25/09/2024
Kaiyak nman tong story na to😢😭
HE CHEATED
Babae ako. Nakakaramdam din. Pero oo, martyr ako.
2 years relationship with the man I've been dreaming for. He's Kent.
I met him in high school, kilalang isang 'pl***oy' sa campus dati pero despite that, I still admire him. Nakilala ko s'ya through my friend's boyfriend. Lagi akong third wheel no'n 'pag kasama ko 'yung kaibigan ko at boyfriend n'ya kaya one time, they prepared for a double date pero wala naman akong boyfriend no'n kaya they invited their friend at pinakilala sa'kin and that's Kent. 'Yung isang beses na 'yon ay naging gawi na, hanggang sa halos araw-araw na kaming magkasama minsan naiiwan pa kaming dalawa nalang.
And it didn't ended just like that, after a couple of months may feelings grew bigger and bigger when I'm with him. Sino ba naman ang hindi, he's that guy na komportable kasama, maliban sa gwapo s'ya, sobrang gentleman din. Complete package they say.
Luckily, I'm not the only one who felt that because he confessed his feelings towards me. And yes, he feel the same way as mine.
He courted me just how I wish to be courted. Kinakantahan n'ya ako lagi, hatid sunod, alagang-alaga, pinoprotektahan, kilala na rin ako ng family niya tho hindi ko pa naman s'ya sinasagot at kilala rin sya ng parents ko kasi sila ang una nyang nilagawan bago ako. The way he's treating me, I felt like I was a princess.
Umabot ng isang taon ang panliligaw n'ya, and on his birthday, I gave him my answer as a gift and that's a YES. I saw the overflowing joy in his eyes, he hugged me as if it was the last, hinalikan nya rin ako sa noo and thank me for a hundred times.
Sa loob ng isang taon, our relationship went so perfect. Kinaiinggitan ng karamihan at hinahangaan din.
I can say na I'm so lucky for having him in my life. Kung ga'no n'ya ako pahalagahan dati gan'on parin hanggang ngayon. Parang hanggang ngayon, nanliligaw pa rin s'ya.
Pero sabi nga nila, lahat ay nagbabago.
He became busy and the reason is I don't know. Sabi n'ya wala na syang time masyado kasi while studying he's also helping running their family business. I believe him but there's something suspicious kasi sabi ng dad n'ya, madalas lang s'yang makita sa kumpanya nila.
But demn that man. Kaunting lambing n'ya lang sa'kin, okay na ako. His smile, his kiss takes away every negative thought I have in my mind.
Yes, he's sweet but most of the time now, he's getting colder. I tried to understand kasi alam kong pagod sya. Pero kahit hindi sya pagod, gano'n pa rin sya, kinikimkim ko lang because I hate arguments. Ayaw ko ng away kasi I can feel na anytime he can just drop me. Anytime pakiramdam ko, hihiwalayan n'ya na ako, iiwan nya na ako.
Today is his birthday and at the same time our 3rd anniversary. Nasa school pa s'ya no'n, kinuntyaba ko ang family ko at family nya para isurprise s'ya. We prepared everything sa bahay nila, ayos na lahat, the foods, the balloons, and everything, s'ya nalang ang kulang.
"HAPPY BIRTHDAY KENT! AND HAPPY 3RD ANNIVERSARY!" sigaw naming lahat. Gulat na gulat ang itsura ni Kent na halatang pagod sa byahe.
"t-thank you" he briefly replied.
The coldness of his voice, and his uninterested aura triggers the whole room pero hindi 'yon naging barrier para icelebrate ang espesyal na araw na 'to.
Habang kumakain kami, hindi nya ako kinakausap, ni tignan ako hindi magawa. I want to ask him what's the problem but I'm too scared to know that his answer is; Our relationship.
Suddenly, nagpaalam na syang umakyat sa kwarto dahil pagod na raw sya.
His mom gave me his phone, baka raw nakalimutan dahil sa pagod kaya ako na raw magdala sa kwarto n'ya.
I was about to go to his room but my confused mind bothered me. I opened his phone, at doon palang nakaramdam na ako ng kirot. His lock screen is no longer us. Dati ayaw na ayaw nyang palitan 'yon kasi sabi nya nawawala raw pagod nya 'pag tumatambad 'yon sa kanya the moment he open his phone. But now, what happened, baby?
Nilakasan ko ang loob ko, I tried unlocking his phone, and nabawasan ang sakit na nararamdaman ko nang mabuksan 'to, his password is still the same. Anniversary namin.
