09/09/2025
“TANGGAP KO NA.”
Tanggap ko na. Okay na ako. Hindi na ako galit, hindi na rin ako nagtatanong kung bakit? Matagal ko nang pinasan ang sakit, pero ngayon, mas pinili ko nang bitawan.
Salamat sa lahat, sa masasayang alaala, sa mga aral, at kahit kahit sa sakit na iniwan mo. Lahat ng yon, naging bahagi ng paglago ko, hindi ko man naabot ang “HABAMBUHAY” na pinangarap ko noon na kasama ka, natutunan kong ang tunay na pagmamahal ay hindi laging tungkol sa pagpili, kundi sa pagpapalaya _kahit mahirap.
Hindi ko na hinanap ang sagot, hindi ko na rin inaasam ang pagbabalik mo. Ang mahalaga, payapa na ako, at sigurado akong kaya ko nang harapin ang bukas nang hindi na ikaw ang iniisip.
Maging masaya ka. Gaya ng pagiging masaya ko, KAHIT WALA KA NA.
Ako, na Minsang LUBOS KANG MINAHAL.