Matunog na Barangay Nueva

Matunog na Barangay Nueva # Bagong Umaga Bagong Nueva

Iba na sa Nueva! ⛈️Ang ganitong klase ng pamumuno ang dapat tularan — hindi nagtatago sa bagyo, bagkus lumalapit sa tao....
23/07/2025

Iba na sa Nueva! ⛈️

Ang ganitong klase ng pamumuno ang dapat tularan — hindi nagtatago sa bagyo, bagkus lumalapit sa tao.

Sa gitna ng malakas na ulan at pagtaas ng baha, hindi nag-atubiling tumugon si Kapitan Edwin Matunog kasama ang kanyang mga masisipag na kagawad, SK Chairman Haynes Fabian, at sina Admin Kulay at Dennis Navasero.

Personal silang nagtungo sa mga apektadong lugar upang alamin ang kalagayan ng ating mga ka-barangay. Sama-sama nilang isinagawa ang rescue operations, naglatag ng mga tent para sa evacuation, at namahagi ng tulong gaya ng pagkain, bitamina, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga nasalanta ng bagyo. 🫡

Iba na sa Nueva: Zumba for a causeSa pangunguna ni Kapitan Edwin Matunog, inaanyayahan ang lahat na makisali sa Zumba fo...
18/07/2025

Iba na sa Nueva: Zumba for a cause

Sa pangunguna ni Kapitan Edwin Matunog, inaanyayahan ang lahat na makisali sa Zumba for a Cause ngayong darating na Sabado, July 19, 2025, (6AM) sa Brgy. Nueva Basketball Court!

🎟️ Ticket: ₱100 – open for walk-in!
💖 Ang lahat ng malilikom ay mapupunta kay Patient Aurora Arcangel para sa kanyang medical treatment and expenses.

Zumba na, Tulong pa. Kita-kits, Barangay Nueva!

Iba na sa Nueva: MOBILE BOTIKA📌Maghanda na para sa AKAY ni SOL Mobile Botika na magbibigay ng libreng gamot para sa unan...
06/07/2025

Iba na sa Nueva: MOBILE BOTIKA📌

Maghanda na para sa AKAY ni SOL Mobile Botika na magbibigay ng libreng gamot para sa unang 500 na pasyente.

💊 Amlodipine, Losartan, Metformin, Atorvastatin — para sa mga may maintenance.

📦 1 buwang supply ang ipamimigay para mas marami ang matulungan.

Pre-Registration:
🗓️ Julu 7, 2025 (Lunes)
🕐 1:00 PM - 5:00 PM
📍 Covered Court, Amarillo St., Sibulo 1 Subdivision, Brgy. Nueva
✅ Dalhin ang reseta at valid ID

Maintenance Distribution
🗓️ July 9, 2025 (Miyerkules)
🕗 8:00 AM - 12:00 NN
📍Sa parehong venue
🩺 May libreng check-up din para sa mga walang reseta.

Salamat kay Gov. Sol Aragones ❤️

𝐈𝐛𝐚𝐍𝐚𝐒𝐚𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚: 𝐇𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐔𝐦𝐚𝐠𝐚 Noong March 26, 2025, isinagawa ang State of Barangay Address ni Kapitan Edw...
05/07/2025

𝐈𝐛𝐚𝐍𝐚𝐒𝐚𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚: 𝐇𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐔𝐦𝐚𝐠𝐚

Noong March 26, 2025, isinagawa ang State of Barangay Address ni Kapitan Edwin Matunog kung saan inilahad niya ang mga nagawa at plano para sa Brgy. Nueva.

Tampok sa kanyang ulat ang mga proyekto sa imprastruktura, edukasyon, at kalusugan—gaya ng mas ligtas na kalsada, dagdag na streetlights, at medical missions. Binanggit din ang mga inisyatibong nakatutok sa kabataan, kababaihan, at senior citizens.

Hindi rito nagtatapos ang pag-unlad. Tinutukan rin ni Kap ang mga susunod na hakbang tulad ng disaster preparedness, livelihood programs, at mas inklusibong serbisyo para sa lahat.


Isang makulay, masarap, at masayang hapon ang ating pinagsaluhan sa 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀: 𝐁𝐈𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎 noong June 29, 2025 sa...
30/06/2025

Isang makulay, masarap, at masayang hapon ang ating pinagsaluhan sa 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀: 𝐁𝐈𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎 noong June 29, 2025 sa Brgy. Nueva Covered Court!

