking Bandilaโ ni Cirio H. Panganiban.
โข โAng Pagtupok at Paglilibing: Sa makasaysayang papel ni Hon. Kag. Delia Soriao bilang Inang Bayan, marangal na inilaan ang mga lumang watawat sa sagradong apoy matapos ang Panunumpa sa Watawat. Ang pag-gagatong ay sinabayan ng awit ni Ma'am Jess. Ang mga abo ay maingat na inilagay sa urna at mapitagang inilibing sa isang lugar na hindi matatapakan ng sinuman.
โ๐ฅ ๐ด๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa makasaysayang papel ni Hon. Kag. Delia Soriao bilang Inang Bayan, madamdaming tinanggap at inilaan ang mga lumang watawat sa sagradong apoy matapos ang pagbigkas ng Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas ng mga scout. Ang bawat pagtupok ay sinabayan ng isang madamdaming awit ng pamamaalam mula kay Bb. Jessica Taule.
โKatulad ng tradisyon sa pagpaparangal sa isang pumanaw na bayani, ang mga natitirang abo ng watawat ay maingat na hinalaw, inilagay sa isang urna, at mapitagang inilibing sa isang pribadong lugar kung saan hindi ito matatapakan ng sinuman.
โSa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtibay ng LGU San Miguel ang kanyang pangako sa pagsusulong ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan.
"๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ก๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐โ๐, ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐, ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐โ๐! "๐๏ธโค๏ธ๐๐