
05/08/2025
Tahimik lang.
Wag mong bigyan ng dahilan
para pag-usapan ka.
Galawan mo'y parang anino
nandyan, pero ‘di nila makita.
Walang yabang.
Walang sigaw.
Walang paliwanag
kundi puro gawa.
Ang lakas ‘di laging maingay.
Minsan, ang pinakatahimik,
‘yun ang pinaka-delikado.
Kaya habang sila’y abala
sa panghuhusga,
ikaw, abala
sa pagpapanday ng tagumpay mo.
Tahimik ka lang
pero ang resulta.
‘yun ang magiging dagundong
sa katahimikan nila.