MG San Antonio

MG San Antonio ongoing story : BILLIONAIRE'S OBSESSION WITH A SINGLE MOTHER

UD SCHED: anytime basta may nakatype 🤭. Small things, but they mean a lot for my page’s growth.
(6)

"Please support my updates with your reacts, comments, and shares. Thank you! 🙏"

Secretly Inlove With My BossAuthor : MG San AntonioCHAPTER 5Part 1Nakapili na ng dress si Aya. Napili nito ang pinakasim...
18/10/2025

Secretly Inlove With My Boss
Author : MG San Antonio

CHAPTER 5
Part 1

Nakapili na ng dress si Aya. Napili nito ang pinakasimpleng dress sa inilagay ni Tophe sa pushcart. Nahihiya itong pumili ng elegante at baka hindi ito pagk**alang secretary.

Lumabas na ito ng dressing room at napatingin sa kanya si Tophe.

“Ang dami kong nilagay sa cart bakit iyan ang pinili mo?” Kunot noong tanong nito.

“Edi sana kung ayaw mong ipasuot ay hindi mo na sana to nilagay sa cart.” Gigil na tugon nito.

Bumuntong hininga si Tophe at lumapit dito.

Kumuha ito ng sapatos na babagay sa suot ni Aya.

“Okay, suotin mo to para makapunta na tayo sa office.”

Sinunod na lamang ni Aya ang sinabi nito. At matapos ay sumakay na silang muli sa kotse.

Hindi makalingon dito si Tophe. Kahit naman siya ay iritable dito sa babaeng ito.

“Bawiin ko na kaya yung offer ko?” Napailing ito habang bumubulong sa isip nito.

“Hindi pwede, wala na akong oras para maghanap ng papalit kay Trisha. Ka*o ito namang napulot ko daig pang laging may kaaway sa kausungitan!” Muling wika nito sa isip nito.

Napansin ni Aya ang pag iling-iling ni Tophe kaya naman napaisip ito.

“Ano kayang iniisip ng mokong na ito?” Tinaliman niya ito ng tingin at binaling muli ang tingin sa bintana.

Maya-maya lamang ay nakarating na sila sa building ng BMC. Paglabas ni Aya sa kotse ay napatingala ito sa taas ng building.

“Grabe naman pala ang building ng BMC, nakakalula.” Bulong nito sa kaniyang sarili.

Napasulyap sa kanya si Tophe at saka napangiti at tumingala na din sa building.

“Ayan Ms. Aya, diyan sa building na iyan ka magtatrabaho. At pag nagustuhan ko ang performance mo bilang secretary ay maaari kong taasan sahod mo.”
Ani ni Tophe at napatingin muli kay Aya.

“Hindi pa ako nagdedesisyon.” Tugon nito at napatingin din ito sa kanya.

“Halika sa loob Miss.” at sabay silang puma*ok sa loob ng building.

Bawat madaanan nilang empleyado ay nagtitinginan sa kanila. At paglagpas nila sa mga ito ay higla silang nagbubulungan.

“Sino kaya iyon?”
“Baka siya yung papalit kay Miss Trisha?”
“Baka girlfriend ni Boss.”
“Imposible iyon.”
“Wait patingin.”
“Maganda naman pero…”
Natigilan ang mga empleyado sa pagbubulungan ng lumingon sa kanila si Tophe at tinitigan ng masama.

Nakarating na sila sa may Elevator at hindi padin naaalis ang tinginan sa kanila ng mga tao dito.

Binulungan ni Tophe si Mang Glen ay sinabi na.
“Sabihan mo sila na tigilan ang pagiging ma-intriga nila, baka kamo gusto nilang makatanggap ng separation pay.”

“Okay po Boss.” At nilapitan nito ang mga Empleyado na nagkukumpol-kumpol sa kanilang table.

“Grabe pala dito no, kunting galaw lang pag-uusapan kana.”
Puna ni Aya rito.

“That’s normal sa isang company. Ang hindi normal ay hindi ka nakekealam sa mga nagyayari sa paligid. Huwag lamang sila umabot sa punto na may sisiraan na tao dahil ako mismo ang makakalaban nila.”

