12/10/2026
🕊️ PAKIKIRAMAY SA PAMILYA NI DATING KAGAWAD JANETH ROLDAN
Nakiramay si Kapitan Edwin Matunog, kasama ang ating mga BPSO, sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Dating Kagawad Janeth Roldan.
Bilang pagkilala sa kanyang naging serbisyo sa Barangay Nueva, si Kapitan Edwin, kasama ang mga BPSO, ang naglagay ng watawat ng Pilipinas sa kanyang kabaong bilang pagpupugay sa kanyang naging paglilingkod sa Brgy. Nueva
Hindi madaling mawalan ng isang taong naging malaking parte ng ating komunidad at minahal ng maraming tao.
Sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Janeth, taos-puso po ang aming pakikiramay. Maraming salamat, Janeth, sa iyong naging paglilingkod sa Barangay Nueva. Mananatili sa aming alaala ang iyong pagiging tapat na kagawad, mabuting kaibigan, at ang mga magagandang alaalang iniwan mo sa mga taong iyong nakasama at napaglingkuran.