15/10/2026
πππππ πππ ππ ππππ, πππ-ππππππ ππ πππππ (π) ππππππ ππππππ ππππππ πππππππ ππ πππππ πππ
Nakatanggap ang Orani Municipal Police Station (MPS) ng isang mobile patrol vehicle na donasyon ng Local Government Unit (LGU) ng Orani katuwang ang Members Church of God International (MCGI) noong Oktubre 14, 2026.
Personal na tinanggap nina Bataan Police Provincial Office Director PCOL Marites A. Salvadora at Orani MPS Chief PMAJ Phoe G. Pangan Jr. ang sasakyan sa seremonya sa harap ng Orani Municipal Hall. Kinatawan naman ni Executive Assistant Jelo Danielle R. David si Mayor Antonio βJonβ F. Arizapa Jr.
Inaasahang makatutulong ang sasakyan sa pang-araw-araw na operasyon ng pulisya, pagpapalakas ng police visibility, pag-iwas sa krimen, at pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko sa Orani.
SOURCE: PNP Bataan Police Provincial Office