Narating na ng mga ito ang opisina ni Tophe.
At proud nito na ipinakita kay Aya ang kaniyang opisina. Pagpa*ok ng pinto.

“Dito ka magtatrabaho. At dahil madami tayong gagawin Ms. Haraya ay ipapalipat ko ang magiging table mo dito sa loob ng opisina.”

Iginala ni Aya ang kaniyang paningin sa paligid at saka ito napatango-tango.

-----------

Typing palang po ako ng Billionaire inuna ko nalang muna to para may binabasa kayo...

Magandang umaga... Late lang ng onte ud natin ngayong morning. Kagigising lang po :)
18/10/2025

Magandang umaga... Late lang ng onte ud natin ngayong morning. Kagigising lang po :)


Pagbigyan niyo lang akong mag MM promise gagalingan ko 😂
18/10/2025

Pagbigyan niyo lang akong mag MM promise gagalingan ko 😂

Ayiiiee hindi ako nagk**ali sa pagpili ng pangalan 😍 bukas po tayo mag uud ulit… iba kase pakiramdam ko….
18/10/2025

Ayiiiee hindi ako nagk**ali sa pagpili ng pangalan 😍 bukas po tayo mag uud ulit… iba kase pakiramdam ko….

🌸 TITLE: Billionaire’s Obsession with a single Mother (BOWASM)👩‍💼 AUTHOR: MG San Antonio💞 WITH MILD GPS-----------------...
18/10/2025

🌸 TITLE: Billionaire’s Obsession with a single Mother (BOWASM)

👩‍💼 AUTHOR: MG San Antonio
💞 WITH MILD GPS
---------------------------------------------
📌 DISCLAIMER 📌
Ang akdang ito ay pawang kathang-isip lamang.
Anumang pagkakahawig ng mga pangalan, karakter, lugar, negosyo, at pangyayari sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.
May bahagyang tema ng drama at family struggles. Read responsibly.

________________________________________________

Chapter 4 - Rafael Montenegro

“Tok… tok…”

Napalingon si Rafael sa pinto nang marinig ang mahinang katok.

“Pa*ok!” singhal niya, at agad namang bumukas iyon.
Puma*ok si Robert, ang kanang k**ay niya. Tahimik itong lumapit at bahagyang yumuko nang marating ang harap ng mesa ni Rafael.

“Ano na ang balita sa pinapahanap ko?” malamig niyang tanong.

Umangat ang tingin ni Robert, saka marahang umiling bilang tugon.
Napabuntong-hininga si Rafael. Kita sa mukha niya ang pagkadismaya, at batid iyon ni Robert …. ang ikalawang pagkabigo sa parehong paghahanap.

“Hindi bale,” ani Rafael, muling bumalik ang tigas ng tinig.
“Huwag ka pa ring titigil. Kailangan kong makita ‘yung babaeng iyon.”

Bago pa man makasagot si Robert, bumukas muli ang pinto.
Dumating si Joshua, ang nakababatang kapatid ni Rafael.

“Kuya, hanggang ngayon ba hinahanap mo pa rin ‘yung babaeng naka–one-night stand mo?”
May halong inis at pag-aalala ang tono nito.
“Ayaw kong isipin, pero hindi ba kahibangan na ‘yan? Tatlong taon na ang nakalipas, Kuya. Wala ka namang napala.”

“You’d better shut up, bro. You’re not helping,” malamig na tugon ni Rafael.
Sumenyas siya kay Robert na lumabas muna ng opisina, at agad naman itong sumunod.

Naiwan silang dalawa. Tahimik. Mabigat ang hangin sa pagitan nila.

“Ano ba talaga ang kailangan mo?” tanong ni Joshua, halos nawawala na sa pasensya.
“I’m here to enlighten you, Kuya. Para tigilan mo na ‘tong kahibangan. You’re finding a woman you barely even knew….for what?”

Tahimik si Rafael. Tumalikod siya at dumungaw sa glass wall ng opisina, tanaw ang lungsod sa ibaba.

“I’m just wondering…” mahina niyang sambit.
“What if… nagbunga ‘yung one-night stand na ‘yon? Yeah, lasing ako that night….but I remembered everything I did with that woman.”

