18/12/2025
Pag-iisang Dibdib nina Katrina at Ariel, Pinangunahan ni Mayor Roanna Conti
Opisyal nang pinagbuklod sa matamis na "Oo" sina Katrina Cassandra Garing at Ariel Mendoza sa isang seremonya ng kasal na pinangunahan ni Hon. Mayor Roanna Conti.
Ang pagtitipon ay nagsilbing simbolo ng wagas na pangako ng magkasintahan sa pag-ibig, pagkakaisa, at pagbuo ng isang matatag na pamilya. Naging puno ng pag-asa ang palitan ng sumpaan ng dalawa sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay.
Binigyang-diin ni Mayor Conti ang kahalagahan ng pagtutulungan at pananampalataya bilang pundasyon ng isang matagumpay na pagsasama. Ang nasabing kasalan ay hindi lamang pagdiriwang ng pag-iibigan nina Katrina at Ariel, kundi isang paalala rin ng kahalagahan ng pamilya sa loob ng komunidad. | USPNC
๐ธ | Sanny Serrano