
25/09/2025
PAALALA SA CONTENT
1] BULLYING O PANLALAIT:
Bawal ang panunukso, pang-aapi, o pambabastos sa tao o grupo.
2] PAGGAMIT NG MGA BATA O KASAMBAHAY:
Hindi puwedeng isama sa lifestyle content kahit positibo ang pakay.
3] PRIBADONG ISYU NG PAMILYA:
Bawal ilabas sa publiko ang away o personal na problema ng pamilya.
4] FAKE NEWS O MALING INFO:
Hindi pinapayagan ang maling balita o nakalilinlang na content.
5] BASTOS NA PANANALITA:
Bawal ang kabastusan at sobrang magaspang na wika.
6] PAGMAMAYABANG NG YAMAN:
Hindi puwedeng ipakita nang pabonggahan ang pera, ari-arian, at luho.
7] PAG-ATAKE SA RELIHIYON, BANSA, O LAHI:
Bawal ang content na nang-iinsulto o nang-aapi ng ibang grupo.
8] HINDI ANGKOP SA KULTURA AT MORALIDAD:
Dapat naaayon sa kultura, relihiyon, at moralidad ng Saudi.
9] KASUOTAN NA HINDI MAHIHINHIN:
Bawal ang sobrang ikli, sikip, manipis, o hindi angkop na damit.
10] SENSITIBONG IMPORMASYON NG PAMAHALAAN:
Bawal ibahagi ang lihim ng pamahalaan
Hindi puwedeng ilabas ang impormasyon na puwedeng makasama sa bansa o sa seguridad nito.
OWWA RIYADH
OFW Heart of Asia