Napailing si Joshua.
“Tsk. So ano ang punto mo? Kuya, ang dami pang babae diyan. At kung nagbunga man ang gabing ‘yon, kung may anak kayo, malamang ikaw mismo ang hahanapin niya. Pero wala, ‘di ba? Kung gusto ka niyang hanapin, may paraan siya. Pero hanggang ngayon, wala.”

Hindi na nakasagot si Rafael.
Tahimik siyang nanatiling nakatingin sa labas ng bintana, habang ang mga salitang binitawan ng kapatid ay paulit-ulit na umuukit sa isip niya…ngunit hindi rin iyon sapat para patahimikin ang kutob sa puso niya.

Ilang taon na nga ang lumipas pero hindi din niya maipaliwanag ang pagkasabik na mahanap nito ang babaeng minsan nitong nakasiping. Isang gabi lang iyon at kahit lasing ito ay malinaw sa kaniya ang maamong mukha ng dalaga.

Wala itong balak na galawin ito ngunit hindi nito napigilan ang kaniyang naramdamang kapusuk4n.

Ilang taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin maipaliwanag ni Rafael ang pagkasabik niyang muling makita ang babaeng minsan niyang nakasama sa isang gabi.
Isang gabing hindi niya malilimutan. At kahit lasing siya noon, malinaw pa rin sa isip niya ang maamong mukha ng dalaga.

Wala sana siyang balak na galawin ito, ngunit hindi niya napigilan ang bugso ng damdamin at kahinaan ng sandaling iyon.

Flashback…

“Take it or leave it, Rafael! Kapag nagising ‘yan at wala kang ginawa, baka pagsisihan mo pa!”

Nag-aalangan man, marahan niyang inilapit ang sarili sa dalaga…hanggang sa tuluyan siyang nagpadala sa tukso.
Alam niyang mali, ngunit huli na ang lahat nang tuluyang maganap ang gabing iyon.

Kinabukasan, nang magising siya, wala na ang babae.
Tanging kumot at mantsa ng dvgo ang naiwan…patunay ng gabing hindi niya malilimutan.

End of flashback.

“Paano ba kita mahahanap? Ni pangalan mo man lang… hindi ko nakuha.”

Muling bulong ni Rafael sa sarili habang pinagmamasdan ang kalangitan sa labas ng bintana.
At kahit alam niyang maliit ang tsansang muling magkita sila, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa….na balang araw, muli niyang masisilayan ang dalagang hindi kailanman nawala sa kanyang isipan.

SECRETLY INLOVE WITH MY BOSSAuthor : MG San Antonio ________________________________CHAPTER 4 - Part 3“Sumakay kana, huw...
18/10/2025

SECRETLY INLOVE WITH MY BOSS
Author : MG San Antonio

________________________________

CHAPTER 4 - Part 3

“Sumakay kana, huwag kang mag-alala, hindi ito pang absuwelto sa utang na loob ko sayo.”

Paglingon nito ay nakita nito si Christopher na nakasakay sa likod ng driver seat. Ibinaba nito ang kanyang sunglasses upang makilala ito ni Aya.

“Ms. Haraya, huwag kanang magmatigas diyan. Nakakalagnat ang pagiging mataas ang pride. Kung ako sayo sumakay kana.”

Tinitigan ito ni Aya at saka ito pinaikot ang kanyang mga mata.
“Okay..”

Lumapit ito sa harap ng pintuan ng Kotse ni Christopher. Sasakay sana ito sa harap ngunit binuksan ni Tophe ang pinto kung saan malapit siya nakaupo.

“Dito kana maupo.”

Wala ng nagawa si Aya kundi ang sumakay.

Nang makasakay na ito ay nakatingin ito sa labas ng bintana at tinatanaw ang bawat patak ng ulan.

“May desisyon kanaba sa alok ko sayo?” Putol nito sa kanilang katahimikan.
Napalingon sa kaniya si Aya.

“Mukha kang frustrated miss! Parang hindi ka padin nakakahanap ng trabaho.”

“Kakaasar naman itong babaeng ito! Kung hindi lang dahil sa utang na loob e hindi ko naman ito pipilitin na puma*ok sa company! At isa pa, hinayaan ko nalang sana ito kanina sa waiting shed na mabasa ng tuluyan sa ulan.” Maktol nito sa kaniyang isip.

