Vivin Rides

Vivin Rides SARILING PAGE PO MGA KAHAROK

26/10/2025

Blessed Sunday 🙏
Thank you Lord 🙏❤️❤️❤️

25/10/2025

October 26, 2025
Thirtieth Sunday in Ordinary Time

MABUTING BALITA
Lucas 18, 9-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili’y matuwid at humahamak naman sa iba. “May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa’y Pariseo at ang isa nama’y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.’ Samantala, ang publikano’y nakatayo sa malayo, hindi man lamang maktingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

25/10/2025

23/10/2025

October 24, 2025, Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo

MABUTING BALITA
Lucas 12, 54-59

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayun nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa’t sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?
Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

23/10/2025

I want to give a huge shout-out to my top Stars senders. Thank you for all the support!

Maria Theresa, Farhannah Deron, Conie L Aswigue, Lyne Jes Zidac Natcod

23/10/2025

sarap inihaw mga kaharok 😋🥰

20/10/2025

20/10/2025

"Anong pinagkaiba nung may pera sa walang pera, parehong malungkot. Hindi talaga sagot ang pera sa kaligayahan na gusto natin, kase yung kaligayahan na mararamdaman mo kapag nakita mo ang pangangailangan ng iba ar ikaw ay nakaka tulong." -

Rev. Fr. Douglas D. Badong
Parish Priest, St. Joseph Parish Gagalangin, Catholic Church .............

Ang Mabuting Balita at Homiliya
October 20, 2025 | 12:15 pm - Quiapo Church
Lunes ng Ikadalwampu't Siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA: Lucas 12: 13-21

Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay sa akin ang bahagi ko sa aming mana.” Sumagot siya “Ginoo, sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” At sinabi niya sa kanilang lahat: “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.”

At pagkatapos ay isinaysay ni Hesus ang talinhagang ito: “Ang bukirin ng isang mayaman ay umani nang sagana. Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan, marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya’t mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at magsasaya!’

Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito’y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’ Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon. .......

Want to listen to full length online mass?
https://youtu.be/9dT4jhCPF4U?si=LfVQpDIBcwFsikaI

19/10/2025

Thank you Lord 🙏❤️

18/10/2025

October 19, 2025, Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA
Lucas 18, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa. “Sa isang lungsod,” wika niya, “may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: “Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala – baka pa ako mainis sa kapaparito niya.” At sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

29austria Poblacion
San Pedro
4023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vivin Rides posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category