I explored his phone. Hindi ko na tinignan ang Facebook and other social media accounts nya dahil hawak ko rin naman 'yon. But something caught my attention and triggers my curiosity, may three unread messages. Nabuntong hininga ako bago pindutin 'yon.
I closed my eyes. Takot akong makita, takot akong masaktan.
Takot akong malaman na totoo ang hinala ko.
I slowly opened my eyes and just that.
I felt a sudden stabbed on my chest. My world literally stopped for a moment.
Nanghina ako nang makita ang isang text ng isang babae.
"Dating gawi, hon? Sa Starbucks tayo bukas ng 10am? See you, iloveyou!" It reads.
I deleted the text right after.
Natawa ako ng bahagya, nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako at nabitawan ako cellphone. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay para hindi marinig ang iyak ko. Ang simpleng tawa nagiging hagulgol na.
Nagmura ako ng nagmura habang sinasabunot ang sarili ko.
Fck.
Today, it's 10:23am. Pumunta ako sa pinakamalapit na Starbucks sa school ni Kent, nagbabasakaling nandoon ang babaeng 'yon.
Maga parin ang mga mata ko but I managed to look good today. I want to meet that fcking hoe. Gusto ko syang saktan, kaladkarin at kung ano-ano pa.
Pumasok na ako sa coffee shop na 'yon at napansin kong kakaunti lamang ang taong naroroon at napansin ko agad ang isang magandang babae, mataas buhok, maputi na may maamong mukha na nakaupo sa dulo, panay tingin sya sa relo na tila ba may hinihintay. I immediately walked towards her direction.
"hi" I greeted.
Lumiko pa s'ya sa tabi nya, making sure if I am talking to her.
ikaw kailangan ko, shunga.
"h-hi po?" she replied, "what can I help you po, ate?"
Nakaramdam ako ng guilt. Her voice is too innocent just like her face. She look like 2 years younger than me.
Ba't parang hindi n'ya ako kilala?
"You're waiting for Kent?" I asked.
"Ay opo" nahihiya nyang sagot.
"Hindi sya makakapunta, busy e. I'm his..... f-friend, Monica. And you are?"
Tumayo s'ya at inabot ang kamay ko, "Hello po, I'm Aya, girlfriend n'ya po" she introduced herself.
KapaI ng mukha mo haha.
"Upo po kayo"
Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap nya na supposedly for her boyfriend— my man.
I just stared at her innocent face. Ang ganda nya lalo 'pag tinititigan, her smile is too cute.
Pakiramdam ko, wala syang alam.
She's not aware that she's stepping onto someone's relationship.
Just like me, I think she's a victim too. Nagmamahal lang din sya.
"So, gaano na kayo katagal ng kaibigan ko? How's your relationship with him?" I opened up.
She automatically plaster a smile as if she's going to tell a good news.
"One year na po kami kahapon, ate!" She said.
"One year? Ibig sabihin naging kayo sa birthday nya last year?" Tanong ko.
"Opo, that's the happiest day for the both of us ate"
Wow haha.
"K-kwentuhan mo naman ako about sa inyo haha, kasi 'yung kaibigan kong 'yon, masyadong malihim."
"Sure po!", she paused "Nakilala ko po sya dito mismo sa coffee shop na 'to, in this exact table last year. Kasama nya mga friends nya then may isa po kaming mutual friend kaya naging magkakilala kami. To make the story short po, lagi na po kaming nagkakasama after non, tapos same school po pala kami, sya 'yung katulong ko sa lahat ng bagay, sa projects at iba pa. He's too sweet and caring po HAHA. Kahit may klase sya pupunta 'yon sa room ko para dalhan lang ako ng sandwich at juice HAHA. I didn't notice po na nanliligaw na po pala sya sa'kin, and who would not accept him as a boyfriend diba po? Kaya nung birthday nya na, nag YES na po ako sa kanya— w-why are you teary, ate?"
"H-ha? N-no. N-nakakakilig lang ka-yo.." I stuttered.
"Hahaha opo. At alam n'yo po ba? Sobrang sarap nya kasama, ang gentleman nya, he's every girl's ideal man!"
Alam ko syempre, man ko 'yon e. Akin 'yon e.
"Tapos ate, kahit busy sya at busy ako, I always find time to talk to him, alam ko kasing pagod sya, at minsan malungkot din 'yon, kaya ako na ang nag e-effort para sa kanya, pupuntahan ko sya sa opisina nila, dalhan sya ng foods, at habang nagtatrabaho sya kinakantahan ko sya at minsan I am telling him how much worth it he is kahit magmukha akong tnga okay lang mawala lang ang pagod ng mahal ko" she continued.