Hindi kumibo si Aya dito.

“Kung ako kase sayo ay tatanggapin ko na yung offer diba? Hindi kana kailangan pang abutan ng ulan kakahanap ng trabaho.” Nakangiti nitong wika.

“Isasama kita sa office para makita mo ang paligid ng magiging trabaho ko.”

“Excuse me! Huwag kang pala-desisyon Christopher. Hindi pa ako sumasagot sa offer mo! At saka paano moko dadalhin sa trabaho mo eh kita mo nang basang basa ako sa ulan.”
Naasar na tugon nito.

“Apaka sungit naman nito. Siguro pinaglihi ito ng mama nito sa sama ng loob.” Gigil na bulong nito sa kaniyang isip.

“Okay Miss Haraya, gagawa ako ng paraan.”

Tumingin ito sa driver nito.

“Manong Glen, doon nga ho tayo sa Department store.”

“Okay po Boss.”
Napatingin na lamang ito sa driver at kay Chritopher.

“Ano nanamang binabalak nitong taong ito!” Bulong ni Aya sa kaniyang isip.

Maya maya lamang ay nakarating sila sa store. At pinapunta si Aya sa dressing room.

Iniabot sa kanya ang isang pushcart na may nakalagay na dress at under wear.

“Ikaw na bahalang mamili ng susuutin mo. Kunin mo diyan kung alin at ilang ang magustuhan mo. Libre ko na iyan pero hindi padin ibig sabihin ay bayad nako sa utang na loob ko sayo.”

Hindi na nito hinintay na tumugon si Aya at iniwanan na nito ang dalaga sa dressing room.

Naupo muna ito sa sofa habang hinihintay ang paglabas ni Aya.

“Kakaibang ugali ng babaeng ito!” Napailing na lamang si Tophe habang pinagmamasdan ang paligid ng dept store.

Good afternoon. Mga 7pm na ako mag uud ng BOWASM. Nakabiyahe po kase kami ngayon :)

Good Afternoon po.. Sa mga hindi pa po nakakabasa nito... Eto po yung updated link natin. :) huwag kalimutan mag iwan ng...
18/10/2025

Good Afternoon po.. Sa mga hindi pa po nakakabasa nito... Eto po yung updated link natin. :) huwag kalimutan mag iwan ng comment at react po. Salamat .. chapter 4 po natin mapopost ng 5 or 6pm. Thanks 💕

TITLE : Billionaire's Obsession with a Single Mother (BOWASM)
AUTHOR : MG San Antonio
WITH MILD GPS
---------------------------------------------

+Prologue+

"Congrats Mommy! It's a baby Boy!"

Bati sa akin ng sonographer habang patuloy nitong iniikot ang ultra*ound probe sa aking pvson.

Hindi ko alam kung paano ako magrereact dito. Kung matutuwa ba ako oh maiiyak.

Pinipilit ko ang sarili kong tanggapin ang aking kalagayan. Dahil sa ang pagbubuntis ko ay isang bunga ng isang gabing aking pagkak**ali.

Nakailang beses ko nang tinangkang ma/w>ala ang sanggol sa sinapupunan ko ngunit agad ko ding pinigilan ang sarili ko.

"Walang kasalanan ang bata... bakit ko ipagkakait ang buhay na ibinigay sa kaniya ng diyos na kahit ako mismo ang isa sa instrumento kaya siya nabuo ay walang karapatang bawiin ang biyayang buhay nito."

Nagpakalayo-layo ako sa amin. Nagdahilan ako sa mga magulang ko na kailangan kong mag-aral sa Maynila upang mailayo sa kanila ang katotohanang dinadala ko.

Gusto niyo ba itong sundan?

Chapter Links nasa Comsection

SECRETLY INLOVE WITH MY BOSSAuthor : Mg San Antonio---------------------------------CHAPTER 4Part 2Habang nakasakay sa M...
18/10/2025

SECRETLY INLOVE WITH MY BOSS
Author : Mg San Antonio

---------------------------------
CHAPTER 4
Part 2

Habang nakasakay sa MRT si Aya ay malalim ang iniisip nito.

