17/01/2025
😢😢😭
ANAK: Tay, puede bang mag tanong?
TATAY: Sige anak, ano yon?
ANAK: Magkano po sweldo mo kada araw?
TATAY: Di mo na dapat paki-alaman iyon!
Bakit mo naitanong ganyang tanong??
ANAK: Please tay, gusto ko lang po
malaman sweldo mo sa isang araw.
TATAY: Kung alam mo lang, sumasahod ako
ng 500 pesos isang araw.
ANAK: ahhh.. (napa yuko ang ulo)
ANAK: Ah tay! Pwede bang maka hiram ng
20pesos??
Medyo inis na napa-isip yung tatay.
TATAY: Kung ang dahilan mo ng
pagtatanong kung magkano sahod ko kada
araw ay yang walang kwentang dahilan mo
at para maka bili ka ng laruan mo, pumunta
ka na lang ng kwarto at matulog! Nagpapaka
hirap ako mag trabaho araw araw para lang
sa makasariling dahilan na yan??
Tahimik na pumasok ng kwarto ang bata at
isinara ang pinto.
Umupo ang tatay at mas nainis pa habang
iniisip ang tanong ng bata. "Pano niya naisip
na magtanong kung magkano sahod ko kada
araw para lang mangutang?"
Pagkatapos ng isang oras huminahon ang
tatay at nag isip uli bakit siya natanong ng
bata.
"Baka naman kaya nanghihiram ng pera ang
anak ko ay may kailangan talaga siyang
bilhin na importante dahil madalas di siya
humihingi sakin."
Pumunta sa kwarto ng bata at binuksan ang
pinto.
TATAY: Anak, gising ka pa ba?
ANAK: Opo 'tay gising pa ko.
TATAY: Iniisip ko anak na baka kaya ka
nanghihiram ng pera ay baka may bibilhin
kang importante talaga. Baka masyado ko
naging mainitin kanina. Eto na ang 20 pesos
na hinihiram mo.
Tumayo ang bata at ngiting ngiti.
ANAK: Ohhh.. Salamat po 'Tay!
Tapos may kinakapa sa ilalim ng unan ang
bata at nakuha ang mga lukot na perang
papel. Nakatitig ang tatay at mas lalong
nagalit na sa bata. Dahan dahang binilang
ng bata ang lukot na perang papel at
tumingin sa tatay.
TATAY: (pagalit) Bakit kailangan mo pang
manghiram ng pera kung meron ka naman
na pala???
ANAK: Dahil hindi po sapat ang perang
naipon ko, pero ngayon po sakto na Tay..
'Tay, meron na po akong 500 pesos. Puede
ko po bang bayaran ang isang araw mo
bukas para makasama at maka laro man
lang kita mag hapon? Gusto po kita maka
laro...
Natulala ang saglit ang tatay, tumulo ang
luha..pagkatapos, niyakap niya ng mahigpit
ang bata. Humingi ng tawad sa lahat, lalo sa
kawalan niya ng oras para sa anak.
Guys, maikling paalala lang po. Baka nga
naiibigay mo ang pangangailangan ng
pamilya at anak mo. Pero baka dahil sa
pagsisikap natin para kumita, wala kang oras
sa kanila o kaya nasa malayo ka lagi.
Tandaan mo bilang isang magulang. Hindi
material na bagay lang ang kailangan ng
mga anak sa buhay nila. Kundi ang gabay at
presensiya mo sa kanila bilang magulang.
May opportunidad na para sayo para maka
piling mo sila, magkaroon ng oras ganon din
ng pera para sa kanila at sa mga pangarap
nila. Desisyon mo lang hinihintay.
Naghihintay ka pa ba na sabihin yan sayo ng
anak mo???
🙏🙏🙏😊😊😊
Credits to * Prince 0.5