13/09/2026
๐๐ง๐๐๐ 11-๐ผ๐ก๐ค๐ฃ, ๐๐จ๐๐ฃ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐ช๐จ๐ช๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฉ๐ง๐๐๐๐ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข
Kalusugan at pagkakaisa ang itinampok ng Grade 11 Alon sa isinagawang โHealthy Me, Healthy Weโ Outreach Program noong Setyembre 12, 2026 sa Brgy. Masinao Covered Court, kung saan nakilahok ang mga piling kabataan ng barangay upang itaguyod ang kamalayan sa pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng bawat isa.
Sa pamamagitan ng programa, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malusog na pamumuhay, lalo na sa hanay ng kabataan na itinuturing na mahalagang katuwang sa pagbuo ng isang malusog at aktibong komunidad.
Nakibahagi sa aktibidad sina Punong Barangay Glacie Fransisco Tanael at SK Chairman Kendrid Tanael, na nagbigay ng suporta sa programang nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan sa Brgy. Masinao.
Katuwang ng mga kabataan sa pagsasagawa ng outreach program si Gng. Diana M. Durante, g**o sa Civic Citizenship, habang pinangunahan naman ni Justhine Nhicole I. Padua, pangulo ng Alon, ang pagpapatupad ng programa.
Sa isinagawang aktibidad, muling binigyang-halaga ang pananagutang pangalagaan hindi lamang ang sariling kalusugan kundi maging ang kapakanan ng kapwa, isang hakbang tungo sa mas malusog at nagkakaisang kabataan sa komunidad.