“Nasuyod ko na ata buong Maynila pero wala padin akong mahanap ng trabaho.”

Napailing ito bigla.

“Ay oo nga pala, maliban sa company ni Lampa!”

Napasandal ito sa bintana ng MRT. Kasalukuyan na itong nakaupo. Mabuti nalang at kaunti lamang ang pasahero ng MRT kaya hindi ito masyado nagtagal ng nakatayo.

Nakaramdam ito ng antok. Kumpleto naman ang tulog nito pero hindi nito alam kung bakit antok ito ng mga oras na iyon.
Mapapapikit na sana ito ngunit biglang lumitaw ang imahe ni Christopher. Agad nitong binuksan ang mga mata nito.

“Ay Empakto!” Kunusot kusot nito ang kaniyang mga mata ngunit ng tignan nito ang kaniyang k**ay ay may kumalat na mascara dito.

“Sh&&t!” Kinuha agad nito ang salamin nito sa bag at saka tinignan ang sarili.

“Wtfghigklmnop!” Gigil nitong bulong sa sarili. Kumalat kase ang mascara nito sa paligid ng kaniyang mga mata.

“Let cheee namang malas ang inaabot ko sa lalaking iyon! Wala naman siya sa paligid pero nakasunod ata ang espirito ng k**alasan nung lampa na iyon.”

Nakarating na muli ito sa Tapt Avenue. Naayos na din nito ang kaniyang mukha.
Paglabas nito sa MRT station ay napatingala ito.

“Sobra nanamang tirik ang araw!”

Nagpatuloy na ito sa paglakad.
Lumipas na ang tatlong oras ay wala nanaman itong napala.

“Kakainis! Isa pa susubukan ko sa Fastfood bahala na kung tatanggapin ako at kung anong posisyon ang ibibigay sa akin.

At sumubok na nga ito sa isang fastfood.

“Sorry Miss, hindi pa kase kami nangangailangan ng manager eh. Mayroong bakante dito diswasher.” Medyo naiilang ang manager na nag-iinterview sa kanya. Kita at halata naman kase sa porma ni Aya kung ano ang posisyon na nais nitong aplayan.

Napabuntong hininga na lamang ito.

“Sayang nga po Miss kase ganda ng natapos mo oh, kakahired lang din kase namin mg bagong manager dito.” Dugtong nito.

“Hmm yung sa dishwasher? Paano ang sahuran dun? Sorry, I hope you don’t mind.” Nanatili itong nakatingin sa Manager na nag-iinterview dito.

Kung silang dalawa ay pagmamasdan ay mukha pang interviewer si Aya kumpara sa manager dahil hindi manlang ito makatingin sa kanya.

Natapos ang interview at lumabas na ng fastfood si Aya.

“Kamalasan! Kamalasan! Kailan mo ba ako lulubayan?”

Maya maya lamang ay biglang nandilim ang langit, may pagkulog at pagkidlat na din kaya inilabas na ni Aya ang kaniyang payong. Ngunit kahit anong hanap nito sa bag ay hindi niya ito mahanap.

“Hayyy another k**alasan!”

Nang unti-unti ng pumapatak ang ulan ay naghanap agad ito ng masisilungan. Mabuti na lamang ay may malapit na waiting shed dito sa harap ng fastfood kaya ng bumuhos na ang malakas na ulan ay nakasilong kaagad si Aya.

Napakalakas ng buhos ng ulan.
Niyakap ni Aya ang kaniyang sarili. Tanging siya lamang ang nakasilong sa Waiting shed kaya nakaramdam ito ng takot lalo na may kasamang kulog at kidlad ang malakas na ulan.

“Hayyy hindi paba matatapos ang k**alasan?” Hinimas nito ang kaniyang sariling bra*o.” Kahit na nakasilong na ito ay nababasa padin ito lalo na may kasamang malakas na hangin din ang pagbagsak ng ulan.

Napaupo itong bigla at napayuko sa kanyang tuhod.

Ngunit isang busina ang nagpaangat ng kaniyang ulo at napatingin ito sa isang mamahaling sasakyan na nakaparada sa gilid ng waiting shed. Ibinaba ng driver ang bintana at saka ito nagsalita.