Kaya pala mahal 'to ni Kent e. Ang bait. Sya ang nag punan ng pagkukulang ko kay Kent.
"Kent is too lucky to have you" wala sa sarili kong sabi.
"Ay HAHAHA hindi naman po. Minsan lang po kasi kailangan babae rin ang mag effort kasi ang mga lalaki napapagod din 'yan", she smiled, "ayaw kong maghiwalay kami e, kaya kung ayaw mong lokohin o hiwalayan ka ng taong mahal mo, 'wag puro demand lang, dapat nagsusupply din tayo ng effort sa kanila to make them feel valued"
That hit me so hard. Mas bata sya sa'kin pero ba't ganyan sya mag-isip?
Hindi ko masisisi si Kent na niloko nya ako, kasi tama si Aya. Baka nga hindi ko sya napahalagahan just like Aya's treating her.
Masakit man pero,
She deserve my man more than I do.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Why does it hurts like hell?
I want to sIap this girl in front of me, I want to tell her na akin 'yang lalakeng nasa kwento mo, akin 'yang lalakeng mahal mo.
But I can't.
Because she's not just the girl who took my place in my man's heart, she's the girl who covered what I lack in my man's life.
"Ate? Why?" She asked.
"Y-you k-now? I wish I was you. I envy you a lot. M-my man is cheating on me.."
"What the heII? Don't cry over that guy ate, he doesn't deserve you—
"No. Its me who doesn't deserve him. Kaya ikaw, habang maaga pa, take your man seriously, take care of him, love him, okay?"
She nodded.
"He's here! Kent!" She shouted.
Lumingon ako, and there I saw my man holding a bouquet of flowers and a cake with a text on it saying "Happy Anniversary, honey"
Aya immediately ran over him gave himfy the tightest hug and they kissed right in front of my face.
The moment Kent saw me, his eyes widened and his jaw dropped.
"M-Monica?" He uttered.
"No, its okay!" I said and wiped my tears.
"Ang tagal mo kasi, Hon kaya nagkwentuhan muna kami ng kaibigan mo, I was telling her about us and there, sa sobrang kilig she burst into tears haha" Aya said.
Fck, why so innocent?
"Hon? Ba't parang gulat na gulat ka? Halika kana, upo na tayo, your friend is waiting oh"
Ngayon, nakaupo na kaming tatlo, nakaharap sa isa't isa. Gusto kong umiyak sa harap nila, pagmumurahin silang dalawa pero hindi e, I can't.
"Kainin na natin ang cake n'yo!" I said.
"Ay teka po, I'll ask for plate" sabi ni Aya at tumayo na't pumunta sa counter.
Naiwan kaming dalawa.
He instantly grabbed my hands and he started crying while saying sorry.
Oh, my man, it's okay.
"Shh. Okay lang" I said and smiled.
"Love, sorry, sorry, sorry" he said crying. He's now kissing my hands.
"Its okay, its really okay", hinila ko ang kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisngi nya, "D-do you love her?"
"I'm so sorry" he continued crying.
"Do you?" Ulit ko.
"Y-yes." bulong nya.
Fck.
"G-good. Alagaan mo 'yon, ang swerte mo na ro'n, ang bait, ang ganda pa" my tears started flowing.
"Pa'no ka?"
Mas lalo akong napaiyak sa tanong n'yang 'yon but i managed to talk, "masaya na akong makita kang masaya kahit ikakadurog ko pa"
"Monica.." He cried.
"Sobrang mahal kita e", I said, "pero kent.. Kung sasaktan ka nya, balik ka sa'kin ha, tatanggapin kita"
Nakita kong pabalik na si Aya kaya dali-dali akong nag-ayos.
"Umayos kana, mas gugustuhin ko pang masira ako, kaysa masira kayo.." bulong ko.
"Ba't kayo umiiyak dalawa hahaha?" Aya asked.
"'Tong boyfriend mo kasi pinapaiyak ako sa sobrang nakakakilig na kwento n'yo" tugon ko.
"Hon naman, kanina pa umiiyak 'yan e pinaiyak mo pa lalo!" She laughed.
"Mauuna na pala ako sainyo! Enjoy your day! Keep each other okay? Stay inlove!"
Tumayo na ako at nagsimula nang lumakad palayo sa kanila.
I forced myself not to look back kasi baka umiyak pa ako lalo at worse baka bawiin ko pa 'yon, akin 'yun e.
Pero papalayain ko na sya, not because he cheated on me, but because I love him so much.
ctto
Emote Gurl