💛 Lubos ang aming pasasalamat sa Barrio Fiesta Foods sa pagtitiwala at pagpili sa Barangay Nueva bilang isa sa mga host community ngayong taon.

Salamat din sa espesyal na bisita nating si
Kare Kare ni Balat na nagbahagi ng cooking tips at kitchen secrets. 🤩

Congratulations sa ating mga Bida ng Barrio Winners:

🏆Champion: Irene Pehipol – Beef Caldereta
🥈2nd Place: Amelia Basto – Creamy Beef in Curry Sauce
🥉3rd Place: Reynaldo Bagoisan – Beef Mechado
🍽️ Best Recipe Story: Evo
🍲Best in Plating: Mark Leonard

Salamat sa lahat ng lumahok, tumulong, at sumuporta. Kayo ang tunay na Bida ng Barrio!

Halina’t sumali sa 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀: 𝐁𝐈𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎 — isang hapon ng  𝐥𝐮𝐭𝐨, 𝐥𝐚𝐫𝐨, 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐲𝐚! June 29, 2025 l 1pm l Brgy. Nuev...
27/06/2025

Halina’t sumali sa 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀: 𝐁𝐈𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎 — isang hapon ng 𝐥𝐮𝐭𝐨, 𝐥𝐚𝐫𝐨, 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐲𝐚!

June 29, 2025 l 1pm l Brgy. Nueva Covered Court

Suportahan ang mga maglalaban-laban sa Carinderia Showdown 🍲

🏆 Grand Champion – ₱10,000
🥈 1st Prize – ₱5,000
🥉 2nd Prize – ₱3,000

🤼‍♀️Maglaro at manalo sa Palarong Barrio Fiesta

🥘Matuto ng mga bagong lutuin sa Live Cooking Demo

🛍️At mag-uwi ng Barrio Fiesta products mula sa Pop Up Booth

📣𝐈𝐁𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐍𝐔𝐄𝐕𝐀:  Handog ng Johnson’s Baby (formerly Johnson & Johnson) ang isang libreng seminar tungkol sa:🛁 “Proper ...
23/06/2025

📣𝐈𝐁𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐍𝐔𝐄𝐕𝐀: Handog ng Johnson’s Baby (formerly Johnson & Johnson) ang isang libreng seminar tungkol sa:

🛁 “Proper Bathing for Babies and Toddlers”

✍️𝐓𝐮𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲 | 𝟗:𝟎𝟎 𝐀𝐌
📍𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭

Para sa mga pregnant moms, lactating moms, at mga may anak na 𝟎-𝟓 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝!

🎁 𝐌𝐚𝐲 𝐩𝐚-𝐟𝐫𝐞𝐞𝐛𝐢𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐉𝐨𝐡𝐧𝐬𝐨𝐧’𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲! Ang 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝟖𝟎 𝐚𝐭𝐭𝐞𝐧𝐝𝐞𝐞𝐬 ay makakatanggap ng 𝟏 𝐩𝐜. 𝟏𝟎𝟎𝐦𝐥 𝐉𝐨𝐡𝐧𝐬𝐨𝐧’𝐬 𝐌𝐢𝐥𝐤 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐢𝐜𝐞 𝐁𝐚𝐭𝐡 — perfect para sa banayad at gentle na paliligo ni baby!

IbanasaNueva: Libreng Gupit para sa mga Estudyante ngayong Balik-Eskwela! ✂️🗓️Petsa: June 14, 2025 (Sabado)📍Lugar:Sibulo...
11/06/2025

IbanasaNueva: Libreng Gupit para sa mga Estudyante ngayong Balik-Eskwela! ✂️

🗓️Petsa: June 14, 2025 (Sabado)
📍Lugar:Sibulo 1 Subdivision Covered Court, Barangay Nueva, San Pedro, Laguna

📣 First 100 students only! Magsisimula ang registration at pamimigay ng stubs sa ganap na 9:30 AM ⏱️

📌 First come, first served basis.