“Miss, malakas masyado ang ulan baka matatagalan pa bago ito huminto. Sumakay kana baka mapaano kapa.”

Tinitigan lamang ito ni Aya.
“Hindi na ho… maraming salamat.”

Tatalikod na sana ito ng marinig nito ang tinig ng isang lalake na pamilyar sa kanya.

SECRETLY INLOVE WITH MY BOSSBy Mg San Antonio-------------------------CHAPTER 4Part 1Nakauwi na ng bahay si Aya. Nakaram...
18/10/2025

SECRETLY INLOVE WITH MY BOSS
By Mg San Antonio

-------------------------
CHAPTER 4
Part 1

Nakauwi na ng bahay si Aya. Nakaramdam ito ng pagod at uhaw sa biyahe kaya naman nagtungo ito agad sa kusina.
Pagkasalin nito ng tubig sa ba*o ay agad niya itong ininom.

Naalala nito ang mga nangyari kanina. Hindi nito makalimutan ang offer ng binatang kaharap nito.

“Bukas, hahanap ako ulit ng trabaho kung hindi ako matanggap sa mga aaplayan ko ay papatulan ko yung offer ng mokong naiyon! Pero sana makahanap ako para hindi ako mapilitang kagatin offer nung siravlong lalajeng iyon.”

Nagtungo na ito sa kaniyang silid at saka nito ibinagsak ang kaniyang katawan. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata. Inalala muli nito ang nangyari kanina bago ito tuluyang nakatulog.

“Sir? Teka lang!”

“Sir bitiwan mo ako!” Sigaw nito.

“Walang makakarinig sayo dito Ms. Aya! Pinauwi ko na ang mga guard kaya tayo lang dalawa ang nandito sa building.” Bulong nito.

Bumaba ang labi nito sa kaniyang le(e)g paakyat sa kaniyang tainga.

“I will make your night unforgettable!” Muling bulong nito.

Napasinghap na lamang si Aya sa mga susunod na kilos na ginawa ng kaniyang boss sa kaniyang kata(w)an.

Nagising na lamang si Aya na basang basa hindi dahil sa pawis, kundi dahil binuhusan ito ng isang ba*ong tubig ng kaniyang tiya.

“Jusko maryoseo iha! Akala ko kukulangin pa ang isang ba*on tubig para magising ka!” Bulyaw nito sa kanya.

Napahawak ito sa kaniyang sentido at saka naunawaan ang lahat.

“Hayyy panaginip lang pala.” Nakahinga ito ng maluwag at napahawak ito sa kaniyang dib dib.

“Mahabaging langit! Patawarin nyo sana si Aya at sa kung ano mang pinapantasyahan niya!”
Napatingin ito sa kaniyang tiyahin na nakatingin sa taas.

“Napapaano po kayo tiya?” Takang tanong nito.

“Ikaw iha!” Dinuro siya nito ng daliri.
“Ano ano ba ang pinapanood mo at grabe ka maka(u)ng(o)l kanina?”

Napatingin sa paligid si Aya.

“E tiya wala naman po tayong tv dito.”
At dito ay biglang muntikang dumapo ang palad ng tiya nito sa kanyang ulo.

“Hayy naku iha hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Matalino ka nga pero hirap mong kausapin ng maayos! Hilig mamilosopo!”

“Sorry na ho tiya.. nanaginip kase ako ng a*o eh, hinahabol po ako tapos sa panaginip ko nakagat ako kaya siguro ako napa-“

“Hay basta magdasal ka nga bago ka matulog!” Putol nito.

Palabas na ito ng pinto ngunit lumingon muli ito sa kanya na kasalukuyang nakaupo padin sa k**a.

“Mag-ayos kana diyan para makapg almusal kana. Diba may lakad ka ngayon? Hayy baka kailangan mo na talagang magtrabaho para mabawasan niyang iniimagine mo.”

Sinarado na nito ang pinto ng silid ni Aya.

“Hayy buti nalang at panaginip lang. kakatakot naman si Lampa sa panaginip ko parang hindi siya yung lampa at pat(ay) gutom na nakita ko kahapon.” Napahinga ito ng malalim.

