22/09/2024
๐๐๐ซ๐จ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ!
Ako po si Vince Arapan, at taos-pusong sinusuportahan ko si Gerome Basal sa kanyang kandidatura bilang Konsehal ng Lungsod ng San Pedro. Naniniwala ako sa kanyang kakayahan, dedikasyon, at hangaring maglingkod para sa ikabubuti ng ating lungsod. Kaisa ako sa kanyang layunin na magdala ng tunay na pagbabago at pagsulong para sa ating mga kababayan.
Kung nais ninyong mag-volunteer at sumuporta sa ating grassroots, people-powered campaign, mag-sign up lang tayo sa link na ito!
https://tinyurl.com/KASAPINiGerome
๐๐๐ซ๐จ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ!
Ipinagmamalaki naming ipahayag sa KASAPI Coalition na si Gerome Basal, Chairperson ng Angat Kabataan San Pedro, ang aming opisyal na kandidato para konsehal sa darating na 2025 Local Elections.
Matapos ang isang masusing proseso na tumagal ng ilang buwan, buong pagkakaisa naming pinili si Gerome at pormal siyang idineklara bilang aming kandidato sa KASAPI Convention noong September 22, 2024. Sa pagkakataong iyon, buong puso niyang ipinangako ang kanyang paglilingkod para sa kabataan at mamamayan ng San Pedro.
Ang KASAPI Coalition, isang independent alliance ng mga lider-kabataan at youth organizations sa San Pedro, Laguna, ay nagsusulong ng inklusibong demokrasya sa pamamagitan ng good, transparent, at participatory governance, kasabay ng pagbibigay ng kapangyarihan sa kabataan.
Pinili namin si Gerome dahil sa kanyang kahusayan at walang kapantay na dedikasyon bilang isang lider-kabataan. Bilang dating Student Regent ng TUP at aktibong lingkod ng ibaโt ibang organisasyong pangkomunidad, ipinakita niya ang kanyang kakayahan sa pamumuno. Buo ang aming kumpiyansa na isusulong niya ang interes ng kabataan at ng buong mamamayan ng San Pedro tungo sa isang mas inklusibong kinabukasan para sa lahat.
Kailangan pa natin ng mas maraming kasamang itaguyod ang para sa mamamayan.
Kung nais ninyong mag-volunteer at sumuporta sa ating grassroots, people-powered campaign, mag-sign up lang tayo sa link na ito!
https://tinyurl.com/KASAPINiGerome