Tara na at magpagupit nang libre para sa balik-eskwela! ✂️📚

IbanasaNueva: 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐫𝐮𝐦𝐛𝐞𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐞 🥁Hindi nagpahuli ang iba’t ibang magagaling na 𝐝𝐫𝐮𝐦𝐞𝐫 mula sa iba’t ibang lugar! Bit...
21/05/2025

IbanasaNueva: 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐫𝐮𝐦𝐛𝐞𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐞 🥁

Hindi nagpahuli ang iba’t ibang magagaling na 𝐝𝐫𝐮𝐦𝐞𝐫 mula sa iba’t ibang lugar! Bitbit ang kanilang makukulay na costumes at sabayang tugtog, nagparada sila sa buong Nueva para ipadama ang saya ng fiesta! 🎊

Narinig ang malalakas na hampas ng tambol at ang sabayang indak ng mga street dancers na tunay na nagbigay kulay at buhay sa ating kalsada! 🎷

Hindi lang ito simpleng parada—ito’y paanyaya sa bawat puso na makisaya, makiindak, at makisigaw ng: “𝐈𝐛𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚!”


!

𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐒𝐊 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬, 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮'𝘀 𝗚𝗼𝘁 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻 𝟮 !✨ Bumida ang iba't ibang mahuhusay na kalahok sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗦𝗞 𝗡𝗶𝗴𝗵...
15/05/2025

𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐒𝐊 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬, 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮'𝘀 𝗚𝗼𝘁 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻 𝟮 !✨

Bumida ang iba't ibang mahuhusay na kalahok sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗦𝗞 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀, 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮'𝘀 𝗚𝗼𝘁 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻 𝟮 bilang tampok na palabas sa ikalawang gabi ng pista sa Brgy. Nueva! 🎤🎭

Mula sa mga nakakabilib na talento katulad ng 𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹𝗶𝘀𝗺 𝗮𝗰𝘁𝘀, 𝘁𝗿𝘂𝗺𝗽𝗼 𝗮𝘁 𝘆𝗼𝘆𝗼 𝗲𝘅𝗵𝗶𝗯𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻, hanggang sa nakamamanghang 𝗳𝗶𝗿𝗲 𝘀𝗵𝗼𝘄!

Handog ito ni 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗛𝗮𝘆𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗙𝗮𝗯𝗶𝗮𝗻 at ni 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗘𝗱𝘄𝗶𝗻 𝗠𝗮𝘁𝘂𝗻𝗼𝗴 kasama ang buong 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 upang mag bigay saya, at aliw sa mga residente ng Brgy. Nueva.

Iba na sa Nueva: 𝐌𝐚𝐲 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓 - 𝐅𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐠𝐢Puno ng tawanan at kulitan ang gabi ng Mayo 1 sa Garcia Street sa kauna-unaha...
11/05/2025

Iba na sa Nueva: 𝐌𝐚𝐲 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓 - 𝐅𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐠𝐢

Puno ng tawanan at kulitan ang gabi ng Mayo 1 sa Garcia Street sa kauna-unahang “𝐅𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐠𝐢 𝟐𝟎𝟐𝟓” ng Brgy. Nueva!

Isa itong nakakatawang gabi na talaga namang kinagiliwan ng mga taga-barangay, kung saan rumampa’t nagpasaya ang mga contestant na dati nang naging bahagi ng Eat Bulaga! ❤️

Handog ito ni Kapitan Edwin Matunog, kasama ang buong Brgy. Nueva Council, bilang bahagi ng selebrasyon ng Fiesta ng Brgy. Nueva.

Tunay na walang tatalo sa gandang may puso, at pogi na, entertaining pa!


!

03/05/2025

Iba na sa Nueva: GRAND PARADE AT DRUMBEAT COMPETITION!

Mas lalo pang umiinit ang selebrasyon! Tara na sa Grand Parade ng mga Tambolers at Drumbeat Competition ngayong araw!

Parade Start: 4:00 PM
Assembly: Severina Subdivision
Ruta: Palibot ng Brgy. Nueva
Showdown: Pagkatapos ng parada!

MAY LIBRENG CONCERT PA!
Special Guest: Sen. Francis Tolentino
Live Band: PLETHORA – Ihahataw ang gabi!

Drumbeat competition prizes:
Champion – ₱30,000
1st Runner-up – ₱20,000
2nd Runner-up – ₱15,000
Best Parade – ₱5,000
Best Costume – ₱3,000
Best Drummer – ₱2,000
Consolation – ₱8,000

Address

San Pedro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Matunog na Barangay Nueva posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share