“Ano kayang pahiwatig ng panaginip na iyon? Dapat ba akong puma*ok sa kumpanyan ng mokong na iyon o isa itong babala?”

Bumangon na ito sa mula sa kaniyang k**a at pinalitan nito ang kaniyang kumot, bed sheet at punda ng unan.

Nag-ayos na din ito ng kaniyang sarili bago lumabas ng kwarto para mag-almusal.

17/10/2025

😭😭😭 ang ganda ni Layla

🌸 TITLE: Billionaire’s Obsession with a Single Mother (BOWASM) 👩‍💼 AUTHOR: MG San Antonio💞 WITH MILD GPS----------------...
17/10/2025

🌸 TITLE: Billionaire’s Obsession with a Single Mother (BOWASM)
👩‍💼 AUTHOR: MG San Antonio
💞 WITH MILD GPS
---------------------------------------------
📌 DISCLAIMER 📌
Ang akdang ito ay pawang kathang-isip lamang.
Anumang pagkakahawig ng mga pangalan, karakter, lugar, negosyo, at pangyayari sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.
May bahagyang tema ng drama at family struggles. Read responsibly.

________________________________________________

Chapter 3 - Karla's POV (Continuation)

Nang tuluyan ng makalapit sa akin si Papa ay inihanda ko na ang aking mukha sa s4mp4l na maaaring dumapo dito. Ipinikit ko ang aking mga mata at muling tumulo ang aking mga luha.

Ngunit ilag segundo pa ang lumipas ay hindi nangyare ang inaasahan ko.

Pagdilat ng mga mata ko ay tumambad sa akin kung paano haplusin ni Papa ang mukha ng aking anak.

“Ang taas ng lagnat niya.”

Kinuha ni Papa ang susi nito at nagmamadaling sinabihan kami ni Mama.

“Tatayo na lamang ba kayo riyan? Tara na at dalhin natin sa malapit na hospital ang apo ko!”

Natulala ako… hindi ko inasahan ang ikinilos ni Papa.

“apo ko!”

Muling umalingaw-ngaw ang tinig ni papa sa aking tainga.
Kahit puno ako ng pagtataka ay sumunod na lamang ako rito.

Kahit si mama ay nabigla. Kaya naman labis na pagtataka ang tingin na tinapon nito kay Papa.

Mamaya-maya pa ay lulan na kami ng kotse at habang tinutungo namin ang hospital ay tahimik lamang sina Mama at papa.

Tahimik pero, nakakabingi. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nila ngayon?

Nakarating na kami sa hospital at kasalukuyan ng tinitignan ng doktor si Baby Jaspher.

At habang kinukuhanan siya ng blo/od sample para matignan ang ra*on ng mataas nitong lagnat ay nilapitan ako ni papa habang si Mama naman ay inaalalayan ang mga nurse na kumukuha ng sample kay Baby.

“Kailan pa to?”
Matalim ang titig ni papa sa akin. “At hanggang kailan mo sa amin balak itago to?”

Napasinghot ako ng sipon dahil sa labis na pag-iyak kanina.

“Tatlong taon mahigit na po papa…. At kakatatlong taon lamang ni Baby last month.”
Napayuko ako rito… “Hindi ko po balak itago sa inyo ng matagal… plano ko po talaga sana sa graduation pa.”

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Papa.

“Nasaan ang tatay niyan?”

Natigilan ako sa sumunod na tanong ni Papa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na… na bunga si Jaspher ng isang gabing pagkak**ali. Kapabayaan ko sa aking sarili.

“Ano? Hindi kaba sasagot?” Diin nito upang makakuha ito ng tugon sa kaniyang mga tanong.

“Hi-hindi ko po kilala yung tatay niya Papa…. Hi-hindi ko po siya ki-lala.”

Napasapo na lamang ng palad si Papa sa kaniyang noo.

“Alam mo ba yang pina*ok mo? Kung gaano kahirap maging isang magulang? At ang masaklap, mag-isa ka lang at nag-aaral pa! Bakit hindi mo kami sinabihan ng Mama mo? Dahil ba sa natatakot kang magalit kame sa kapabayaang ginawa mo sa sarili mo? Anak, kahit pa gaano kalaki ang pagkak**ali mo ay hindi iyon dahilan para talikuran ka namin!”

