06/10/2026
BALITA || BulPriSA District IV 2026, Umarangkada!
Opisyal na binuksan ang Bulacan Private Schools Association (BulPriSA) Athletic Meet 2026 kasama ang mga pambatong estudyante ng mga pribadong paaralan ng iba't ibang larangan sa Covered Court ng Munisipyo ng Santa Maria, Bulacan nitong ika-30 ng Setyembre 2026.
Tagisan ng husay at dangal ay sinimulan matapos magbigay ng paunang pananalita ang nag-lunsad ng programa na si Gng. Bernadette "Leah" Halili, President ng BulPriSA District IV. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-unlad ng malasakit sa pamamagitan ng paghikayat sa mga atleta na “play hard, play fair, and enjoy every moment.”
Dumalo rin sa programa sina Dr. Jay-Arr C. Tayao, Division Sports Officer ng Division of Bulacan; Konsehal Lito Jacinto; Kgg. Bartolome "Omeng" Ramos, Alkalde ng Santa Maria; Kgg. Daniel P. Fernando, Punong lungsod ng Bulacan; Gng. Cynthia Angeles, President ng BulPriSA-Execom; at Kgg. Salvador "Ador" Pleyto, 6th District Congressman ng Bulacan.
Tampok din ang makukulay na pagtatanghal ng sayaw mula sa iba't ibang estudyante ng iba't-ibang paaralan at ng natatanging bilang mula sa mga piling g**o ng BulPriSA, na sinundan ng oath of sportsmanship bilang pagpapakita ng pangako ng mga atleta na mananatiling patas sa laro, disiplina, at respeto sa kapwa manlalaro.
Nagbigay ng panghuling pananalita ang Athletic Coordinator na si G. Melo Palad bago pormal na idineklara ni Gng. Halili na bukas na ang BulPriSA District IV Meet, hudyat ng pagsisimula ng mga kompetisyong pampalakasan ng stratehiya sa paglalaro sa iba't ibang larangan.
✍️: Denziel Jade Jose || News Writer
✔️: Roxanne Sofia Cheng || Copy Editor
✔️: Lyra Jamaica De Vera || Editor In Chief
✔️: Ma'am Cristine Jean Uyanib || Journalism Club Adviser
🖼️: Sir Mark Joven Pabilada || Journalism Club Adviser