Hinawakan ako ni papa sa balikat dahilan upang mapatitig ako sa mga mata niyang kanina lang ay matalim ang tingin ngunit ngayon ay puno na ng pag-aalala.

“Marahil tama ka, tama ang iniisip mo… magagalit kami pero sa una lang yun! Ang anak mo ay apo ko. Ang kahit pa bali-baliktarin natin ang mundo ay hindi ko o namin ni Mama mo maaaring itakwil ka dahil lang sa pagkak**ali mo. Mahal ka namin anak! At walang magulang ang kayang tiisin ang anak lalo na sa sitwayon na ganito. At sng lahat ng mga paalala namin sa iyo noon ay hindi lamang para sa ikakaligaya namin, para sayo lahat iyon anak!”

Tuluyang muling tumulo ang mga luha ko at napahagulgol na yumakap kay Papa.

“Sorry pa…. Sorry po! Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa inyo dahil natakot akong madismaya kayo sa pagkak**ali ko. Ilang beses ko pong inattempt na alisin si Jaspher habang pinagbubuntis ko pero hindi ko kaya… sorry po! Sorry po talaga!”

Hinagod ni papa ang aking likod at saka ito binulong.

“But you know anak?”

Nag-angat ako ng tingin dito at ngayon ay pinunasan ni Papa ang aking luha.

“We’re so proud of you! Not only sa pagtupad mo ng pangarap naming makapagtapos ka pero…” Binaling ni papa ang tingin nito kay Jaspher na kasalukuyan ng natutulog. “Kahit mag-isa ka lang ay kinaya mong palakihin at alagaan ang anak mo. At habang may tinutupad kang pangarap pwede mo naman ipagpaliban. Kung sanang sinabi mo kaagad ay hindi mo na kinailangan pang lumayo sa amin para itago ang katotohanan. Sana natulungan ka namin sa pag-alaga mo sa apo namin ni mama mo…”

Wala akong masabi… tama si Aling Marites… hindi nga matitiis ng magulang ang anak nila sa kahit ano pang pagkak**aling nagawa nito.

Ngayon ay lumapit na din si Mama at niyakap ako.

“Natutuwa akong napalaki kita ng tama anak. At kahit mag-isa kalang ay hindi mo napabayaan si Baby… nakakaproud na dalawang bagay ang ineregalo mo sa amin ni Papa mo. At kahit pa wala siyang tatay ay hayaan mong tulungan ka namin ni Papa mo na alagaan si Baby.. ang aming apo.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Sobrang saya at pang-hihinayang na kung sana pala ay sinabi ko sa kanila agad ay siguro hindi ako nahirapang alagaan ng tatlong taon si Baby.
—————

“Narito na ang results… all goods naman. No infections or dengue kaya po maaari na pong maiuwi si Baby.”

Wika ng Doctor na tumingin kay Baby Jaspher.

Napalingon rito si Mama. “Ano po kaya ang dahilan ng pagkakalagnat ng apo ko?” Nag-aalala nitong tanong.

“Marahil po ay dahil sa panahon. Magrereseta na lamang po ako ng vitamins para maiwasan ang pagkakasakit.”

Napabuntong hininga na lamang sina mama at papa.

“Mabuti naman at okay na ang apo natin.”

Nagkatinginan sina Mama at papa at nagkangitian.

“Akalain mo iyon… may apo na pala tayo…” nakangiting wika ni Mama.

“Kaya nga eh.. kita mo ang ilong niya o at mga mata, manang mana sa Lolo..”

Hinagkan ni Papa sa noo si Baby Jaspher habang si Mama naman ay nakapamaywang dito.

“Anong ikaw ang kamukha? Ako kaya!”

Napangiti ako ng makitang nag-aasaran sina Mama at papa dahil lamang sa kung sino ang mas kamukha ni Jaspher. Napayakap ako sa aking sarili. Hindi padin makapaniwala na sa mga oras na ito ay wala ng lihim o sikretong dapat itago sa aking magulang.

Goodmorning! Typing na po
17/10/2025

Goodmorning! Typing na po

Address

San Simon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MG San Antonio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MG San Antonio:

Share